.......
"Azel, you need to hurry up, baka tayo ang mapagbintangan dito" patakbong bilin sa akin ni Zy
Iniwan ko ang lalaking nakahandusay sa abandonadong lugar alam kong patay na ito, nakasama siya sa engkwentro ng mga gangster.
Pero bago siya nawalan ng hininga may ibinilin siya sa akin.
.....
"Azel, kung maari sana ay alagaan mo at protektahan mo ang taong ito,sana bantayan mo ang kanyang kaligtasan. Hindi na ako makakatagal pa sa mundong ito, at alam kong isusunod na siya, pero sana mangako ka na protektahan mo." Inabot niya sa akin ang larawan ng isang lalaki
"Sige gagawin ko, huwag ka mag alala, hanggat nandito ako walang makakagalaw sa kanya" halos durugin ng puso ko ang sinapit ng aking kaibigan
Doon na siya nawalan ng hininga. Matalik kong kaibigan si Xander pero hindi natin malalaman ang buhay ng isang tao. Kasapi siya ng samahan ko.
Umalis na kaming apat sa isang gusali dahil maya maya lamang ay sasabog.
Duguan at basag basag ang mga mukha namin na hindi mahitsurahan ang nangyari . Isang matinik at madugong laban ang aming pinasukan. Trenta katao ang namatay , 10 sa aking samahan ang kasamang nasawi.
Hindi pa sapat iyon dahil nakatakas ang mastermind nila.
Ano pa ba dapat ang mangyayari sa amin kung ang punot dulo ng gulo ay nakatakas?
Ano ang magiging kahihinatnan ni Azel sa bago niyang misyon?
Ano ang kaugnayan ni Xander sa taong nasa larawan?
Mahihirapan kaya siya at kaya niya bang protektahan ang taong sinasabi ng kaibigan?
YOU ARE READING
𝗠𝘆 𝗦𝘁𝗮𝗹𝗸𝗲𝗿 𝗶𝘀 𝗮 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗹𝘆 𝗡𝗲𝗿𝗱 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿
Action..... They are mean. They are tough. They are dangerous. They are the knight. Meet A4 secret nerdy gangster in a campus. A4 nerdy group that will transform into a gangster. Apat na babaeng sisindak at babago sa mga hot,cold and heartless Guy. Apat n...