Chapter 5

11 2 0
                                    

Chapter 5

"Dan Gabriel, Frederick Gherde, Tyron Gheaferd, Shan Geyzon, Aspen Gian, Greg Ghouston, Landon Gheson.." Tawag ni daddy isa isa sa kanila habang tinitingnan ng seryoso, "at ikaw, Stevenford Grey." Nandito kami ngayon sa sala. Nakayuko ang lahat kung pinsan. Pinapagitnaan nila ako. Si Axon ay nakatayo lang sa tabi habang si daddy at ang iba ko pang mga tito ay nasa harap na nakapamewang.

"Hindi niyo ba alam na may mga press na naman na nakaabang sa labas?" Ani ni daddy ng seryoso sa amin. Walang nagtangkang magsalita sa aming lahat. Hindi pa rin talaga humuhupa ang pangaral ni daddy sa amin. Pinatawag kami niya kagabi kahit na tulog ang iba at pinagalitan ang aking mga pinsan lalong lalo na si Kuya Steve. Kahit daw na nasa loob parin ako ng teritoryo ng Alvarez o kahit na tinakot lang kami ng mga putok kahapon ay dapat pa rin talaga akong bantayan ng maigi.

"Hindi na naman kayo titigilan ng mga iyan. At paniguradong magtatangka yang pumasok sa loob ng unibersidad mamaya." Frustrated na frustrated parin si daddy. Buti naman at hindi na nila binanggit yung kay William.

"Bilang parusa, sa inyo, Stevenford," tumingin siya kay kuya at sa akin ulit."Grounded kayo sa loob ng isang buwan. Sa bahay at sa unibersidad lang ang pasok niyo. Walang sinuman ang magtatangkang magpunta kahit saan pa man iyan. Naitindihan?!" Wika niya. Narinig kung nagmura ng pabulong si Fred dahil sa parusa. Sabay sabay naman kaming tumango bilang sagot.

"Naitindihan?!" Diniin niya ang pagkakasabi nito,"Opo!" Shit! Grabe talaga si daddy kapag magalit.

"Maaari na kayong pumasok!" At nagsilabasan kaming lahat ng bahay at pumasok na sa van.

"Shit naman! Grabe talaga magalit si Tito Ric!" Mura agad ni Tyron pagkapasok sa van.

"Sinabi mo pa!" Sang ayon ni Fred. Napahinga naman ako ng malalim. Napapagitnaan ako ngayon ni Shan at Kuya Steve. Hindi parin kumikibo si kuya. Hinayaan ko na. Makikipag usap nalang ako sa kanya paghumupa na ang galit nito.

"How's ex?" Bulong sa akin ni Shan at humalakhak. Sinapak ko na at iniripan.

"Gab, si Axon?" Tanong ko kay Gab at nilingon sa likod.

"Sa isang kotse. Kasama si Greg at ibang bodyguards. Siya na daw maghahatid kay Axon." Wika ni Gab at kumindat.

Buti naman. Napahinga ulit ako ng malalim. First day of school. At late akong naenroll. Okay lang siguro. Atleast naman, pinayagan ako nina daddy na mag aral sa kabila ng lahat ng nangyayari sa amin. Gusto nga nila maghome school nalang ako para mas safe pero siyempre, hindi ako pumayag. Kahit papaano, gusto ko rin naman maging normal amg buhay ko.

Balita ko dun din nag aaral si Kaira. Sana naman magkaklase kami nun.

Tatawagan ko sana siya kaso nawala ko pala ang cellphone ko kahapon.

"Kuy- este, Shan, nakita mo yung cellphone ko kahapon?" Tanong ko kay Shan. Hindi pa talaga ako pinapansin ng bakulaw na ito! Hays, hayaan na nga! Mag uusap din kami niyan. Alam ko namang hindi noya ako matitiis eh.

Dear SeraphinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon