Chapter two

24 12 1
                                        

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi ni Nik bat sya humihinhi ng tawad? May nagawa ba sya? Ano naman yun? Yan lng naman ang gumugulo sa isipan ko hanggang ngayon. Nasa hallway ako naglalakad habang nakatulala pero nakita ko na naman ang grupo ng mga Highwaist, sila lang naman yung bully dito.lagi nilang target ang mga nerd para pagawain ng projects,assignment at kung ano-ano pa.

Nabubuo ito nang apat na miyembro na sina Lyka, Hanna, Raciannel, at Shenel.

Si Lyka ang leader ng grupong toh  kayumangi ang kulay nya,at may kalakihan ang mata, bumagay naman sa kanya ang buhok nyang lagpas balikat at kahit papaano may pagka mabait rin toh ngunit sa mga grupo nya lang ito pinapakita.at kung sa height naman natin syang titingnan ay medyo kinulang ito pero sa tingin ko may pag asa pa itong tumangkad kahit papa-ano.

Si Hanna naman ang pinakamatalik na kaibigan ni Lyka sa lahat dahil halos sabay na silanh lumaki.
Kayumangi ang kulay nito kagaya ng leader nila at mukang may lahi itong Chinese dahil sa singkit nitong mga mata, may katangkaran rin ito.medyo may pag ka masungit Ito lalo na pag sinasabihan mo ng masama ang iniidolo nitong k-pop.

Si Raciannel naman pinaka mabait sa kanila dahil maintindihin ito. Kayumangi rin ang kulay nito, medyo may pag ka singkit ang mata nito pero mas singit si hanna na ka grupo nya. Halos magkatangkaran lang sila ni hanna. Sa sobrang kabaitan nito tinutulungan pa nya ang binibiktima nila.

At ang pinaka huli ay si Shenel sya ang bago sa grupo nila kaya medyo nahihirapan pa sya pakisamahan ang highwaist lalo na dahil no.1 bully ito sa school nila minsan sya rin ang gumagawa ng assignment at projects ng mga kagrupo. May kaputian ito at hindi katulad nung tatlo. Medyo may kalakihan rin ang mata nito at sya ang pinaka matangkad sa kanilanh apat.

Dali dali akong lumapit sa kanila na kinagulat naman nila.At mukanh transferee pa ang target nila.

Hindi ba kayo titigil. Sigaw ko sa kanila

Why would we? Pag e-english naman ni hanna. Palaban din to ah. Ningisihan ko lang sya

Because I said so?Gulat silang napatingin sakin. Akala nyo kayo lang magaling mag english ahh

Wala tayong laban dyan baka mapatalsik pa tyo sa school nato. Rinig kong bulong ni raciannel sa leader nila na si lyka.

Pasalamat ka dumating tong  life savior mo right.sabi ni lyka at sabay irap.

Pag katapos sabihin ni lyka yun umalis na sila. Hayst mga walang magawa sa buhay.pasalamat sila di pa sila na kick out dito.

Salamat t-talaga. Sabi nya,tumayo ito at nagpagpag.

Walang anuman. Tipid na sabi ko at ningtian sya.
Btw I'm Nathalie Amelia Acosta. Pag papakilala ko

I know. Nanlaki ang mata ko nang sinabi nya yon kilala nya ako? Pano? Eh hindi ko nga sya kilala eh
'And Valerie Andrea Briones btw. Pagpapakilala nya

Valerie bat mo naman ako kilala. Takang tanong ko sa kanya, bakit kaya kilala ako nito di naman ako sikat sakto lng.

Malalaman mo mamaya. Tipid na sabi nya at umalis

Malalaman ko mamaya? Bat mamaya pa kung pwede namang ngayon. Hayst bahala na nga.

Hindi ko na masyadong inisip ang sinabi ni Nik kahapon baka trip na lng non na naman.

Habang naglalakad ako bigla na lng may kumuha ng bag ko at tiningnan ko naman kung sino ito at si CK ito  yung pinsan ni Nik.

Good morning. Bati ko sa kanya

Good morning din.sabi nya at ngumiti. Tahimik lng kaming nakarating sa room namin dahil medyo nagkakahiyaan pa.

Nakita ko naman si Nik papalit sakin at mukang hinihingal pa. Binigyan ko na lang sya ng 'anyare look'.

Ngunit tumingin ito kay Ck at parang nagkaintindihan na sila non at iniwan ako ng dalawa. Anong nanyare di man lng ako pinansin.

Natapos ang una naming klase at diko pa rin nakikita si Nik anyare na dun?. Tinry ko na syang tawagan pero di sinasagot wala naman ako number ni Ck dahil kakakilala ko pa lng sya kahapon.

***

Lunch na namin ngayon at kasama ko si rina at kate bumibili sila nang pagkain naming tatlo at nagpaiwan na lng ako para may uupuan kami.

Ngunit di ko pa rin nakikita ang magpinsan ano nakaya ang nanyare dun wala man lang updates. Sana okay lang si Nik.

Dumating na rin sina rina at kate na may dalang bucket meal bat ang daming inorder nila may pa pyesta yata eh.hindi naman namin mauubos ang gento kadami.

Girls bat ang dami nyo namang binili?.tanong ko sa kanila

May kasama kasi tayo . Sabi ni rina. Sino naman kaya?.' Oh ayan na pla sila ehh. Dagdag pa ni Rina

Napatingin naman ako sa direksyon na tinuro ni rina halos manlaki ang mata ko nung nalaman ko kung sino to.

Hi Amelia nice too see you again. Nakangiting sabi nya.

H-hello. Bati ko naman sa kanyang pabalik.

Kuya kilala mo sya? Takang tanong ko kay kuya at tinuro ko naman ang katabi nya.

Oo naman. Masayang sabi nya

Bakit?

Lil sis anong bakit and btw lil sis  she is my girlfriend  Valerie Andrea Briones. Masayang pagpapakilala ni kuya. Diko akalain na mas matanda ito sakin— wait tama ba ang narinig ko girlfriend ehh diko nga nabalitaan na may nililigawan si kuya tapos malalaman ko nalng May girlfriend na.

Ate Valerie totoo ba ang sinasabi nito. Tanong ko at tinuro naman si kuya.tumango ito bilang sagot.

Btw Nathan sya yung tumulong sakin kanina nung naharang ako nang mga highwaist ba yon?. Sabi ni ate Valerie kay kuya Nate

Buti na lng nakita ka nitong si Amelia kung hindi ba kung ano pa nangyari sayo. Sabi ni kuya at sabay gulo ng buhok ni ate Valerie.

Ehemm tara na ho baka lumamig ang pagkain. Biglang singit naman ni rina

Btw kuya new friend ko si kate. Turo ko naman kay kaye at ngumiti lng si kuya. Kate kuya ko nga pla si kuya Nathan. Turo ko naman kay kuya

Nice too meet you po. Sabi ni kate at ngumiti na lng si kuya

Hindi nawala ang tawanan habang kumakain kami dahil mahilig magbiro si ate Valerie. Kumain na kaya sya?. Tanong ko sa sarili ko. Kumain na siguro sila hindi naman nag papalipas gutom si Nik eh matakaw yun pero di man lng tumataba. Napangiti ako sa iniisip ko.

Natapos na kaming mag lunch. Nagpaalam na rin si kuya at ate Valerie na babalik na sa kanilanh room sumabay lng daw sya talaga para ipakilala si ate Valerie. Pinauna ko na rin sina rina at kate sa room dahil may kukunin pa ako sa locker ko.

Habang naglalakad ako papuntang locker diko mapigilan na isipin ang nangyari kanina kay Nik ano kayang nangyari wala naman syang sakit sa puso kaya inposible na atakihin sya. Hayst bahala na nga tatanong ko na lnh pag nagkita kami.

Binuksan ko na ang locker ko at kinuha ang dapat kong kuhanin pero may napansin akong maliit na box, kinuha ko ito at binuksan nagulat ako nung buksan ko ang box dahil naglalaman ito ng kwintas kulay gold ito at nakaguhit dito ang aking pangalan.mukang pinasadya pa ito ipagawa sino naman kaya ang magbinigay sakin nito?.

Nilagay ko na lng muna ito sa bag ko at bumalik na sa room. Sino kaya ang posibleng mag bigay sakin ng kwintas. Stalker ko kaya sya?

Kilala ko ba sya?. Bakit nya ako binigyan ng kwintas?

***.

Chewy_Gam

Is it Too Late?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon