CHAPTER 1

22 3 0
                                    

'HELLO, ENJOY THE FIRST CHAPTER OF TSCOO.'

- THE BEGINNING -

Silver's POV

     "ALRIGHT, ALL STUDENTS MUST WEAR THE GLASSES THAT WILL BE GIVEN TO ALL OF YOU. You won't be able to take the exam without it." Dinig kong anunsyo sa'min ng HeadMistress sa harapan ng tipon tipon na estudyanteng handang makapasok sa loob ng isa sa mga sikat na paaralan sa Pilipinas. Ang Olympian University. Maraming gustong makapasok sa paaralang ito at isa na'ko doon. Hindi lang dahil astig ang pangalan nito, kun'di dahil maganda ang turo nila dito. At hindi naman sa mataas mangarap, pero kung pagpapalain man ako, sana ay makapasok ako sa Olympian Class. 

Isa daw iyong Special Class. Walang kahit sino mang ibang estudyante ang nakakaalam ng mga tinuturo sa loob ng Espesyal na klaseng 'yon. Hindi din aabot sa lima ang mga estudyanteng kanilang nakukuha dito. Katulad nalang ng BIG 3 na lumalabas sa aming Telebisyon, sikat na sikat ang mga ito. Sila ay naging sikat na mga Detective matapos  nilang grumaduate sa OU. Hindi lamang 'yon, kapag ikaw ay nakapagtapos sa OU tiyak na mataas ang pursyentong madaming kukuha sayong iba't ibang kumpanya. Bukas ang OU kahit sa mga mahihirap, tumatanggap din sila ng Scholars.

''LAHAT NG ESTUDYANTENG NAKAKUHA NA NG SALAMIN AY MAARI NANG PUMUNTA SA GYM.'' Sa dami ng estudyanteng magtetake ng Exam ay hindi mo na makikita ang daanan, kaya naman sumunod na lamang ako sa mga nangunguna. Hindi pa man ako nakakailang hakbang ay may siraulong tumulak sa akin at natalisod ako, jerk. Napakunot na lamang ang aking noo ng makitang hindi manlang ito humingi ng tawad. 

''Hoy!'' Sigaw ko dito ngunit para lamang itong binging walang nadidinig. Sa inis ay hinigit ko ang braso nito paharap sa'kin, oof, I think that's a wrong move. He threw me a cold yet mesmerizing look. Sa tingin ko ay halos napatulala ako sa kan'yang kulay  asul na mata. It screams danger, like mine. Lila ang kulay ng aking mga mata, lilang madilim tulad ng kan'ya. 

Agad na napabitaw ako ng kumunot ang noo nito sa akin. '' Apologize.'' Mariin kong saad dito. Binigyan ako nito ng blangkong tingin, ''Sorry.'' My body shivers by how cold and manly his voice is. Naistatwa na lamang ako sa aking kinatatayuan at bumalik lamang ako sa wisyo ng makitang naglalakad na ito paalis habang nakapamulsa, kumulo ang dugo ko pero mabilis din akong sumunod dito dahil napagiiwanan na kami ng ibang estudyante. Kalaunan ay nakadating din kami sa GYM at bigla na lamang nawala ang lalaking 'yon. 

Nilibot ng aking mga mata ang buong GYM, hindi na ako magtataka kung nasa halos isang libo ang mga magtetake ng exam. Isang libo lamang kasi ang p'wedeng mag take ng exam sa loob ng isang taon. Paunahan na lamang 'yon.

''All of you sit down and answer the papers that we'll give. You all have 10 minutes to pass it on. It's just a simple exam, sa exam na'to namin kukunin ang mga estudyanteng napasok sa Special Class. It's been four years since we didn't have the Olympian Class and now it's time to open it again. As you all know, we still have other special sections and those are FLAMMIANS, SEMMIANS, and VERMMIANS which is open every year.'' Isa isang pinasa sa'min ang papel at binasa ko ang nakasulat na tanong dito. '

''Why do you want to be part of SPECIAL CLASS?'' I boredly looked at it as I wander my eyes to the whole gym. Ang mga mukha nila ay mababakas ang pagtataka. 

''IN THE COUNT OF 3, 2, 1 START!''

Inilagay ko lamang ang aking nasa utak, ''Because, it's cool.'' I yawned as I look at my answer, boring. Ngunit halos manginig ang kamay ko ng makita kong kusang may letrang lumalabas sa papel na hawak ko. Nanlalaking mata kong nilibot ang aking paligid, may iilan ilan ilan ding bakas ang gulat sa kanilang mga mukha pero lamang ang mga kalmado. Wtf is this. Napatingin ako sa bandang kaliwa ko at natagpuan ko ang mga mata nung lalaki kanina. Katulad ko ay nakakunot nadin ito ng noo at bakas ang pagtataka sa kan'yang mata. Umiwas na ako ng tingin at tinignan ang aking papel, there are witten instructions now. 'DON'T SAY A THING TO WHAT YOU'RE SEEING.' 

Sumunod na binasa ko ay ang tanong, ''What would you do if you have magic?'' Naguguluhan man ay sinagutan ko ito. Sa pagtingin ko sa aking harapan ay ang pagtunog ng bell hudyat na tapos na ang Exam, kasabay naman nito ay ang pag ilaw ng gilid ng aking salamin. Napatayo na ako dito at ganoon nadin ang ibang umilaw ang salamin. Ang iba naman ay napasigaw na. Kakaunti lamang kami, ang karamihan umilaw ay kulay Pula, Asul, Berde, at ang pinaka kaunti ay ang sa aking kulay. Kulay puti ang ilaw nito at nilingon ko ang may asul na matang lalaki, hindi ako nagkamali parehas kami ng kulay. Hindi pa man ako nakakarecover ay nagsalita na ang Headmistress. Bakas ang gulat at pagkabigla sa kan'yang mukha. Kalaunan ay binigyan niya kami ng ngiti. 

''Hindi ko ito inaasahan. LAHAT NG ESTUDYANTENG  UMILAW ANG SALAMIN AY MAGSITAYO.'' Saad nito. Kalaunan ay isa isang tumayo ang iba. May pinindot ang HM na isang remote control at bigla na lamang may lumabas na malaking hologram sa gitna ng GYM, cooool. May lumabas na mga pangalan doon at kung anong Special Section ang kinabibilangan nito.

Ang kaninang tahimik na gym ay nagsimulang mag ingay at mag bulong bulongan.

''Hindi ba't tatlo o apat lamang ang nakukuha sa Olympian Class?'' 

''Hala ba't ang dami ata ng Olympian ngayon?''

''Shocks, sayang at 'di ako pasok.''

''Ay may paganon pala dito. astig!''

Iilan lamang 'yan sa aking nadidinig. Binasa ko ang mga pangalan sa FLAMMIANS, SEMMIANS, VERMMIANS ngunit wala doon ang pangalan ko. Kagat labi naman akong bapatingin sa huling listahan, ang Olympians. 

-O L Y M P I A N S-

  PRINCE PIERCE MILLER

NATH HARRIS

SIN SILVER WELENCER

LANCER MILTON

LAZER MILTON

YNGRID SMITH 

AZEREUS DAVIS

ISEAH LOATH.

OLIVIA SYDNEY

MLYONNA WASHINTON


Tulalang nakatingin ako sa harap ng hologram, kumurap kurap pa ako sa pagaakalang panaginip ito. Pigilan man ang aking ngiti ay hindi ko kaya, it's been a while since I felt happiness. 

''Lahat ng Olympian ay maaring sumunod sa akin.'' Tinig ng HM ang nakapag pagising sa akin. Isa isa kaming sumunod sa HM at hindi ko inaasahang makikita ko ang lalaking 'yon nanaman. Mukhang kabilang din siya sa Olympian. Sampung estudyante ang nakasunod sa HM ngayon at isa na'ko doon. Limang babae at lalaki. Tunog lamang ng aming sapatos ang madidinig sa Hallway. Sa pagtingin ko sa labas ay may halong kaba, kyuryosidad at saya ang mga nararamdaman ko ngayon.

Kung ano man ang mangyari ngayon ay sana maganda ang kahinatnan nito.


END OF CHAPTER ONE.


Sorry for the typos, and others guys. If you have some questions it's free to ask. LOVELOTS!

THE SUPERIORS:CLASS OF OLYMPIANSWhere stories live. Discover now