/TS #15/ I'm Merciless (Kate)

20 11 1
                                    


The Sinner

Chapter 15: I'm Merciless (Kate)



Kate's Point Of View


It is really hard to accept knowing that the person you love so much gave up on you. Mahirap, kasi akala mo kahit anong mangyari, kahit magkandabuhol buhol ang mundo ay hindi siya susuko. I believed on him, pero nasira ngayon na sinabi niyang titigil na siya. Naniwala pa naman ako ng sobra sa kaniya.

Alam ko naman na hindi lahat ay nagsstay. I know I'm being selfish if I said that I want him mine, but can you blame me? Mahal ko siya, at pinangako ko sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko. Sabihin na nila na makasarili ako at lahat, pero alam ko na kapag tungkol sa taong mahal ko na ang pinaguusapan, hinding hindi ako magiging mabuti.

I'll do everything for the man I love, even though it just hurt me. But I don't care anymore, kung may masasaktan man ako wala na akong pakialam. Kung sarili ko nga nasaktan ko ibang tao pa kaya? Now, for him, I want to be selfish. Just this once, I don't care about the others. Masaktan sila kung masaktan sila, cause I'm merciless now.

Like I said, what mine is only mine.

What I like, I'll sure get.

"Ano na nangyari? Is that it? Yun na yun?" Gelly asked habang naglalagay siya ng night cream sa mukha niya. Since hindi kami makakaalis at napagdesisyunan namin na dito nalang, syempre dito na kami matutulog.

I sit up straight in my bed while combing my hair. I look at her in her reflection, she was looking at me back.

"Of course no, I won't give up on him. Kung siya oo, well not me", I said, seriously.

Magkasama kami ni Gelly as well as Lai dito sa guest room nina Keith. Sa kabila namin ay sina Dianne at Pollie. Yung sa mga boys hindi ko na alam, after ko magmukmok sa cr I texted Keith about the room and he said I can choose naman na daw so nauna na akong maglinis sa kanila.

May gamit naman ako dito kina Keith. Actually halos lahat kami, araw araw kaya namin ginagawa na magtambay sa mga bahay o condo ng isa't isa. Pero may assign, kung wari, Monday ay sa bahay nina Dianne, Tuesday sa amin, Wednesday kina Amy and so on.

"Seriously, Kate? Ikaw na ngayon ang maghahabol? Gaga ka kasi, hindi mo pa sinagot nun. Karma mo yan", she said. Napaisip naman ako. Bakit nga ba kasi hindi ko pa sinagot noon eh gusto ko rin naman siya?

Truth is I'm not ready and sure that time. I still doubt on entering a serious relationship. For the first time in my life I've never been in a relationship before. At syempre naman as normal, kailangan kapag pumasok ka alam mo talaga na pareho kayong seryuso.

My motto before was 'Focus on my studies first'. Of course, I want to graduate and to reach my dreams and goals in life. And I think na baka kapag pumasok ako sa relasyon at may mangyaring iba kasi hindi pa pala kami sure sa isa't isa maapektuhan ang studies ko.

I don't want to repeat the mistake my mom once did. Natuto ako sa pagkakamali ng iba, pinilit kong intindihin cause I want to be successful. Pero ngayon na maayos na ang lahat, ready na akong pumasok sa relasyon.

Pero ang akala ko na maayos at seryuso ay nauwi sa wala. I thought that finally I can now love and be with the person I love freely. Pero bakit ganun? Saka naman siya tumigil? Kung kailan na ayos na ako! Kung kailan na handa na ako! Kung kailan na akala ko ayos na ang lahat! Pero mapaglaro talaga ang tadhana at panahon kung bakit nauwi kami sa ganito.

The Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon