Kabanata 7

37 4 3
                                    

"A-ayoko bumalik, dada" Binawi ni Nikka ang kamay niyang hawak ni Blaxce.

"Nikka..." sabay naming sabi ni Blaxce kaya nagkatinginan kaming muli.

"Hatid niyo na lang po ako ni Ate Xhania kila auntie Sally... Ayos lang po ba?" Kumapit si Nikka saakin pagkatapos ay tumingala.

"Nikka, doon ka na natulog kagabi. Nakakahiya na kay auntie Sally.." umupo si Blaxce upang mapantayan si Nikka.

"Eh, galit nga po saakin si Mimi" nangilid na naman ang luha sa mata ng bata.

"Shh, sige. Titignan natin kung papayag si Nanay" binuhat nito si Nikka pagkatapos ay bumaling saakin.

"Bumalik na tayo roon..." aniya at tinalikuran na ako.

Agad naman akong sumunod sa kanila at pinantayan ang bilis ng kaniyang paglalakad.

"Ah, napalayo pala tayo, Nikka." pagbabasag ko sa katahimikan.

"Hmm.." iyon lamang ang kaniyang tugon pagkatapos ay inginudngod ang mukha sa balikat ni Blaxce.

Tumikhim ako bago muling nagsalita.

"Paano mo nalamang nandoon kami ni Nikka?" Pagbubukas kong muli upang may mapag-usapan.

"Bumalik kami sa loob pagkatapos naming suriin ang inyong sasakyan. Pagkakita ko pa lamang sa kalat sa kusina ay alam ko na agad ang nangyari." Humina ang kaniyang boses pagkatapos ay bahagyang sinilip si Nikka.

"Ang sabi ay lumabas daw kayo" pagpapatuloy nito.

"Gusto ko lang naman na malibang si Nikka, kaya ayon..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Pasensiya na kung kailangan niyo pang masaksihan ang nangyari kanina" may pait sa kaniyang tinig.

Magagalit kaya siya kapag nalaman niyang nagkuwento saakin si Nikka tungkol sa kanila?

Magagalit kaya siya kung... magtatanong ako?

"Blax---"

"Kaibigan!"

Napahinto ako nang may nagsalita mula sa aming gilid.

Hinanap ko iyon at nakita ko ang tatlong lalaking nakasandal sa malaking puno.

"Hindi ka sumama kay Mayor?" Tanong ng isang lalaki at ang paningin ay na kay Blaxce.

"Hindi mo ako makikita ngayon dito kung sumama ako roon." Sagot nito at hinarap ang lalaki.

"Kahit kailan ay hindi ka talaga makausap ng matino." Umiling-iling ang lalaking kausap pagkatapos ay natawa.

"Hmm, himala! Ibang Binibini ata ang iyong kasama at hindi si Lenel." Naningkit ang mata nito saakin.

"Ipakilala mo naman kami sa magandang Binibini.." nagsalita ang mas batang lalaki.

Napatingin ako kay Blaxce nang lumingon ito saakin. Umigting ang panga nito pagkatapos ay muling hinarap ang mga kalalakihan.

"Tumigil nga kayo. Huwag niyong takutin ang bisita."

"Sus! Gusto lang namin malaman ang kaniyang pangalan!" Sabat naman ng isa pang lalaki.

"Mauuna na kami. Magkita na lamang tayo roon sa bayan mamaya." Pagtatapos ni Blaxce sa kanilang pag-uusap. Nagsimula na itong maglakad kaya naman sumunod na rin ako.

"Damot, oy!" Sigaw nila kaya naman muli ko silang nilingon.

Kumaway ang mga ito saakin kaya naman tinanguan ko sila, mukha naman silang mababait.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Silhouette in the Forest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon