Chapter 5

2 0 0
                                    

Chapter 5

Plan

Nagpunta ako ng cr para kumuha ng towel na hindi pa nagagamit. Kinabahana ako, akala ko kung sino si Justin lang pala! Hindi ko pa natatanong kung anong ginagawa ng isang yun at gumagala pa. Inabot ko sa kaniya yung towel at umupo sa tabi niya, andito kasi kami sa sala.

"Ano ba kasing ginagawa mo, dis oras ng gabi?" Tanong ko at umiwas naman siya ng tingin at nagpatuloy sa pagpunas. Napabuntong hininga ako.

"May pinuntahan lang." May pinuntahan? Baka may kakilala siya dito sa village. Hindi ko naman kasi kilala mga tao dito. Mga yayamanin eh. Tumango nalang ako. Napansin kong basang basa rin ang t-shirt niya kahit naka jacket siya kaya tumayo ako. Nakaka-dalawang hakbang pa langa ko nang hinawakan niya ko sa pulso. Napatingin ako sa kaniya.

"San ka pupunta?" Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa'kin. Binitawan niya yun nang makitang tinitingnan ko.

"Uh..kukuha ng damit. Basa ka oh?" Turo ko sa damit niya. Kumunot ang noo niya na para bang nagtatanong. "Ah....may extrang t-shirt si Darwin kaya...y-yun sana ang ipapahiram ko. Kung okay lang. Baka magkasakit ka." Marahang sabi ko at tumango naman siya.

"You're cousins, right?" Tanong niya at tumango naman ako. Umakyat na ako para kumuha ng t-shirt na puti. May mga extra na talagang damit bawat kwarto. Bale, pitong kwarto meron kami. Let's say, mansion 'tong bahay namin. Pero hindi lahat ng gamit namin imported. May mga gamit kaming imported na bugay lang ng mga tito ko, taga ibang bansa kasi sila diba?

Pero kung makikita niyo mga kapit-bahay namin, halos may doble o triple ng bahay namin ang laki. May kilala ako dito, si Trisha. Classmate ko kasi siya sa isang subject, malapalasyo ang laki ng bahay nila. Lalo na nung pumasok kami ng mga blockmates ko para sa isang groupstudy. Anyway
Pagbaba ko, may katawagan siya sa phone. Teka, cellphone ko yun ah?! Halos tumakbo ako papunta sa kaniya.

"She's here po." Po?! Omygod! Si mama ata yun! Kinuha ko ang phone at tiningnan. Si mama nga! Ano nalang iisipin nun? Tiningnan ko siya at inabot ang t-shirt saka ko pumuntang kusina.

"Hello?" Kinakabahang sabi ko.

"Dalia, may hindi ka sinasabi sa'kin." Nagbabanta ang boses ni mama kaya lalo akong kinabahan. Narinig kong may kausap si mama sa kabilang linya.

"Po? Hindi ko po yun-"

"Anong oras na? Bakit nagpapapunta ka ng lalaki dyan? Baka naman kapag wala ako dyan saka mo dinadala yang boyfriend mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi no mama. Omygod! Anong sinabi ng lalaking yun?! Humanda ka talaga sa'kin Justin!

"Hala! Hindi ko boyfriend yun! Umuulan at nagkataong may pinuntahan siya ditong kakilala. Pauwi na daw nang bigla ngang umulan...t-tapos...dito daw siya natapat kaya...k-kumatok na siya. Hindi rin ako nagdadala ng lalaki at wala akong boyfriend mama." Halos hindi ako makahinga pagkasabi nun. Grabe si mama, parang di ako kilala jusme.

"Sigurado ka? Baka may ginagawa na k-"

"Huy ma! Grabe ka sa'kin!" Narinig ko siyang tumawa kaya nagtaka ako. Akala ko ba galit siya?

"O sige na. Kaya pala ko tumawag dahil hindi tuloy mga tita mo. May bagyo daw sa kanila kaya sa 22 na sila makakauwi."

"Okay po." Nagpaalam na si mama dahil marami pa daw siyang gagawin. Hindi ko nga alam kung natutulog pa si mama e. Kumuha ako ng tubig saka
cookies para kay Justin. Namula pa ko ng makitang nakahubqd siya at pinupunasan ang katawan.

Shet! Ang hot!

Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin. Tumikim ako kaya napatingin siya sa gawi ko. Nilapag ko ang pitsel at cookies saka ko sinenyas sa kaniya.
Sa wakas! Nakapagbihis na siya! Uminom siya at sumandal sa sofa.

 Trapped By The Playboys: On Going.Where stories live. Discover now