Ba’t di mabatid
Ang kalagayan nitong puso
Na di mawari
Sa’yo tumatangkilik
Malayo ang mga tala
Pero pangako mo ay sinlapit nila
Salita mong humaharana
Na waring labis ang iyong pagsinta
Damdamin mo na pilit ipinagsisigawan
Pangako mo na kahit anong oras nandiyan
Aalalayan, ipagtatangol, iingatan
Yan ang mga salitang aking natatandaan.