ONE : FOUR

4 0 0
                                    

VICTORIA

"Last na," sambit ko upang ipagpatuloy ang pagtatanong. "Since hindi ka pupwedeng magbigay ng impormasyon tungkol kay Ms. Morgan, papalitan ko na lang 'yung taong bibigyan mo ng impormasyon... How about Mr. Timothy Sergei?" tanong ko.

Naisip ko kasi na baka isa sa mga reason kung bakit nangyari ang insidente rito ay dahil kay Mr. Sergei. Well, I'm not saying na siya talaga ang may gawa. Kumbaga, maaaring siya 'yung isa sa mga DAHILAN kung bakit naka-comatose ngayon si Ms. Taylor.

"Ahhh, si Timmy. Si Timothy Sergei po ang varsity team captain ng aming basketball team. Siya rin po ang tinaguriang face of the school mula noong second year highschool hanggang ngayon pong senior high. Maliban pa do'n, kilala rin po siya bilang bully lalo na sa mga transferee students kaya hindi na po nakapagtatakang isa si Ms. Taylor sa mga nabiktima niya. And speaking of Timothy Sergei..." Saglit siyang huminto at idinako ang tingin niya sa iba. Sinundan ko naman ang kan'yang tingin papunta sa pintuan ng cafeteria. "Ayan po si Timmy. Kasama si Ms. Guinevere Manasa."

Pinagmasdan ko silang dalawa na papasok dito sa cafeteria. Nangunot ang noo ko nang mapansin kong nakakapit si Ms. Manasa sa braso ni Mr. Sergei. "May relasyon ba silang dalawa?" tanong ko habang sinusundan pa rin sila ng tingin. "Yes po. Sa pagkakaalam ko po ay naging sila noong second year namin."

Natigilan ako nang maalala ko ang sinabi ni Ms. Braided hair kanina... "Mayroong mga balitang kumakalat na madalas na raw ang pag-aaway ni Timmy at ng girlfriend niya... At ang dahilan? Si Sienna."

No way... Or maybe, yes way? Kung tama ang hinala ko, ibig sabihin lang no'n ay alam ko na kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito at kung sino ang nararapat na managot.

Ibinaling ko na ulit kay Mr. Del Rosario ang aking tingin pagkatapos ay ngumiti. "Iyon lang naman ang kailangan ko. Maraming salamat."

"Walang anuman po." Nagpaalam na ako sa kan'ya at lumabas na ng cafeteria. Alam kong konti na lang ay matatapos na namin itong pagi-investigate namin ni Llewyn. Pagkatapos ne'to ay babalik na ulit kami sa pagbabantay kay Ms. Taylor.

Kumunot ang noo ko nang makita ko si Llewyn na pirming nakasandal sa pintuan ng kotse niya at halatang bagot na bagot na. "Nandito ka pa?" tanong ko nang tuluyan na akong nakalapit sa kan'ya. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin. "What? Akala ko kasi ay nauna ka na. Sorry."

"Tsk," sambit niya lang at inirapan ako. "S'ya nga pala!" Nakakunot niyang ibinaling sa akin muli ang kan'yang tingin. Ngumiti naman ako ng pilit bago nagsalita. "Mauna ka na hehe. Babalik pa ako sa Maynila."

"Baliw ka ba?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Aba't..! Ako naman ang sinamaan siya ng tingin. "Hoy! Ayos-ayusin mo ang pananalita mo ah! Mas matanda pa rin ako sa'yo at teacher mo ako!" bulyaw ko sa kan'ya.

"Ha! Pinaghintay mo ako ng napakatagal dito tapos sasabihin mo ngayon na mauna na ako dahil babalik ka pa sa Maynila?! Baliw ka ba?! Baliw ka! Baliw! Baliw!!"

"Mas baliw ka! Sinabi ko na sa'yo na mauna ka na 'di ba?! Ba't nandito ka pa?!" singhal ko pabalik sa kan'ya. Mas lalo namang sumama ang tingin niya sa akin. "Pinaka-baliw ka! Hindi mo naman nilinaw kung saan ako mauuna! Kung sinabi mong mauna na ako sa pagbalik sa ospital edi sana ay kanina pa ako naroon para bantayan si Sienna!" sigaw niya pa na may kasama pang pagturo-turo.

Pareho na kami ngayon na masama ang tingin na pinupukaw sa isa't-isa pero ilang saglit lang din ay sabay kaming nag-iwas ng tingin at pumasok sa kan'ya-kan'ya naming sasakyan. Tsk. Ang lalaking 'yun! Bahala siya sa buhay niya. Basta ako? Babalik ako sa Maynila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Am (not) BreathingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon