Prologue

7.4K 133 30
                                    

"Miss, can I have —"

"It's already my out," I cut off and continue walking.

Nang nakarating sa staff room ay hinubad ko ang suot na apron atsaka kinuha ang gamit sa locker nang pumasok si Shanny.

"Ano na namang ginawa mo sa customers, Audrey?"

"Did I do something wrong? Sabi ko lang na out ko na —"

"Kahit na! Dapat kinuha mo pa rin iyong order nila, hindi mo ba magawa iyon? Hindi naman aabot ng oras!" sigaw niya ulit.

I gritted my teeth, getting irritated by her voice.

"8 PM out ko, kaya 8 PM din ako aalis. Ba't hindi ikaw ang gumawa, mamaya pa naman out mo 'di ba?" nagtitimping sagot ko sa kaniya.

Ang kapal ng mukha akala mo naman siya boss dito, eh, parehas nga lang kami ng trabaho.

"Matanggal ka na sana sa trabaho! Malandi!"

Shanny was about to turn her back when I pulled her hair. "What did you just say?"

"Bitawan mo 'ko!"

Hinila ko pa lalo ang buhok niya. "Ulitin mo nga 'yong sinabi mo."

"Bitawan mo sabi ako, eh!"

Dahil sa pagkairita sa malakas na boses niya ay patulak ko siyang binitawan na nagpatumba sa kaniya.

"Isusumbong kita!"

I fakely laughed. "Go ahead. I don't care."

Nagtungo na ako sa pintuan at huminto saglit sa gilid niya. "I'll get back to you next time. Take this as a warning, Shanny," I threatened.

Habang naghihintay ng bus sa waiting shed ay tumunog ang cellphone ko.

Rhiane:

Aud, nasa Marikina kami ni Margaret ngayon. Nasa'n ka?

Me:

Ano'ng ginagawa niyo rito?

Rhiane:

Hindi ba obvious? Pupuntahan ka namin!

Me:

Just go home, ayaw ko ng maingay ngayon.

Rhiane:

Grabe ka naman! Namiss na kita, eh!

Hindi na ako nag-reply at patuloy nalang na naghintay ng masasakyan. I'm still not used to this kind of life. Sue them.

"There you are!"

Napatalon nalang ako sa gulat nang may biglang lumitaw sa harap ko.

Ngumiti ako, pero nang nakita iyon ni Marga ay kaagad kong ipinawi.

"Oh my! You smiled!" Marga exclaimed.

I rolled my eyes. "No, there's nothing to be happy of."

"Gosh, you're still my girl!" Rhiane tightly hugged me.

Tantalized By The Serene (Reistre Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon