Lavender P.O.V
Dali dali kaming tumakbo pabalik ng tent para di mahalataang galing kami roon.
"Lily, asikasuhin mo yung pag aayos sa damit ni dahlia. Camilla, pakitahi naman angbutas ng tent natin ako na bahala magkabit sa naputol na bahagi ng tali nito sa puno." Sabi ko sa kanila
"Aye aye captain'' sabay na sabi nila habang mahimbing na nagpapahinga si dahlia
Maya maya lamang ay isang mahabang pangalan ko ang umalingawngaw sa tapat namin.
"Hoy lavender. Ano bang ginawa namin sa iyo bat mo nagawang lagyan ng mga pesteng palaka crickets sa butiki ang tent ha" galit na sabi nito.
"Ano na naman bang pinag iinit ng butse mo? Bakit pati kami pinambebentangan mo sa mga nangyayari sa iyo. Bakit pa namin pag aksayahin na hulihin ang mga peste at ilagay sa tent niyo. It just wasting my time!" pahayag ko
"Aba don't you dare to lied at me because from the start we know that you envious to my crown."turo nito sa kanyang ulo pababa
"Why should we wasting my time to admire a someone na hindi naman kainggit ingit." Sabi ko
Tuluyan ng nagising si dahlia sa kanyang pagkakahiga at lumapit sa amin.
''Anong ibig sabihin nito?" nanghihinang sabi niya
"It's just a little argument here you can go back to get some rest." Litanya ni lily
"Oh ikaw pala ang nalunod kanina. What a pity woman!" sabi ni shane
"how do you know na nangyari yun sa kanila?" takang tanong ni lily
Sinenyasan naman ni sophie na huwag ng ituloy ang kanyang sasabihin baka mahalataan pa ito.
"We are here para pag usapan ang paglalagay niyo ng peste sa tent huwag niyong ibahin ang usapan." Matigas na sabi ni Samantha
"Bakit ayaw niyo aminin na kayo ang may kagagawan nun sa kanya? Natatakot ba kayo na makick out? Before you conduct a hilarious plan be aware or be sure na hindi kayo napaghahalataan. Hindi ba inyo ito?" nilabas ko ang panyo ni Sandra na nakita ko sa gilid ng paco
"Kaya rin bang nagawa niyong lagyan ng ipis at insekto ang tent namin dahil hinihinalaan niyo kaming kami ang may kagagawan nun sa kanya?" sabi ni sophie
Malinis kaming nakaalis sa tent ang mga garapon na pinaglagyan ay itinapon namin sa malayo. Hindi kami nag iwan ng bakas para dun.
"Alam niyo hindi nakakatuwa ang nagawa niyo kanina sa amin sa activity. Kung hindi niyo nagawa yun hindi rin sana mangyayari kay Kingstone ang mga yun." Sabi ni Camilla
"Panget na nga kayo mambebentang pa kayo ano ba gusto mo ha" sabay hablot ng aking buhok
"Aray! Di kita aatrasan bruha ka" nakapatong na ako sa kanya habang tuloy pa rin ang pagsabunot ko
"Subukan niyong mangialam kayo ang isusunod ko" banta ni lily na humawak na ng gunting
Takot na humakbang para sana tulungan si sophie kaya naman chineer na lang nila ito.
"Alam mo impakta ka na panget pa! Napaka walanghiya mong lagyan ng peste ang tent namin." Sabi niya na gumuyod kami sa basang lupa
"Nararapat lamang na lagyan ninuman ng peste ang tent niyo dahil ugaling hayop kayo. Isa pa napakapeste ng mga pinagagawa niyo sa campus. Nagtitimpi lang kami sophie." Giit ko saka inilublub ang mukha niya sa putikan
"Ah ganun ha. What a pathetic woman! Isa kang haliparot, salot, bruha, impakta, pinuno ng mga isprikitik." Panunudya niya sa akin na ako naman ang nasa putikan habang nilalagyan ng putik ang ulo ko
"Go sophie"
"Go lovender"
"Ako kay sophie pag nanalo yan"
"Team lovender pa rin ako"
Rinig ko sa mga taong masaya pang nakikita na nagsasabunutan kami sa putikan.
"Prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrt" isang malakas na sipol ang narinig namin dala ng pagkatigil namin sa pagsasabunutan
"Anong kaguluhan to?" tanong ni sir Rolly ang tourist guide namin. Nakatingin naman sa bandang gilid si maam jenny at pinalilibutan kami ng buong department.
Hindi pa makasagot sa una dahil nagkakahiyaan pa.
"Ahm some sort of fun and interesting activities. Friendly game ganun" sabi ni lily
"Is that a funny activities? Nagkakasakitan at nagdudumugan with matching kantiyawan pa' sigaw ni sir
"Di ba friendly activity ang ginagawa niyo" palusot ni shane
Nagmistulang nagkabati na kami sa harapan nila.
"Yeah.she's right ang bait bait ni lovender o" saka nilagyan ako ng putik sa mukha sabay ngiti
"We are just enjoying this cap. I know na bihira lang mangyari ang ganito kaya susulitin na namin" higpit ko ng yakap sa kanya para sa pagpigil ng kanyang paghinga
"kung ganun magbihis na kayo dahil sisimulan ko ng mag bilang ng mga flag kada grupo." Sabi niya
Unti unti nang umalis ang kaninang nag uumpukang tao na para bang may sabong. Nag iwan ng tiger look si sophie hudyat na hindi pa kami tapos.
Lily P.O.V
Matapos ang nangyari kanina masasabi kong tunay ngang palaban ang identity ni lovender as a nerd.
Hindi man lang napansin ni Sir at ni ma'am na totoong away ang naganap sa kanila. Pero handa kong kalabanin kung sino man ang haharang sa aking mga plano.
"Aalis muna ako. Kukuha muna ng mga prutas para magmukha namang nasa camping tayo." Paalam ko sa kanila
"Mamaya na lamang umalis hindi ba't magsisimula na ang pag count ng mga flags?' sabi ni camilla
"Saglit lamang ako sa aking tatahakin." Saka kinuha ko ang bag upang masidlan ng prutas
"Kung ganun mag iingat ka" paalala ni dahlia
"Sila dapat ang mag ingat sa akin. Kaya kong protektahan ang sarili ko. Kaya ko ring patayin kung sinuman ang haharang sa aking dinadaanan." Matapang na Sabi ko
" Sasama na lamang ako." Sabi ni sophie na labis kong ikinagulat
"Hindi na. Dito ka na lamang at banlawan ang natitirang putik sa iyong mga braso." Sabi ko saka binuksan ang zipper ng tent at umalis
Napakasaya ko ngayong araw dahil hindi tuluyang nawala ang aking kaibigan sa plano ni sophie. Napakawalang hiya niya talaga noon pa man.
Maraming mga puno ng bayabas, chiko. Santol, kamatsili at mga ube ang naririto sa gubat.
Namitas lamang ako ng makakain ng may naaninag akong isang tao banda sa kaliwang side ko.
"Xavier" litanya ko ng makita siyang nakaupo at namimingwit ng isda sa ilog
May mahuhuli kaya siya kung malakas ang agos ng tubig. Hindi lamang siya ang naroon may iba pang mga ka department namin upang manguha naman ng suso.
Hindi ko na pinansin pa ang kinaroroonan niya dahil tiyak na wala siyang mahuhuli.
Habang abala ako sa pamimitas sa itaas ng puno ng santol ay may kung anong nakasilip sa itaas ng mahogany at nakatitig kay xavier. May hawak itong pana na tutok sa kinaroroonan ni xavier. Tinignan ko muna ng maayos ang tao na nakasuot ng itim na mask at nakahood na gray.
Pinupuntirya niyang paslangin si xavier.Pero bakit niya gagawin yun?
"Anong binabalak niya? Sino ba ang umutos sa kanya na saktan ito?" sa isip ko
Dali dali akong bumaba mula sa itaas ng puno. Di ko pa nga natitikman ang bunga nito saka pa mangyayari ang magaganap na ito. Kailangan kong bilisan ang pagtakbo dahil baka maunahan niya pa ako sa kanyang gagawin. Malayo ang kinalalagyan niya dahil sa kabilang ilog pa ito.
Di ko rin hahayaan na malagay sa panganib ang pamangkin ni Xander.
YOU ARE READING
𝗠𝘆 𝗦𝘁𝗮𝗹𝗸𝗲𝗿 𝗶𝘀 𝗮 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗹𝘆 𝗡𝗲𝗿𝗱 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿
Action..... They are mean. They are tough. They are dangerous. They are the knight. Meet A4 secret nerdy gangster in a campus. A4 nerdy group that will transform into a gangster. Apat na babaeng sisindak at babago sa mga hot,cold and heartless Guy. Apat n...