Kabanata 4

19 6 0
                                    

"Tulong!" Paulit-ulit kong sigaw ngunit para bang walang tinig na lumalabas mula saakin.

Mabilis akong tumakbo kahit hindi alam ang patutunguhan. Hindi ako maaaring tumigil dahil, maaabutan nila ako.

Lumingon ako nang makarinig ng maraming yapak. Nandiyan na sila!

Tumakbo akong muli, ngunit napansing hindi ako umaalis sa aking kinatatayuan dahil ang mga puno sa paligid ay hindi nagbabago ang puwesto.

Hindi ako sumuko, muli akong tumakbo kahit pagod at hinihingal na.

Napahinto lamang ako nang humarang ang mga naglalakihang bulto sa aking harapan. May hawak itong mga kandilang kulay pula at ang apoy ay kulay itim.

Pinalibutan nila ako at isa-isang itinutok ang mga hawak na kandila saakin. Pagkatapos ay nagbanggit ng ilang salitang hindi ko maintindihan.

"Ate!" Isang hampas ang nagpagising saakin kaya napabalikwas ako sa aking kinahihigaan. Umupo ako at hinabol ang sariling hininga.

"Ate! Ate, ayos ka lang ba po?" Tanong ng isang batang babae.

Nagtatakang inilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Nasaan ba ako? Bakit nagkaroon ng bata dito?.

Biglang bumukas ng malaki ang pintuan ng kuwarto at pumasok ang isang lalaki. Lumapit ito saamin tsaka inilahad ang isang basong tubig.

"Uminom ka muna." Simple ngunit ma-utoridad nitong sabi. Kaya wala na akong nagawa kundi abutin ito at agad na pinanghalatian.

"I-ikaw si Blaxce, 'di ba?" Tumango ito at nag-iwas ng tingin.

"Ahm, s-salamat" nahihiya kong sabi. Tumango lamang itong muli tsaka kami tinalikuran at nagsimulang maglakad palabas ng silid.

"Ate, buti kamo po napadaan kami po ni dada dito po..." pag-aagaw ng bata sa aking atensiyon siyaka pinunasan ang aking noong puno ng pawis.

"Narinig ka po namin na humihingi po tulong po" pagpapatuloy nito sa kaniyang kuwento. "Eh, tapos po hindi po naka-lock room niyo, kaya po pumasok po kami ni dada. Sabi po ni dada gisingin kita daw po tapos siya po kukuha po water"

"Maraming salamat talaga, ah." Hinawakan ko ang kamay nito at nginitian.

"Nanaginip kase ako ng masama, pero parang totoo. Kaya mabuti na lang ay ginising niyo ako." Kinandong ko ito tsaka niyakap.

"Ano po panaginip niyo po?" Lumingon ito saakin tsaka iniyakap ang mga braso sa aking leeg.

"May mga humahabol daw saakin, tapos takot na takot ako." Niyakap ko siya pabalik.

"Ganiyan din po si mimi palagi po. Akala ko po magagalit kayo po sa'kin kanina. Si mimi kase galit saakin sa tuwing nagigising siya."

Hinigpitan niya ang yakap saakin tsaka sinubsob ang mukha sa aking dibdib.

"Kapag po natatakot ako po lagi po ako ihu-hug ni dada ng matagal po at mahigpit po. Tapos magic po mawawala po takot ko po." Sumilip siya saakin at ngumiti ng matamis.

"Saan ka naman natatakot?" Tanong ko dahilan upang mawala ang matamis nitong ngiti at sumubsob muli sa aking dibdib.

"Kapag po lagi po galit saakin si Mimi po. Tapos ihu-hug po ako ni Dada." Malungkot ang kaniyang tinig.

"Sino si Mimi at Dada?" Kanina niya pa sila kinukuwento pero hindi ko naman kilala.

"Si mimi Lenel at Dada Blaxce po."

"Xhania?" Sigaw sa labas ng silid ang aming narinig.

Napalingon kami sa pintuan nang pumasok si Lorie at Sion.

"Uy girl, walang balak bumaba? Tara na!" Bungad ni Lorie at naglakad diretso sa kabilang kama siyaka kinalkal ang sariling bag.

"Bakit hindi niyo ako ginising?" Umalis ang bata sa aking kandungan at dumiretso kina Sion.

Nagmadali akong ayusin ang kamang tinulugan at tiniklop ang ginamit na kumot.

"Hi po, ate Lorie at Kuya Sion!" Matinis na tili ng bata.

"Hello, Nikka" pabalik na bati ni Lorie at naglakad papuntang pintuan.

"Bebe girl, Ate Sion, hindi Kuya! Pero dahil cute ka naman, Nikka. Sige, pagbibigyan kita" sabi ni Sion tsaka binuhat si Nikka.

Napatili si Nikka sa biglang pagbuhat sa kaniya. Tuwang-tuwa itong kumapit sa leeg ni Sion na naglalakad palabas ng kuwarto.

Kumuha ako ng towel sa aking bag at sumunod na upang makapag-hilamos sa baba.

Nasa hagdan pa lamang ay rinig ko na ang ingay ng aking mga kasama sa labas.

Nauna na sa labas sila Lorie at ako naman ay tinungo comfort room. Alam ko naman ang daan dahil ginamit namin ito kagabi.

Matapos ang ilang minuto ay nagpunta na ako sa labas. Naroon sa isang silong ang aking mga kaibigan kasama ang may-ari ng bahay.

Nang malingunan ni Mark ay agad akong tinawag nito.

"Xhania, 'lika na rito!" Ang lahat ay nakatingin saakin kaya mabilis akong naglakad palapit. 

"Mukhang napasarap ang tulog mo, hija" nang makaupo ay agad akong binati ni Nanay Apol.

"Pasensiya na po, ngayon lamang ako nagising. Bagsak na bagsak po kagabi, e" nahihiya man ay ngumiti pa rin ako.

"Lola, si Ate kamo nag-dream ng masama! May nag-hahabol daw sakaniya tapos takot po raw siya." Ang bibong si Nikka ay agad nagkuwento sa kaniyang tabi.

Ang sinabi ni Nikka ang naging dahilan kung bakit nasa'kin muli ang atensiyon ng lahat.

"Hija, ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Nanay Apol.

"Opo, ayos lang po talaga ako. Isa pa panaginip lang naman po 'yon 'di ba." Nginitian ko ang aking mga kaibigan na mukhang nag-aalala.

'Yon naman ang maganda sa aming pagkakaibigan. Ang kahit simple at walang kuwentang problema ay hindi nila palalagpasin.

"Nanay, bakit po mansanas ang pangalan niyo?" Nagpapasalamat ako kay Chris dahil iniba niya ang topic.

Pagak na tumawa ang matanda dahil ang kaniyang tanong ay napakalayo sa aming pinag-uusapan.

"Apol short por Apollinaria aaaa!!" Humagigik na isinigaw ni Nikka ang pangalan ng matanda.

"Pffft. Ang bantot po ng pangalan niyo!" Walang prenong sinabi ni Mark at hindi na rin namin napigil ang mga sarili sa pagtawa.

"Aba, loko 'to ah" ayon na lamang ang nasabi ni nanay Apol at sumabay na rin saaming tawanan.

Natigil lamang ang aming tawanan nang dumating sina Tricia at Lenel kasama si Blaxce na may dalang mga pagkain.

Umupo ako sa tabi ni Niel na tahimik lamang at mukhang malalim ang iniisip.

"Hoy, ayos ka lang?" Tumango ito ng isang beses at muling tumingin kung saan. Kaya napabaling din ako roon.

Si Lenel na inaasikaso ang pagkain ng matanda. At sa tabi ay si Blaxce na abala kay Nikka.

Nang matapos ay hindi nakatas sa aking paningin ang paghawak ni Blaxce sa bewang ni Lenel. Inalalayan niya ito na para bang mababasag ito anumang oras.

Nag-iwas na lamang ako ng tingin. At binalingan si Niel na pinaglalaruan ang hawak na kutsara't tinidor.

Bumuntong hininga na lamang ako tsaka sinimulang sumandok.

Sa gitna ng aming pagkain ay biglang nagsalita si Nikka, dahilan upang matigilan kaming lahat.

"Dada! Ba't po wala pong kiss and hug si Ate Xhania? Nag-dream din po siya tulad kay mimi ng bad, pero si mimi laging mong kiss dapat si ate Xhania rin!"

A Silhouette in the Forest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon