Chapter 1

8 0 0
                                    

Chapter 1

Blackmail

Naka-uwi ako ng bahay na puro tanong sa utak. Pareho kaming tahimik, siguro nga kilala nila ang isa't-isa kaya ganun na lang ang gulat nila.

Wala tuloy ako sa sarili habang nakikinig sa prof namin. Dumating ang lunch at nakita ko si Nathalie na ngiting ngiting iniintay ako sa pinto. Kinawayan ko siya at nginitian.

Dinala ko ang ibang books ko para ilagay sa locker. Bago pa ko makapunta ng pinto, hinarangan ako ni Josh. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pahiram naman ng notes nung last friday. Nawala yung akin e. Baka bumagsak ako sa quiz." Kamot ulo niyang sabi kaya kinuha ko ang notes na sinulat at binigay sa kaniya.

"Oh, baka mawala mo rin ah? Iyan na lang last copy ko."

Pagkalapit ko kay Nath, yumapos siya sa braso ko na palagi niyang ginagawa. 

"Mukhang masaya ka ah?" Tanong ko.

"Yeah! May travel kami this weekend! Guess what? Sasama ka!" Patili niyang sinasabi ang huling salita kaya napatakip ako sa tenga.

"Bakit naman ako sasama? Baliw ka talaga. Nakakahiya sa parents mo." Napairap naman siya.

First year collage, I met Nathalie. She was a friendly person. Marami siyang kaibigan pero ako ang pinakamalapit. Nakakatuwa dahil kahit hindi pantay ang estado namin, kinaibigan niya pa rin ako. She's a quiet person, pero kapag naging close kayo, maingay siya at makulit. I saw how people amaze by her beauty.

Bagay na bagay sa kaniya ang modeling dahil sa perfect curves of her body. Kwento niya, she was 16 when her mom encourage her to work out. Pumayag siya dahil bata pa lang daw, modeling na ang pangarap niya pero malakas kumain. There's more! She's a half Egyptian and half Filipina.

Matangkad siya na lalong nagpaganda ng katawan niya. Sa sobrang daming nag offer sa kaniya ng modeling agency, hindi na niya alam kung ano uunahin. I actually envy her. May pagka foreign features ako pero hindi kasing perfect na kaniya. Kutis pa lang niya, halatang anak-mayaman na.

Inanyayaan niya pa nga akong mag modeling pero tumanggi ako dahil gusto ko talaga maging architect. Ang swerte ko nga dahil meron akong kaibigang tulad niya. She's always bringing me when she's travelling. Palagi akong tumatanggi pero lerong nagagawa dahil naaapektuhan ako ng pagpapacute niya.

"You know Gino? He said he wants to date me. What can you say?" Napaisip ako sa sinabi niya. Si Gino? Nameet ko na siya pero hindi naman kami close.
Tumango na lang ako habang umiinom ng mango shake.

"Edi pumayag ka, nagkaboyfriend ka na ba?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam . Simula noong nagkakilala kami hindi niya nakekwento sa'kin yung mga katext niya. Nag 3rd year kami nang napansin kong nahinto at puro pag-aaral ang inaatupag niya.

"Yeah. Pero hindi nagwork. Nakakasawa ang ugali niya." Nag-iwas siya ng tingin. Natigilan naman ako.

"Bakit? Ilang taon kayo?" I curiously asked. Minsan lang magkwento ng ganito kaseryoso 'to kaya lulubusin ko na.

"Say, 3 1/2 years? I dunno know. Hindi ko na maalala." Natulala ako sa kaniya. 3 and a half years?! Ang tagal nun ah?!

"Wow, sayang hindi nagwork. Kelan kayo naghiwalay?" Hindi siya makatingin sa'kin. Siguro mahal pa niya. Never ako nagkaboyfriend dahil sa takot na magaya kay mama. Hindi magustuhan ng parents hanggang sa umabot na sisirain nila ang buhay mo.

"Last year. Enough of the dramas. Malilate na tayo." Tumango na lang ako at inubos ang mango shake habang naglalakad. Ang awkward tuloy. Nagpaalam na kami para sa next subject.

 Trapped By The Playboys: On Going.Where stories live. Discover now