Chapter 58

539 29 0
                                    


Sophie P.O.V

"So, damn shit!" pagmumura ko nung hininto ang sasakyan sa pinakahiding place

"Akala ko talaga tuluyan na tayong mahuli ng mga pulis" habol hiningang saad ni Sandra

"Iba rin talaga ang karisma mo sophie" papuri ni Samantha

"Nakatakas tayo dahil hinalikan mo at hinawakan ang espada ng pulis. Tsk" litanya ni Sandra

"Alangan naman na magpapakulong tayo. Tsk" sagot ko

Sinigurado ko na hindi ito alam ni Camilla bukod sa wala rin akong tiwala ron ay siya mismo ang nagsumbong kina Xavier. But it makes her sad ngayon na nasa akin ang black pearl na kinuha niya kay Xavier.

"Nasa iyo na pala ang black pearl, sinimplehan mo ang pagkuha mula sa bag ni Camilla? What a brilliant idea!" puri ni Sandra

Pumasok na kami sa loob ng gusali kung saan naghihintay ang mga evil gangster sa amin.

"Good morning, Master!' nagsitayuan ang bawat isa at isa isang yumuko sa harap ko

"Kumpleto ba kayo?" saad ko sa kanila

"May bonus pa" saad ni Demion na parang wala lang nangyayari

"You're here again?" tanong ko sa kanya dahil sa katapangan na nagawa niya para sa akin

"Don't you miss me? I know kung ano ang ginawa sa iyo ni Xavier at kung paano kayo nakatakas sa paghahabol at panghuhuli sa inyo."saad ni demion na nakangiting lumalapit sa akin

"Dala mo ba ang Black Pearl? May I see?" tanong ng pinaka lader ng Evil Gangster sa akin." Duda nito

"Syempre naman!" abot ko ng black pearl sa kanya

Masugid na tinignan ng expert sa perlas kung totoo nga ba ito o hindi.

"Hindi ito tunay na Black Pearl? Duplicate copy lamang ito." Saad nito habang tinitignan ulit

"W-what?" sigaw ko then kinontact ko si Camilla kung nasaan ang tunay na black pearl

"Hindi ka na dapat pang magtaka sophie. I know na gagawin mo rin sa akin to. You're not a loyal leader. Alam ko na binabalak mo akong patayin. Masaya ka ba ngayon?" Halakhak nito sa phone

"Anong ibig mong sabihin?" gigil kong tanong sa kanya

"Y-yes duplicate copy nga yan. Iyan ang nakuha ko kay Xavier. Bago ko pa man ibigay sa iyo yan. Alam kong nasa kamay na ni lavender o ni lily ang tunay." Saad pa nito

"What the fuck Camilla. Sinisigurado kong isusunod kita na papatayin." Pananakot ko sa kanya

"Simulan mo na !" malakas na halakhak ang narinig ko bago niya patayin ang phone

Nanggigil talaga ako sa babaeng yun.hindi siya nakakatuwa.

"Never trust anyone, Sophie! Bago pa man siyang maging ganap na miyamebro malakas ang kutob ko na may binabalak siya." litanya ni Shane

"Nasisiguro kong dala ni lavender ang Black pearl .kaya humanda kayo susugod at sisirain natin ang Cuna Academy. Ipapatikim natin sa kanila kung gaano tayo kasama at dapat katakutan." Matapang na saad ko sa kanila

"We're always ready master! Destroy and agony are our happiness in this earth." Saad ng aking alagad

"Ano pang inaantay niyo? Pasko?" tanong ni demion na agad naman pumanhik sa labas

Isa isang pinaandar ng mga kotse, motorbike, at mga bigating sasakyan na may dalang mga pangwasak sa Cuna Academy.

Hindi na inaksayahan pa dahil kumakalam na rin ang palad ko na mapatay sina lavender at Camilla.

.

""Ang grupo mo sa likod! Ang dalawa magkabilang gilid ang tatahakin. At tayo sa bungad pataas ng Department." Utos ko sa kanila nung makarating na kami sa Cuna Academy

"Anong gagawin natin?" bobong tanong ni Shane

"Utak mo kaya ang unahin kong tadtarin kanina pa tayo nag uusap di mo pa rin nakuha?"saad ko

"A-ah e, hehe" kamot ulo nitong wika

Sigaw, taranta at takot ang namayani sa buong Cuna Academy. Isa isa nang nagsitakbuhan ang mga estudyante at mga gurong narooon.

Hawak ang mga sibat,gun, knife at mga patalim para paslangin ang mga narooon. Di lang paslangin kundi sirain at wasakin ang buong Cuna Academy.

"Tipunin niyo muna lahat sa Field bago paslangin!' utos ko sa kanila

Hindi ko na nakita si Demion nangangamba ako na unahin niya si Xavier.

Xavier P.O.V

Habang abala kami sa pag aayos ng mga paper works maraming tinig ang nahagip ng aking tenga na humihingi ng saklolo.

"Do you hear that?" tanong ni Zhedric

Hinawi ko ang kurtina at bumulaga sa bintana ang sugatan at basag na mukha ng isang estudyante.

"Holy Shit!" bulalas ni Kingstone nung nagulat sa bumagsak na estudyante sa pintuan ng club

"What's happening here?" tanong ko sa estudyante

Bago pa man siya makapagsalita ay nakita na namin ang mga Gangster sa loob ng campus na pawang nakasuot ng kulay itim na hoodie jacket.

"Sophie?" sambit ko nung makita ko na kasama sina Demion habang sinisra ang buong Academy

"Kailangan na natin umalis, Xavier! Tumakas na muna tayo!" yaya sa akin ni kingstone at sa likod ng SSG club kami dumaan.

Ang buong academy ay nabalot na ng kaguluhan pighati at masalimuot na kaganapan ngayon.

"Bakit ito lang ang mga estudyante rito sa Campus? Nasaan ang iba?" galit na sigaw ang narinig ko mula kay sophie

"Kaunti lamang ang pumasok!" report ng kasamahan niya

"Wasakin lahat ng establisyimento na makikita niyo hanggang sa maging abo." Utos nito

"Nasaan ang mga HeadOfficer at sina Xavier? Tanong ni Sandra

"Hanapin niyo! Ang tatanga niyo! Lusutan ang maaring maging lagusan walang maititirang estudyante. Bilisan niyo!" galit ni sophie

"Anong gagawin natin? Mas lalo na silang lumakas at armado ang mga gangster na kasama niya." Pangambang daing ni clark

"Paano na yan? Patay na si lily at dalawa na lamang sina lavender at Dahlia. Kasabwat pa nina sophie ang mga pulis.Tiyak na mamatay na rin tayo rito"wika ni Kingstone

"Sumunod kayo sa akin! May alam akong sekritong lagusan palabas ng campus" yaya ni Zhedric habang binabagtas ang masikip na pagitan ng HRM Department

Sumunod na rin sa amin ang 20 kataong estudyante at mga guro.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Zhedric na nasa bandang unahan ko

Nakatagilid namin tinahak ang masikip na iskinitang ito. Medyo mapanghi ang lugar na ito.

"Sa sikretong lagusan palabas ng Cuna Academy. Just trust me!" komportableng saad nito

"Huwag kayong masyadong maingay!" saad ni Clark

Mula rito rinig ang mga yabag na nagsisitakbuhang mga estudyante sa itaas. Isang mala bakal na pa ekis ang aming nalampasan at ngayon susuong kami sa butas ng imburnal na walang tubig ngunit maraming mga pesteng daga.

"ewwwwwwww" pandidiri ng isang babae nung dumikit sa kanya ang isang mabahong daga

Nasa humigit kumulang 10 imburnal at halos gumapang kami para malampasan ito.

"Ito na" saad ni zhedric nung makita namin ang liwanag sa labas.

Isang lagusan kung saan ay malayo na sa Cuna Academy pero matatanaw mo ito. Isang madamo at maputik ang kinatatayuan namin ngayon.

Hindi pa rin matapos ang hagulgol ng isang babae nung makalabas ito dahil naiwan niya ang boyfriend na natutulog sa library.

"Paano mo nalaman ito?" tanong ko kay zhedric ngunit isang malungkot na mukha ang sumagot sa akin

Batid ko na ang kasagutan ito ay dahil kay Lily.

𝗠𝘆 𝗦𝘁𝗮𝗹𝗸𝗲𝗿 𝗶𝘀 𝗮 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗹𝘆 𝗡𝗲𝗿𝗱 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿Where stories live. Discover now