Uwaaah pinapansin nako ni crush!!
aamin na kaya sya? sana oo!! haha!
ang gwapo niya talagaaa! >_<" Oy! bakit namumula ka ha? anong nangyare sayo?" takang tanong ni Jenna sakin, nakabalik na pala sya.
"Jenna, parang crush ako ni Louis" wala sa sariling sambit ko.
(・o・;)- Jenna
♡(> ਊ <)♡- Me
Assuming na kung Assuming basta pinansin niya ako
Nag uusap usap pa kami ni Jenna pagbalik ng classroom.Habang nag uusap kami, di ko namalayan na nawawala na ang wallet ko, pag talikod ko nakakita ako ng lalaking yumuko, nagtaka ako pero nagulat ako ng may kinuha sya sa baba, wallet ko. Tumingin siya sakin at nagtama ang paningin namin, bigla akong nakuryente, hindi literal na kuryente ah ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
Inabot niya sakin ang wallet ko at tinanggap ko naman ngunit may biglang kuryente nanaman. Ewan ko kung nafefeel din niya nararamdaman kong kuryente kuno.
"Uy! Juli! Ikaw ah dumadamoves ka kay Mau! haha!" biglaang sigaw ni Falima, kung di ako nagtataka siya si Nixks Falima.
Lumaki naman ang mata ko at umiling iling.
"H-hindi! kinuha niya lang yung wallet ko na nahulog." I explained.
"Weeeh???? kung magtitigan kayong dalawa e" pang iinis sakin ni TianLee Canteros.
"Err, whatever!" sabi ko at tumalikod na sakanila.
"Juli! bili tayo!" narinig kong aya ni Louis kay Juli-kuno.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na lumabas na ng classroom. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagkain.
Maya maya ay bumalik na sila at nagtaka ako ng papunta sila sa dereksyon namin ni Jenna.
Ang lapad ng ngiti ni Louis habang si Juli-kuno ay blanko parin. Palapit na si Louis samin at nagtaka ako ng nagbigay siya ng isang mamon na hugis puso kay Jenna. Valentines ba ngayon? Sa pagkakaalam ko ay buwan palang ng hunyo.
Bigla namang lumapit sakin si Juli, walang anu ano ay hinagis niya lang sakin ang mamon na hugis puso din, bastos!
Pero biglang kumalabog ang puso ko ng malaman na pula na hugis puso na mamon ang binigay sakin samantalang normal lang na mamon ang binigay ni Louis kay Jenna.
" Oh? akala ko di bibili si Juli, Mau, mukhang special ang sayo, limited lang, try mo, masarap yan." ngiting sabi ni Louis.
Sino ba kasing nagsabi na bilhan niya ako?!
Tinikman ko ito at napagtantong na masarap talaga siya!
"Uy Mau! kumikinang ang mata mo(゜o゜;" sabi ni Jenna at napahinto naman ako sa pagkain. Napansin kong napadala ako sa sarap ng mamon nato kaya hindi ko namalayan na nakatingin na pala ang iba sakin.
Napatingin naman ako kay Louis na ngumiti sakin, napaiwas nalang ako ng tingin (ー_ー゛)
Natapos ang lunch at oras na para mag move on sa crush mong di ka crush--charot! Oras na para sa afternoon subjects namin.
*KRIIIIIIIIIIINGGGGGG*
Oh ayan, uwian naaaa!
Wala akong sundo ngayon dahil binisita ni Mang Tebo ang pamangakin niya sa pasig, isang linggo sa mawawala, ayaw ko din naman na iba ang susundo sakin, hindi ako sanay. Kaya maglalakad lang ako tutal malapit lang naman.
"Mau! sabay tayo? wala akong sundo ngayon, nagbabantay sa anak niya ngayon na nasa ospital"
"Wala din akong sundo ngayon--"
Naputol ang sasabihin ko nang sumigaw si Nixks."Ayos! sasabay nadin kami!"
Gwapo sana to e kaso ang laki ng boses!"No, thanks, we can do it ourselves" -ako
"Let's go, sasabay tayo kina Mau!"
щ(゜ロ゜;щ)-ako
Ang titgas ng ulo! sabing ayaw, sasabay padin, sarap batukan sa bungo!
Ang ayaw ko lang naman ay sasabay din samin si Juli! nahihiya ako lalo na nang ninamnam ko talaga yung mamon kahit kaya ko namang bilhin yon! Feel ko, para akong yagit!
Nawala yung inis ko nang sumabay si Louis sakin palakad pero nagulat ako ng inaakbayan pala niya si Jenna
щ(゜ロ゜щ)-ako
(✿^‿^)-Jenna
(。•̀ᴗ-)✧- Louis
Feeling ko, ako yung third wheel--!
(´⊙ω⊙')!
Napatingin ako sa gilid kong may kamay, sinundan ko yon at nakita ko ang mukha ni Juli, naka akbay siya sakin?!
"T-teka! anong g-ginagawa mo?"
"Para di mo feel na third wheel ka" sa simpleng sagot niya ay nagawa niyang mag wala ang puso ko, di ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko, pero di masakit, masarap siya sa pakiramdam.
YOU ARE READING
We Exchanged (On-going)
Genç KurguMaurine Eleiza Presly Jenna Aquata Lucina Louis Herman Guzman Julian Timothee Monterde Nixks Falima TianLee Canteros Justian Gakinan Athena Mendel Maldivas Adetta Hermosa Monterde