Chapter 4
"Sera, it's already 6. Magsta-start na ang party! Lumabas ka na kung ayaw mong kunin ko ang susi at buksan ito! Sera?!" I can hear Kuya Steve shouting outside my room while knocking the door.
I sighed with frustration.
"Kuya, hindi pa ako nakapagbihis! Let me stay a minute first, please! Ayaw ko pang lumabas." baka makita ko si William.
"What the hell, Sera? Hindi ka pa nakapagbihis? Aba't, ikaw talagang babae ka! Magbihis ka na nga! Putrages naman oh! Bilisan mo kung ayaw mong ako mismo ang magbihis sayo!"
Napatalon ako sa kanyang sinabi.
"Ito na nga oh! Nagbibihis na!" Sabi ko at dali daling pumunta sa CR para maghilamos ng mukha.
Napatingin ako sa sarili sa salamin. Pula ang aking mata sa kaiiyak. Dapat talaga hindi ko na siya hinayaang papuntahin sa Welcome Party. Dapat hindi ko na pinayagan. Mas mahihirapan tuloy akong iwasan siya ngayong nalaman kong mahal pa niya ako.
Damn! Damn! Bakit ba kasi ngayon lang binigay ni Shan ang letter?
Huminga ako ng malalim at lumabas na ng CR. Pumasok ako sa Walk-in-closet at kinuha ang sleeveless, navy blue dress na binigay sa akin ni George nung nagshopping kami minsan. Kinuha ko na rin ang black high heels atsaka lumabas na.
Kahit na labag sa kalooban ko ay pinilit kung mag make up para lang hindi mahalata ang maga kong mata at ang aking mapula pulang pisngi. Well, para narin magmukha akong presentable sa paningin ni William. Pagkatapos magbihis ay kinuha ko na ang cp ko saka lumabas na ng kuwarto.
Hindi ko alam pero kinakabahan akong pumunta sa garden. Baka ..baka dumating na siya. Naconscious tuloy ako sa sarili. At kinakabahan talaga ako! Parang ayaw ko na tuloy magpunta sa garden! Sheez!
Babalik sana ulit ako sa kuwarto nang biglang pumanhik sa taas si Aspen. Buwesit naman!
"Oh Sera! Andito ka na pala! Kanina ka pa namin hinihintay. Pupuntahan na sana kita kaso nandito ka na pala! So, tara? Marami rami na ang nandun sa garden!" Hinahawakan ni Aspen ang wrist ko at hinila ako pababa ng hagdan.
"T-teka ..Aspen! May- may..may nakalimutan ako! Kasi ano.. nakalimutan ko yung ..yung cellphone ko! Yeah, yung cellphone ko! Kukunin ko lang sa kuwarto."
Napatigil kami sa paglalakad at tumingin siya sa akin ng nagtataka. Napatingin siya sa aking kamay na hawak hawak niya at napatingin na rin ako. Oh shit. Damn shit.
He chuckled when he saw I'm holding my cellphone. Bigla kong kinuha ang kamay ko sa kanya at tinago sa likod. At mas lalo siyang tumawa sa inasta ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero di pa rin siya tumitigil. Sinapak ko na dahil nakakainis na!
"Ikaw talaga, Sera!? Hindi ka talaga marunong magsinungaling!" Halakhak pa rin niya.
Sinapak ko ulit pero kinuha lang niya ang kamay ko at hinila ulit pababa sa hagdan.
"Halika na nga! Wag ka ng mag isip pa ng alibi!" He grinned. Pero iniripan ko lang siya kahit hindi niya nakikita.
Atleast naman, nabawasan yung kaba ko. Pumunta na kami sa garden. Marami rami na ang tao. Karamihan ay mga friends lang talaga ng mga Great Dumpees. May mga waiter na nagseserve ng wine, May mga round tables, at meron ding mga tao malapit sa swimming pool.
Hinanap agad ng tingin ko ang lalaking iyon. Pero wala. Huminga ako ng malalim at kinaladkad ako ni Aspen papunta sa mga pinsan ko na nasa isang round table. Nahagilap ng mata ko si Shan. Buwesit na lalaking yun! Pagkatapos niyang ibigay sa akin ang letter ng pasekreto at matapos niya akong iwan sa kuwarto-umalis sa kuwarto dahil pinalayas ko pala siya- ay hindi na nagtangkang puntahan ulit ako. Hindi na rin ako nagtangkang umalis sa kuwarto ng buong araw dahil sa sama ng loob sa kanya. Ngayon mahihirapan talaga akong iwasan siya!
![](https://img.wattpad.com/cover/29926186-288-k353629.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Seraphina
Mystery / ThrillerSeraphina Gairylle Alvarez was from an elite family. And her clan were profoundly born to be fvckingly well-known in the field of politics and business. 3 weeks after a one horrible night happened, Sera and her brother, Stevenford goes back...