Lovender P.O.V
"Oo, Totoo yun. Kami nga ang legendary gangster. Ginawa ko lang naman yun para maprotektahan ka sa Red Dragon" Singhal ko
"Di ko na dapat pang marinig ang mga kasinungalingan mo lavender. Kung ngayon pa lang nagsinungaling ka na, paano pa kaya kung nagsama na tayo. Dyan ka na!" saad nito habang nilingkisan ni sophie ang bisig ni Xavier
"Xavier! Xavier!" tawag ko ngunit hindi niya ako nilingon.
"Lovender, pagpasensyahan mo na si Xavier ha. Naguguluhan lang siya kaya nagkaganun." Saad nizhedric na kakarating lang
"Ano bang nangyari?" tanong ni kingstone
"sa kanya mo na lang itanong kailangan na namin umuwi." Saad ni dahlia habang inaalalayan ako pababa ng second floor
..
Itinulog ko na lang ang lahat ng aking mga nalaman. Hindi na uuwi si Xavier dahil alam kong galit siya kaya hindi na rin ako mag eexpect ng tatabi sa akin.
"Lovender, Kamusta ang gising mo?" tanong ni dahlia
"Medyo ayos naman." Saad ko ngunit biglang napunit ang ngiti sa aking labi ng makita ko ang mga tao sibilyan na parang nag rarally.
"Patayin na yan!" sigaw nito hawak ang banner
"Puksain na yan!" galit na sigaw ng isa
"Mga gangster salot yan sa lipunan." Saad ng isa
Ngunit bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang papunta sa amin ang mga tao.
"Sila! Sila ang salot sa lipunan. Sila ay tunay na Legendary Gangster! Dapat na silang mamatay!"Singhal ni Sophie habang itinuturo kami
"Pakana na naman ito ni Sophie' saad ni Dahlia
"Dahil sa inyo namatay ang anak ko. Hindi mo ba alam na mataas ang pangarap ng anak ko. Iskolar ang anak ko at kayo ang nagmamay- ari. Kung alam ko lang kung paano tratuhin ang mga estudyante rito. Sana di ko na inenroll. Pinatay niyo ang anak ko." Iyak na sabi ng isang ginang hawak ang picture frame ng anak niya.
"Pati ang kapatid ko nadamay sa gulo. Anong klase kang estudyante walang awang pinatay. Sana namatay ka na rin." Sagot ng isa pang babae
"Mamatay ka na! mamatay na kayo! Hindi kayo maaring mabuhay pa.' saad ng mga tao
Isa isa silang bumato ng mga itlog. Mga karatula na nagsasaad sa dapat mamatay na ang katulad namin.
"A-aaack" nasambit ni dahlia nung tinamaan siya ng bato sa ulo
"Umalis na kayo! Huwag na kayong babalik" sabi ng babae
"Xavier, kingstone clark" saad ko ngunit hindi nila kami tinulungan sa halip ay nakiisa pa sa mgs tao
Marahil ay nagsisisi na sila na nakilala pa kami. Umalis na kami ni dahlia puno ng mga pintura, itlog at harina ang buong katawan sa natamo.
Dahlia P.O.V
"Lovender, what are we going to do? Pati ang parents natin ipinatanggal sa katungkulan. Nagkaroon ng anomalya at pinagbebentangan na ninanakaw ng magulang natin ang pera n asana ay pambayad sa utang ng school." Ginagamot ang sugat na natamo
"Maligo ka na muna dahil nasisiguro kong susugurin ang mga bahay natin." Utos niya matapos kong linisin mga itlog.
"Lovender I think we need to go far away from this. we should find safest pace which is Camilla didn't know it. Then, we must send it to our parents to know where we are." I said habang nagtutupi ng gamit ni lavender at nilalagay sa luggage
After ng ilang oras sa biyahe ay napadpad kami dito sa Coron Palawan kung saan ay may nabiling resort si Grandma.
Pagpasok namin ng resort ay nag aabang na rin pala ang parents ni Lovender at Parents ko. Subalit ang parents ni lily ay bumalik sa America.
"Ma.." niyapos ako ni mama nung pumasok na kami
"Shhhhhhh, don't worry anak." Saad ni mama niyakap na rin ako ni papa
"Alam na namin ang lahat anak. Noon pa man alam na namin na isa kayong Gangster mula nung umaalis kayo sa bahay tuwing gabi." Saad ni mama
"Sorry ma dahil sa amin nawalan na rin ng bisa ang pagka investors niyo doon sa school" aniya ko
'Huwag na kayong mag alala tanggap na namin kung sino kayo. Huwag niyo ng sisihin ang sarili niyo kung bat tayo naririto." Saad naman ng mommy ni lavender
"Alam niyo rin?" tanong ni lavender
"Yes, pati si Master Rein at kung saan ang hideouts niyo. Alam rin namin na hindi kayo tulad ng ibang gangster na nagpapatayan na walang puso. Sa sarili niyo isa kayong bayani ng eskwelahan." Saad ng mama ni lavender
"Mom sorry po ha nagsinungaling ako sa inyo." Yapos ko sina mama nagyapusan kami pati si papa
"Oh bat malungkot ka pa rin?"tanong ni daddy
"Kasi dad hindi tanggap ni kingstone kung sino ako. She really hates who I am." Saad ko
"Someday,she will realize kung bakit mo nagawa yun. Ganun din si Xavier kaya huwag na kayong mag alala." Saad ni daddy
YOU ARE READING
𝗠𝘆 𝗦𝘁𝗮𝗹𝗸𝗲𝗿 𝗶𝘀 𝗮 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗹𝘆 𝗡𝗲𝗿𝗱 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿
Action..... They are mean. They are tough. They are dangerous. They are the knight. Meet A4 secret nerdy gangster in a campus. A4 nerdy group that will transform into a gangster. Apat na babaeng sisindak at babago sa mga hot,cold and heartless Guy. Apat n...