Prologue

7 0 0
                                    


Maurine's POV

*First day of school*

Ang init grabe! Parang di na earth tung tinitirahan ko parang bina-barbieque ako my gosh! Tumingin ako sa and relo ko at nanlaki ang mata ko ng 7:30 na ng umaga! Malelate nako arrgghh! Ang arte mo kase Mau!

Kaya kahit labag sa loob ko tumakbo ako hanggang maka abot ako sa flag ceremony. Kita ko ang lahat ng estudyante na kumakanta ng Lupang Hinirang, tumigil ako sandali para di ako mapalo sa pwet ni Maam Malinao, ang pinaka terror at pinakaaaaaaa-maldita! Dumaan siya sa likod ko habang pinapalo ang ruler niya sa kabilang kamay. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis ko papunta sa pisngi ko, ang aga aga haggard na agad ako! Agad akong tumakbo ng matapos ang kanta at agad hinanap si Jenna, my best friend. Nag chat kami kagabi sabi niya classmate daw kami kaya ayun todo tili ako sa kwarto nang bigla akong hampasin ni kuya Rei ng unan kaya tumigil ako haha!

"Psst! Mau dito!--ang tanga mo naman dito oh!" kumakaway pa si Jenna, nilamon tuloy ako ng kahihiyan huhuhu. Lumapit ako sa kung saan siya naka form ng line. Napansin kong tumingin sakin ang iba kaya napayuko ako ng bigla kong narinig ang pagrereklamo ng iba dahil mabilis na pumunta siya sa harapan ko.

"Ano ba!? payuko yuko kapa na ang ganda mo kaya!" sabi ni Jenna, siyempre bestfriend kita kaya todo support ka! Maganda naman si Jenna mataas ang buhok na straight, morena, bilog ang mukha, kapag ngumingiti nakikita yung dimples niya.

Bigla niya akong hinila sa pinakagitna ng linya kung saan siya dati nakapwesto, todo reklamo naman yung si Athena, na classmate namin dati. Maganda si Athena, straight ang buhok hanggang bewang niya, maputi din, matangkad, sikat, crush ng school.

"Ano ba!? Late nayang si Mau kaya dun siya sa huli!" maka Mau to! close tayo?!

"Pake mo ba e ang iba nga walang reklamo! Tumahimik ka nalang diyan!"

"Shh! Silence!" utos ng teacher na bagong dating.

Umirap naman si Athena habang si Jenna dumila pa, haay! kahit kailan mag Best friend talaga kami, isang amazona at isang maldita. Yep! Maldita talaga ako, di ko lang pinatulan si Athena kase kaya naman niya yan haha! todo support din diba?

Natapos ang flag ceremony, papunta kami sa bagong classroom namin sa third floor. Kumapit si Jenna sa bisig ko at maging ako din habang tinatahak namin ang daan.

"Okay class I'm Madame Genario, I'm your adviser in four year high school. Say present if you are here." Bata pa si Madame Genario mga 44 ata? pero kung sa ugali niya para na siyang matanda, di siya ngumingiti, palaging poker face, kapag magtuturo siya dapat nakikinig talaga sakanya dahil kung hinde dun ka sa labas hanggang hapon. Iyan lamang ang naririnig ko dati sa nag uusap na mga teachers dati.

"Ms.Presly?"

"P-present!" habang nakataas ang kamay ko.

"Ms.Lucina?"

"Present!" masiglang sabi ni Jenna.

Natapos na ang attendance sa babae at ngayon naman ang mga lalaki.

"Mr.Canteros?"

"Present!" masiglang bati niya napatingin din kami sakanya dahil ang lakas at lalaking lalaki ang boses niya

"Mr.Falima?"

"Present" matinis ang boses kaya kapag sumigaw to sisira eardrums ko dito

"Mr. Gakinan?"

"Present maaam!!" di masakit sa tenga pero natatawa ako sa pag ala whistle niya, akala niya siguro siya si Moresette

"Mr.Guzman?"

"Present" mahinahon, di masaket sa tenga, malumanay, ang gwapo ng boses.

Lumingon ako sa pinaggalingan ng boses nayun at nabigla ako ng ngayon ko lang siya nakita sa tanang buhay ko! May panyo siya sa kamay, kulay green my favorite color! Deretso ang tingin niya sa harapan. Bigla lang tumibok ang puso ko habang nakatingin sa kanya, di ko na naririnig ang sinasabi ni madame Genario dahil sa sobrang titig ako sakanya. Maputi, matangkad, maganda ang mata, etc! etc!

Habang titig ako sakanya ay bigla siyang tumingin sakin at pareho kaming nabigla, bigla akong tumalikod at nabigla din si Jenna sakin.

Di ako naniniwala sa love at first sight, pero sa Crush at first sight, Oo!!

----------------------------------
(^↑^)

We Exchanged (On-going)Where stories live. Discover now