"Aling Minda baka naman po pwede natin tong pag-usapan muna?
M-magbabayad na po ako maya maya,---- kelangan ko lang magdilihensya muna, maawa naman po kayo sa akin oh, wala po akong ibang mapupuntahan."Pagmamakaawa ni Kristine sa kanyang kasera na si Aling Minda. Subalit talagang desidido ang ale na paalisin siya.
"Ilang pagkakataon na ang ibinigay ko sayo Kristine---- naku tigil tigilan mo ako diyan sa drama mo ha! Ilang buwan ka ng hindi nakakabayad ng renta!, ano? lagi na lang kita pagbibigyan? Paano naman ang kabuhayan ko ha? Umalis ka na ngayon din at dalhin mo yang mga gamit mo!." Matigas na sambit nito na halatang galit pa habang nakapa-maywang sa harap niya.
Kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang hakutin lahat ng mga gamit niya at lulugo lugong lumabas ng paupahan nito.
Dalawang buwan na ang balanse niya sa inuupahan at hindi niya alam kung saan kukuha ng pambayad niya sa kasera dahil yung pera sana na inilalaan niya sa paghuhulog sa inuupahan ay napunta sa pamilya niya sa probinsya dahil sa pang matrikula ng kapatid niyang pinag-aaral niya sa kolehiyo.
Siya si Kristine Torres, 27 anyos na at ang pinaka- bread winner ng pamilya, may dalawa siyang kapatid na pinag-aaral, ang isa ay nasa 3rd year highschool at ang isa ay nasa kolehiyo na at kumukuha ng kursong Accountancy.
Tatlo silang magkakapatid na pawang mga babae siya ang panganay kaya madalas siya ang takbuhan kapag nagigipit.
Ang nanay niya ay isang mananahi at namamasukan sa isang factory, samantalang ang tatay naman niya ay isang lasenggo na jeep driver na halos lahat ata ng kita ay sa alak napupunta.
Nakatapos naman siya ng pag-aaral sa kursong Computer Science subalit dahil sa mahirap maghanap ng trabaho sa kanilang probinsya ay mas pinili niyang sa maynila na maghanap ng trabaho at dahil sa likas na maganda ang tinig ay napasok siya sa pagbabanda at isa na ngang bokalista ng isang banda na tumutugtog sa iba't ibang bar sa lungsod at isa din siyang disc Jockey or DJ sa isang sikat na radio station sa Makati.
At kahit pa dalawa ang pinapasok niyang trabaho ay mistula pa rin siyang madalas na kapos sa financial dahil na rin sa ayaw niyang mamroblema ng sobra ang nanay niya kahit kasi may trabaho ang ama nila ay mas inilalaan naman nito iyon sa bisyo kesa sa kanilang pangangailangan.
Dati ay sa bahay ng ex-boyfriend niyang si Jake siya tumutuloy, nagsasama na kasi sila nito noon at mahal na mahal niya ito subalit may isang bagay siyang nalaman tungkol dito na siyang dahilan kung bakit pinili niyang iwan at hiwalayan na lamang ito.
Bumalik sa gunita ni Kristine ang nakaraan nila ni Jake......
"Love andito na ako." Bungad ni Jake sa gabing iyon kararating lang nito galing sa trabaho habang siya ay bihis na para magtungo sa bar kung saan sila tutugtog ng gabing yun. Yun ang madalas na set-up nila ni Jake, pagdating nito ay paalis naman siya para magtrabaho. Nung una mahirap dahil nga hindi magtagpo ang schedule nila pero sa kalaunan ay nasanay na din sila basta ang mahalaga ay magkasama sila.
BINABASA MO ANG
Mister Possessive (Third Party Hunk Series1)
RomanceCalvin was a broken hearted fool and very lonely, nilagok niya ng diretso ang laman ng kanyang kopita habang nakatanaw sa stage na kung saan kinakanta ng isang babae ang kantang "Kung ako na lang sana" Sana siya na lang, sana pwedeng turuan ang pus...