Chapter 3

31 5 0
                                    

Chapter 3

Nagising ako sa yugyog ni Axon.

"Ate! Ate! Wake up already!" I could barely open my eyes. Yugyog parin siya ng yugyog. Hindi ko mabukas ang aking mata ng maayos dahil sa sinag ng araw. It took a seconds before I recovered with the sight. Ramdam ko parin ang antok dahil matagal akong nakatulog.

I sat down and smiled when I saw Axon beside my bed. I reached for him and kissed at the cheek.

"Good Morning, Axon." I pinched his nose.

"Good Morning, too. How was your sleep, ate? Maganda ba? And you should fix yourself already!" Napangiti nalang ako sa batang ito.

"Yes, bossing. I'll just have to take a shower and then change so you just wait at the living room, okay?" I said.

He just nodded and kissed me again.

Tumakbo na siya palabas at sinarado ang pinto. Huminga ako ng malalim at kinuha na ang towel at damit bago pumasok sa banyo.

It took me an hour bago makatapos. Tumingin muli ako sa mirror at tiningnan ang sarili. Sinuklay ko ang aking buhok at kinuha na ang aking cellphone sa bedside table na malapit sa bintana.

Bintana.

Naalala ko ang lalaki kagabi kaya napatingin ulit ako sa labas. Wala ng tao sa kuwartong iyon. Wala na yung lalaki at sarado rin ang bintana. Naghintay ako ng ilang minutos sa pagtitig sa bintanang iyon. Nagbabakasakaling makita ulit ang lalaking iyon ng klaro. Biglang may kumatok sa pinto kaya't napalingon ako roon.

Binalik kong muli ang tingin sa bintana at bumuntong hininga.

"Coming! Just a sec." Sinara ko na rin ang bintana at kinuha na ang pair of dollshoes. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang ngising aso ni Fred.

I just rolled my eyes at pumanhik na sa baba. Sumunod naman siya agad sa akin at inakbayan ako.

"How was the sleep, darling?" Tanong sa akin ni Fred na sa mukha palang ay may ibang sadya.

"You know what, just tell me kung anong kailangan mo. Kilalang kilala kita, Frederick Gherde. At alam kong bulok na yang style mo!"

"Eto naman oh! Porke ba sinalubong kita ng umagang umaga eh may kailangan na? Well, uhm, you know, meron nga pero konti lang. Gusto ko lang naman ipakilala mo si George sakin eh. Yun ay kung gusto mo. Hehe" Ngumiti naman siya sa akin. At ang mata ay nagmamakaawa.

"Pwede ba, Fred, may number ako kay George pero unfortunately, di kayo pwedeng magtextmate. At nasa New York yun. Plus, ayokong ipakilala lang ng basta basta ang friend ko sa katulad mong Great Dumpee!" Tinanggal ko ang kamay niyang nakaakbay saakin at binilisan ang lakad pababa para hindi na niya ako isturbuhin.

Naman kasi, bakit pa ako nagkaroon ng mga playboy na pinsan?

Dumiretso ako sa dining room kung saan sila naghihintay. I greeted them good morning at umupo na sa upuan. Dumating din si Fred na nakasimangot ang mukha. Iniripan ko lang siya at nagsimula nang kumain ng breakfast.

Satsat din ng satsat ang dalawang katabi ko na sina Aspen at Landon tungkol sa isang babae sa magazine. Inaasar naman ni Gab ang kapatid na si Axon tungkol sa pagiging mataba nito.

"Shut up, kuya! I gain no weights! I gain no weights!" Sigaw nito kay Gab at sinusuntok suntok sa balikat nito. Tawa lang ng tawa si Gab at hindi na pinansin ang kapatid. Si Shan naman ay tahimik lang na kumakain.

Naalala ko tuloy yung babaeng si Samantha. Tinamaan nga talaga itong si Shan.

"Stephen, do you have already the updates about the university na papasukan ni Sera at Stevenford?" Panimula ni dad. Napatingin ako kay tito Stephen habang nginunguya ang steak.

Dear SeraphinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon