[ Duel ]
"okay class, sisimulan na natin ang activity niyo mag sisimula tayo, ang unang magduduel ay sila Mr. Skyler Santiago and Mr. Race Villa"
Nagform na kame ng malaking circle at sa gitna mismo pumwesto si skyler at yung kalaban niya na si race, kung titignan mo ang mga ito ay alam na alam mong panalo na agad si skyler
the way he stand screams strength and authority, his grays eyes are looking at race directly, ramdam mo den ang pagiging kalmado ni skyler while race bakas sa mukha niya ang kaba.
Sumenyas naman na agad si miss lisanna na magstart na, walang sumusugod sa dalawang naglalaban mukhang nagpapakiramdaman sila nasisiguro ko den na natatakot lang sumugod si race kay skyler,
"napaka tagal naman magsuntukan"
Siguro ay nainip na kakatayo si skyler kaya siya na mismo ang sumugod kay race kaya medyo napaatras pa si race, hindi den ito nakaiwas agad dahil mabilis ang kilos ni skyler kahit ako ay hirap ipredict kung ano gagawin niya, napatumba si race ng suntukin siya ni skyler at agad naman nakabawe ng tayo si race saka sinubukan na sapakin si skyler pero mabilis na nahuli ni skyler ang kamay nito saka pinaikot sa likod nito at agad niyang siniko ang batok nito dahilan ng pagkawala ng malay nito
Agad naman umingay or sabihin na natin nag tilian ang mga babae sari saring papuri at paghanga ang maririnig, meron pa nga'y bulgaran ang kaharutan ang sinasabe
Napatingin sa gawi ko si skyler ngumiti ito sakin kaya naman marahan naman akong ngumiti pabalik.
Sumunod na nakipag laban si jeo na hindi den naman nagtagal ang laban, alam niyo kung bakit? aba gamitin ba naman yung ka playboy niya dahil kalaban niya ay isang babae, yung babae naman agad nagpakarupok tsk masyadong nagpadala sa matamis na dila nitong si jeo.
Next na sumabak ay si Cole, wala itong kaekspresyon na naglakad sa gitna at walang gana tumingin sa kalaban, Si Rile kunh di ako nagkakamali ay mayabang ang lalakeng ito kasali den ito sa isang gang, tignan na lang natin kung uubra to kay leader ng mga prinsipeng korni.
Si Rile na mismo ang unang sumugod at akmang susuntukin si cole pero nahuli ni cole ang kamay nito at walang ekspresyon na tinignan si rile
'mayabang talaga siya e no?'
Bakas ang sakit na nararamdaman ni rile dahil hinihigpitan ang hawak ni cole sa kamay ni rile,
"a-ahh" nasasaktan na sabe ni rile
Nagbalak pa itong sisipain si cole ngunit naunahan na ni cole ito at sinipa si rile sa sikmura niya na pagkalakas lakas, binitawan na ni cole si rile sa kamay kaya naman agad na napada sa damuhan si rile na namimilipit sa sakit
tinignan lang ito ni cole saka tinalikuran at bumalik sa mga kaibigan niya
'hard core ka den palang leader ng mga prinsipeng korni'
Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ni miss lisanna ang pangalan ko hudyat na lalaban nako, palihim naman akong napangisi dahil may naisip akong makakapag surpresa sa babaeng bumugbog sakin nung nakaraang araw,
Nakangiti itong tumingin sakin ng magkaharap kame sa gitna,
"how are you? Mukhang hindi ka nadala sa nangyare sayo ah?"pang aasar nito sabay irap pa saakin. "you should know kung sino mga binabangga mo, warning pa lang yung nangyare sayo nung nakaraang araw kaya kung ako sayo bawas bawasan mo na kayabangan mo sa katawan dahil wala ka naman laban sakin"
" masyado kang madameng sinasabe tiffany, kung gusto mo mag round 2 tayo isama mo pa mga alipores mo" nakangising sabe ko pa dito mahina ang pagkakasabe ko dito sapat lang na siya lang ang makakarinig

BINABASA MO ANG
Snow White
Подростковая литератураShe has a angelic face that can captivates every man in her town but little did they know that she's hiding a devilish attitude, she is Cana Fuentes a real life Snow White.