Kabanata 2

39 5 0
                                    


Narating namin ang lokasyong itinuturo ng app sa cellphone. Hindi matapos-tapos ang pagtatalo kanina kung sino ang magmamaneho, kaya bumaba ako at nagpasyang ako na ang mag-drive. Ang mga sira-ulo, hinayaan naman ako. Punyeta talaga.

Lumingon ako sa aking mga kasama dahil lumipas na ang ilang minuto ay wala pa ring bumababa sa sasakyan, lahat sila ay nakatingin lamang sa aming harapan, kaya bumaling ako muli dito.

Isang lumang bahay.

"Niel? Tama ba itong napuntahan natin?" tanong ko dito dahil siya ang nagdala saamin dito.

Ang malaking bahay ay gawa sa kahoy. Wala itong gate ngunit nahaharangan naman ng nagtataasang mga halaman ang paligid kaya hindi basta-bastang makakadaan papasok. Mayroon itong dalawang palapag.

"Huling punta ko rito ay bata pa ako. Pero pamilyar saakin ang dinaanan natin kanina, Xhania" sumulyap ito saglit saakin tsaka muling ibinalik ang tingin sa harap.

"Bro, ito na 'yon?. Para namang bumalik tayo sa panahon ni Rizal" lintanya ni Chris.

"Pero sinabi ni Dad na nagkaroon ng renovation dito last year. Kaya nagtataka rin ako..." huminto siya sa pagsasalita at hinugot nito sa bulsa ang kaniyang cellphone "Teka, tatawag ako sa Manila" aniya tsaka kinalikot ang telepono.

Nag-desisyon akong bumaba ng sasakyan nang makaramdam ng sakit sa likod at pang-upo. Halos anim na oras din kaming bumiyahe.

Pagkababa ay dumampi agad saakin ang malamig na simoy ng hangin. Tumingala ako sa kalangitan at hinanap agad ang buwang hindi pa gaanong maliwanag.

Pero parang may kakaiba.

Pilit kong pinipigil ang aking sariling lumingon kung saan. Pumikit ako ng mariin upang hindi maglibot ang aking paningin.

Ngunit mabilis pa sa alas-kuatro akong napalingon sa kagubatan nang makarinig ng kaluskos, mahina ngunit nakakakilabot.

Umihip muli ang malamig na hanging nagpadagdag sa aking kaba nang maramdamang may nakatingin sa aking gawi.

Nilibot ko ang aking mata sa palagid at pakiramdam ko'y tumigil ang mundo nang makitang may itim na bulto sa hindi kalayuan.

Yumuko ako ng kaunti at tinanaw itong mabuti. Ganoon na lamang ang pagsinghap ko nang makumpirmang bulto nga ito ng tao dahil sa paggalaw nito. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng kalabog nito.

"Ay, tupang ina!" Napasigaw ako sa gulat nang may humawak sa aking balikat.

"Xhania! Kanina ka pa namin tinatawag, ayos ka lang ba?" Agad na tanong ni Tricia saakin. Nakababa na rin pala sila at ang buong atensiyon ay binigay saakin.

Marahan ako tumango bilang sagot sa nagtatanong nilang mata. Inabot ni Lorie ang aking tumbler bottle at mabilis kong tinungga iyon.

"Ayos ka lang ba talaga, Xhania? Namumutla ka." Na-aalalang tanong ni Lorie habang inaalalayan akong pumasok sa van.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili bago sumagot sa kaniyang tanong.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang mapansing nililisan namin ang lugar na 'yon.

"Grabe, wala ka talaga sa sarili kanina, noh?" Baling ni Mark saakin na nakaupo sa front seat. "Nasa tabi ka lang naman namin habang nag-uusap tayo kanina."

"True ka diyan marikibebs. Bakla, kanina ka pa talaga namin tinatawag pero tulaley ka! Tinakot ka pa ngang iiwan ka dito pero 'di ka pa rin nakibo!" Dagdag ni Sion.

"Hala, baka sinapian ka na n'ung manika!" Umiiling-iling na sabi ni Chris.

"Isip-bata" Bulong ni Lorie sa tabi ko.

"Sinong isip-bata, Lorie?"

"Ba't mo tinatanong pangalan mo?" Sarkastikong sabi ni Lorie. Mukhang magsasalita na si Chris pero inunahan ko na ito.

"Punyeta! Tinatanong ko lang kung saan tayo pupunta, nag-aaway na naman kayo!"

"I'm sorry, Xhania. Napaka-childish kase niyan--"

"Anong childish? Baka gusto mong gumawa tayo ng child, sabihin mo lang." Pilyong ngumiti si Chris kay Lorie kaya pinamulahan ito ng mukha.

"Whatever, major loser!" Inirapan na lamang ito ni Lorie. Sumandal ito sa aking balikat at itinago ang namumulang mukha gamit ang sariling buhok.

"Saan nga tayo pupunta?" Tanong ko ulit dahil sa dami nilang sinabi ay hindi pa rin ito nasasagot.

"Sa pinakamalapit na Hotel." Simpleng saad ni Niel habang nagda-drive.

"Bakit? Mali ba tayo ng pinuntahan?" Tanong ko agad dito, siya lamang ang makakausap kong matino.

"I don't know. Ewan ko ba, tama naman 'yung address, nag-waze pa tayo" anito

"Arg, Niel. Anong hindi mo alam? Ikaw ang nagdala saamin dito!" Frustrated na si Tricia.

"Oo nga, kaya nga ginagawan na ng paraan 'diba?" Kalmado lamang ito sa kaniyang upuan habang nagsasalita.

"May nadaanan tayong Inn sa may bayan kanina 'diba? Doon na lang muna tayo, Niel" suhestiyon ni Sion.

Tumango ito at inabala na ang sarili sa pagmamaneho.

Halos tatlong oras ang biyahe bago makarating sa sinasabing bayan.

Pasado alas otso y media na nang kami'y makarating. Pagkababa namin ng sasakyan ay sumalubong agad saamin ang sari-saring ingay ng mga taga-rito, at pinaghalu-halong amoy ng mga paninda nila.

Nangunot ang noo ko, bakit kung kailan gabi na ay siyaka maraming tao sa lansangan?

"Ay, taray teh. Night Market pala ito, kaya pala wala masyadong tao kanina noong nadaan tayo" si Sion habang inililibot ang tingin.

Naagaw namin ang pansin ng mga taga-rito, bagama't abala sila sa kanilang ginagawa ay napapasulyap sila saamin pagkatapos ay magbubulungan.

Iginala ko ang aking mata upang maghanap ng mapagtatanungan. Taas noo akong naglakad palapit sa matandang babaeng nagtitinda ng mga handmade accessories. Dahil bukod tanging siya lamang ang hindi lumingon o sumulyap manlang sa aming pagdating.

"Hi po." panimula ko rito. Ngunit mukhang hindi ako narinig dahil abala siya sa pag-aayos ng bracelets.

"Excuse me po, manang" kinaway ko ang kamay ko upang makuha ang atensiyon nito. Mukhang nagtagumpay naman ako nang ilapag nito sa lamesa ang kaniyang ginagawa.

Nag-angat ito ng tingin saamin at agad nagsalubong ang aming mata.

A Silhouette in the Forest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon