CHAPTER 3

20 0 0
                                    

OLYMPIAN

Silver's POV

Matapos kong mag-impake ay natulog na agad ako. Dala narin siguro ng pagod sa byahe.

Kinabukasan naman ay maaga akong nagising at nag-ayos na agad. Ang ayos ko ngayon ay simple lang. Plain black oversized tshirt, naka leggings and sneakers na black. Mahilig ako sa kulay itim. Halos lahat ng gamit ko ay itim. Simple lang ang ayos ng buhok ko, nakalugay lamang ito at hanggang lagpas bewang. Tuwid na tuwid din at lalong lumabas ang kasungitan ng mukha ko.

Naka earrings din ako, which is butterfly ang design and may halong diamond din. Bigay pa sa'kin ito ni Mom at talagang iniingatan ko 'to.

Pagkababa ko ay bumungad agad sa'kin ang kambal, malungkot parehas ang kanilang mukha at pati narin ang mukha ni Mamay Selia. Si Mamay Selia ang nag-aalalaga sa'kin noong bata pa'ko kapag umaalis ang mga magulang ko buhat ng mga trabaho nila.

"Iha, kumain muna tayo bago ka umalis. Pinagluto kita ng paborito mong sinigang na manok." Saad ni Mamay Selia. Umupo na ako sa harap ng hapag kainan at ganoon din sila. Tahimik lamang ang hapagkainan, naninibago ako. Kada umaga ay palaging maingay, bangayan lagi ang inaabutan ko sa dalawang 'to.

"Ate, 'wag mong pabayaan doon sarili mo ha. Umuwi ka din dito 'pag may oras ka." Malungkot na sabi ni Seah. Ngumiti ako dito at tumango.

"Sis, 'pag talaga may nangaway o nanginsulto sayo susugod ako sa OU." Nakasimangot at seryosong saad ni Sean. Tinadyakan ko ang paa nito sa ilalim ng lamesa at ngumuso lang 'to. " Napaka barumbado mo talaga, kaya ka laging napapagalitan ni Dad." Dugtong ko pa. Nagtawanan lamang kami sa sinabi kong 'yon. Nang matapos na kami ay lumabas na kami ng bahay dala dala ang gamit ko. Magpapahatid na lamang ako sa driver namin papuntang OU. Malayo layo padin naman 'to.

"Kumain ka do'n, ate. Shopping din tayo pag maluwag na schedule mo po." Ngiting saad ni Seah pero mababakas ang kalungkutan sa mata niya. Niyakap ko ito at nakiyakap naman sila Mamay at Sean.

"Alagaan mo 'tong kambal mo, Sean. 'Pag may nanligaw ay ipahanda mo na ang lamay, ha?" Ngising sabi ko kay Sean. Tumawa naman ito at humiwalay sa yakap, gano'n din ang ginawa ko. Ngumisi ito sa'kin at umakbay sa kambal niya, "Ako na ang bahalang prumotekta sa tatanga tangang kambal ko, Sis. Ingatan mo nalang sarili mo do'n." Isang malakas na siko sa tagiliran naman ang natanggap nito at tinawanan lamang namin siya.

Huminga ako ng malalim at hinalikan ko ang noo nilang dalawa. "Mamay paki alagaan nalang ang dalawang 'to, kapag may nangyari ay tawagan niyo agad ako." Tumango si Mamay at sumakay na ako sa sasakyan namin. Sa huling pagkakataon ay ngumiti na'ko sa kanila at umandar naman na ang sasakyan.

Hindi ko alam kung anong p'wedeng mangyari sa akin sa loob ng OU at sa loob ng taong 'to. Maari kong ikamatay ang desisyon kong 'to, pero kung makakaya ko namang protektahan ang mga mahal ko sa buhay at susugal ako. Ayokong maranasan ng iba ang naranasan ko.

Pagkarating namin sa tapat ng OU ay binaba kona ang gamit ko, "Ma'am, ingat po!" Ngiting saad ng driver namin at nagpaalam nadin.

Humarap ako sa gate at ng may kumalbit sa likod ko ay nilingon ko ito, "Part Olympian Class ka, 'diba?" Napataas ang isa kong kilay at tumango, sa pagkaka alam ko ay ito yung Yngrid. "Tara, sabay na tayong tatlo ni Olivia pumasok." Ngiting sabi nito at nauna na, sumunod na lamang ako at tinignan silang dalawa. Mukhang close na agad sila.

THE SUPERIORS:CLASS OF OLYMPIANSWhere stories live. Discover now