CHAPTER 2

21 3 0
                                    

-THE TWIST-

Silver's POV

"Ang lahat ng p'wede niyong makita o malaman ay hinding hindi p'wedeng makalabas. Hindi niyo lamang ito ikapapahamak kun'di pati narin ng mga taong mahahalaga sainyo at pati narin ng mga taong kagaya natin." Seryosong saad ng HM sa'ming harapan, dinidiscuss niya sa amin ang Class Olympian, ngunit iisa lang ang reaksyon naming lahat, pagtataka. "At kung ano mang magiging desisyon ninyo ay malaya kayong pumili."

"What do you mean? Are we having secrets like sa mga detectives ba?" Mataray na tanong ng isa sa'min, nakataas din ang kan'yang kilay at napaghahalataang mayaman. Naka black tube dress ito na fitted at hanggang hita niya, nakalugay din ang kan'yang buhok na hanggang dibdib nito. Maliit na mukha at hindi ganoong ka-pulang labi, mahabang pilik mata, at matangos na ilong. Disente at malinis parin ito tignan kahit may pag ka mataray.

"Yes, half of it. You all will see something magical." Misteryosong saad ng HM habang nakangiti ito ng nakakakilabot. Bago pa man kami makareact ay may kumatok sa pintuan.

"Come in." Pumasok ang isang professor, kilalang kilala ko ito. Isa ito sa mga graduates ng OU at bahagi din ng Class Olympian. Si Professor Hamington.

"Before we proceed, meet your adviser. Mr. Weil Hamington." Saad ni HM, yumuko naman ito sa aming harapan at ganoon din ang ginawa ng karamihan sa amin.

"I'm Weil Hamington, grumaduate ako sa OU at katulad ng magiging parte ng klaseng ito, ako din ay parte ng klaseng Olympian. Gusto ko lamang sabihin na sa lahat ng p'wede niyong malaman ngayong araw, h'wag sana kayo magpadala sa takot." Saad nito. Kuryusidad ang bumalot sa aking buong pagkatao ng banggitin niya ang mga ito.

"Nakita niyo ba ang mga letrang kusang sumulat sa inyong papel kanina?" Nanlaki ang aking mata at sabay sabay kaming tumango. Nawala na 'yon sa isip ko.

"What's the meaning of those letter po? Is that a trick or what? How come bigla itong nagsulat without someone writing it on?" Kunot noong tanong ng isang babae sa gilid. 'Yon din ang aking katanungan. Imposibleng gumalaw 'yon ng walang dahilan.

"Calm down, Miss Loath. We'll answer all of your questions but before that. We'll show all of you something. It'll probably shock all of you but hang in there." Sabi ni HM.

"Professor?" Tawag ng HM dito and as if on cue, biglang lumutang ang isang upuan sa aming harapan. Bigla ding umilaw saglit ang mata ni Prof. Napatayo ako at napaatras sa aking nakikita. Nanlaki din ang aking mga mata at halos di ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Napasigaw naman 'yong mga babae at sari saring mura ang lumabas sa mga bibig ng lalaki.

"What the fuck?!"

"Shit."

"N-no way!"

Iilan lang 'yan sa aking narinig.

"This, this is what you called magic." Nakangiting saad ni Headmistress. What? Magic? Mahika?

"What do you mean?" Gulat man ay nagawa ko 'tong itanong.

"I can control things that is on my sight." Lalo kaming nagulat ng umikot ang upuan sa ere. What the shit.

"Calm down students. We won't harm any of you. Kinakailangan ninyo itong malaman dahil katulad namin ay may mahikang nakatago din sa loob ng in'yong pagkatao." HM said. But, how the hell could we calm down?

"How do isip isip that I could calm down, huh?!" Halos pasigaw na sagot noong mataray kanina. She's freaking out as much as we do.

"You all have magic, and all of the students na naging parte ng special classes ay mayroon din. Ngunit natatangi kayong lahat na nasa Class Olympian. Dahil ang lahat ng nasa klaseng ito ay may kakaibang abilidad na pup'wedeng lumabas sa tamang panahon. We are called Delitants, which is the people who can use magic. We protect the world of humans from the Dreritants, the dark magic users who wants to conquer the world. Being part of the class means being chased by danger, being part of the class means facing death and danger. Tayo ang pumoprotekta sa mundo. But, we can't afford to say it to humans. Because chaos will come, humans can be selfish sometimes. They might harm us, or they might use us. If you all have some questions, it's free to ask." Mahabang saad ni Headmistress. Unti unting nag process sa utak ko ang sinabi ni HM. May punto ang kan'yang sinabi.

THE SUPERIORS:CLASS OF OLYMPIANSWhere stories live. Discover now