Prologue

6 0 0
                                    

Naglalakad ako pauwi dala ang isang supot ng mantika sa kamay ko at cellphone naman sa kabila. Nasa kanto na ako ng bahay namin nang may mga nakahilerang limang apat na lalaki sa dadaanan ko.

Mga dadayo nalang haharang pa sa daan.

Napabuntong-hininga nalang ako at huminto di kalayuan sa pwesto nila, tama lang para marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Dito ba talaga nakatira?" Tanong ng lalaki na nakasandal sa poste at may subong lollipop. Isip bata.

"I'm sure they're here." Englishero?
Sabi nung nasa gitna ng daanan na akala mo hari.

Sa tingin ko, mayayaman yung mga 'to. Base sa suot nila. Ang tatangkad pa. Siguro nasa 6 feet. Naiinip na ko at gusto ko nang umuwi. Inutusan pa naman ako sa mantika na 'to dahil hindi pa nakakapag grocery si mama.

Ikot nalang kaya ako sa kabila?

Kasi naman baka mamaya mabastos pa ako. Isang red na mini skirt lang kasi ang suot ko at pink na t-shirt na manipis. Napagdesisyunan kong sa kabilang kanto nalang dumaan kahit malayo layo pa. Village itong lugar namin. Tahimik at puro nasa loob ng bahay yung mga tao kaya okay lang na lumabas ng ganito.

Aatras na sana ko ng may matapakan na in-can na coke kaya napa-upo ako! Natukod ko ang dalawang kamay ko at gumulong ang bote ng mantika na binili ko! Letche naman. Hindi ako makagalaw dahil kumikirot ang balakang ko.

Natauhan lang ako nang makarinig ng halakhak at sipol sa di kalayuan sa'kin. Napansin ko ang nakaparte kong hita at...

"Manyak!!!" Malakas na sigaw ko at lalo pa silang nagtawanan.

Sinasabi ko na nga ba! Manyak ang mga kupal na 'to!!!

"Let me help you." Nagulat ako sa kararating lang na lalaki na may salamin at nakalahad ang kamay sa'kin. Agad ko 'yong inabot at tumayo. Tiningnan ko ng masama ang mga kupal. Isa lang ang napansin kong hindi tumatawa sa kanila. Yung si englishero.

Ngayon ko lang din napansin lahat sila magagandang lahi este itsura. Pero yung si englishero lang ang naka-agaw ng pansin ko. Nangisi siya habang nakatingin sa'kin pababa sa legs ko.

"Ganda ng legs."

"May I know your name, miss beautiful?"

"Tigilan niyo na." Natahimik sila at nagulat naman ako sa malamig na boses ng lalaking tumingin sa'kin.

"Bakit natagalan ka Justin?" Tanong ng lalaking nakangisi sa'kin simula pa kanina.

Tiningnan ko sila lahat at inirapan.

"Kung maganda legs ko, pwes maglaway kayo, hindi niyo mahahawakan 'to." Bulong ko Habang pinupulot ang mantika na may konting tapon.

"Kung may inaabangan man kayo, hindi skwater ang lugar na 'to para magsuntukan kayo." Sabi ko sabay irap at nilagpasan silang lahat.

"Why? Do you own this place?" Napahinto ako nang marinig ang boses niya. Awtomatiko akong napaharap at nakitang napasok sa bulsa ang nga kamay niya habang nakangisi naman sa'kin ang mga kasama niya pwera kay sa may salamin na tumutlong sa'kin.

"Hindi, pero bawal ang trespassing dito." Mataray kong sagot.

"We're not doing anything, lady. Kaya kung ako sa'yo, umuwi ka nalang and better not to meddle with our business." Aba! Akala mo kung sino itong mga manyak na 'to.

"Clark, hayaan mo na."

"Anong oras na. Basketball nalang tayo guys."

"Sayang oras dito."

"Tara na Clark!" Nagsisimula nang umalis ang mga kasama niya at naiwan ang antipatiko na to at si mr.gentle men.

"Antipatiko." Bulong ko sabay talikod.
Nang makauwi ako sa bahay. Nagkaroon ng flag sermony dahil sa tagal ko at gutom na daw si mama.

Nababdtrip ako sa mga manyak na yun. Wag na wag lang ulit mag kukrus ang landas namin. Naku!

Kinabukasan, nagising ako sa malakas na katok ng pinto ng kwarto ko. Tsk. Aga aga, nambubulabog si mama.

"Dalia! Si Nathalie l, kanina ka pa hinihintay!" Sigaw ni mama habang kinakalampag ang pinto.

"Eto na po!" Naalala ko, nagpapasama pala si Nath sa mall. Yung bigtime kong bestfriend.

Naligo na ako at nagsuot ng v-neck na white at high waist skinny jeans. Naka tuck in yun sa'kin kaya kitang kita ang nipis ng katawan ko. Bibili kasi siya ng gagamitin para sa thesis nila. 3rd year collage na kami pero magkaiba ng course. Modeling ang kinuha niyang course at architecture naman ang akin.

Pagbaba ko naabutan ko siyang nanonood ng tv sa sala at mukhang bagot na bagot kaya natawa ako.

"Sorry natagalan, nakalimutan kong may lakad tayo." Natatawa kong sabi at inismidan lang niya ko.

"It's okay, nakakalibang naman ang tv niyo." She said sarcastically kaya natawa ako lalo.

"Saang mall ba tayo bibili?" Tanong ko nang makarating kami sa gate. Nakasalubong pa namin si mama.

"Tita, im going out with Dalia dyan lang sa Fancy mall." Lang? Ang layo nun ah. At ang mamahal ng tinda. Sana all Nath.

"Sige mag-iingat kayo. Wag magpapagabi, Dalia." Tumango kqmi at ilan pang paalala bago umalis. Syempre, kaming dalawa na lang ni mama ang natitira kaya natatakot siya na baka may mangyari sa'kin. Hindi ko kilala ang papa ko. Pero sabi ni mama, Russian daw si papa kaya may pagka foreign features ako. Brown eyes, matangos ang ilong, paper white skin, plump lips, deep set eyes. Umuwi si mama habang dinadala ako dahil ayaw ng magulang ni papa, mga grandparents ko, kay mama.

Hindi ko na alam ang iba dahil ayaw ni mama ikwento. Naglibot libot kami sa mall. Actually nakakapagod kasama si Nath sa mall, hindi siya uuwi hanggat hindi nalilibot lahat ng mamahaling boutique.

"Try this one. Looks good on you." Sabi niya habang tinatapat sa katawan ko ang maiksing damit. Napangiwi ako sa itsura ng dress. Hapit na hapit sa katawan at may manipis na strap. It's a champagne colored dress. Yung mga nakikita kong suot ng mayayaman.

"Hindi ako nagsusuot niyan at wala akong pera." Sabi ko at ngumiti naman siya.

"It's on me, don't worry." Umiling agad ako. Ang mahal mahal nun. Alam kong mayaman siya pero hindi naman ganun kakapal ang mukha ko. Slight lang.

Sa huli napilit niya ko. Pauwi na kami at nasa parking lot na nang may lalaking nakabunggo kay Nathalie.
Nahulog yung mga pinamili niya kaya tinulungan ko siya. Napatingin ako kay Nathalie na natigilan na nakatingin sa harap kaya, nag-angat ako nang tingin. What the! Yung lakaking manyak lang naman.

Narealize kong nagtitigan sila kaya tinawag ko ang kaibigan kong starstruck sa kagwapuhan ubod naman ng kasamaang lalaki na 'to. Magkakilala sila?

"Nath, maggagabi na. Baka hinahanap na ko ni mama." Sabi ko at saka hinila siya sa sasakyan.

Hindi ko sure kung magkakilala sila. Pero sa tingin ng lalaki sa kaniya, parang may lungkot yung mga mata niya. Ewan ko ba!

 Trapped By The Playboys: On Going.Where stories live. Discover now