CHAPTER 1

5 1 1
                                        

"Okay class that's all for today"

Tumayo kami at nag bow, to show some respect.

Luminga ako at nakita ko siyang umupo at kinausap siya ng kaibigan niya.

"Tara Mau, recess tayo" aya sakin ni Jenna. Um-oo naman ako kase kami lang naman ang magkakilala dito.

*Cafeteria*

"Huwaaw! ang sasarap ng pagkain dito ah, nakakatakam" ani Jenna. Pero hindi sakanya ang nakatuon ko ng pansin. Isang babae, matangkad, mala dyosa ang ganda straight ang buhok.

Nakita ko na sya, at oo naalala ko na, classmate namin sya ngayon, di ko lang napansin dahil nakatingin ako sa Mr.Guzman na yon.

"Elaine! here!" sigaw ng kakilala niya, nag smirk sya at tumingin sa lugar kung nasan ako, bigla syang napatigil at ngumiti sakin. Weird.

"Uy Mau, tayo na ako na bumili ng sayo para kaseng wala ka sa sarili mo" Tumango naman ako at bumalik sa classroom.

Habang nakatuon sa pisara ay lutang ang isip ko, iniisip ko kase si Mr. Guzman, char! Si Elaine parang kakaiba sya, di ko lang ma explain. Napansin ko din ang librong hawak nya, parang ayaw niya itong mawala e.

"Ms. Presly, come and answer the question." ani Ma'am Luminga, science teacher namin. Dun ako bumalik ang kaluluwa ko sa sarili ko. Tumayo ako at luminga muna, nakita ko si Mr. Guzman. Nakatingin sya sakin kaya mas lalo akong kinabahan.

Ang question ay 'who is the first man who created periodic table?' napa smirk ako, hindi niya nilesson to pero alam ko ang sagot. Bukod sa wattpad books ay nagbabasa ako ng science book.

"It's Dmitri Mendeleev, Ma'am" walang alinlangan kong sagot. Napatango naman si Ma'am. Akala ko yun na yung itatanong niya sakin but she asked another question!

"Well then, Can you explain what are the groups of periodic table?"
Natahimik ang lahat parang napalitan ng seryoso ang atmosphere. I took a deep breath.

"Uhmm...The group one is the Alkaline and the group two is the Alkali Metals, the group three to sixteen are transition metals and the group seventeen is the Halogens and last, the group eighteen is the Noble gasses, ma'am" Napatingin naman sakin ang lahat

" oh uh okay Ms. Presly very good" ani ni Maam Luminga.

Umupo na ako at suminghap ng hangin. Kinakabahan parin ako.
Niyugyug naman ako ni Jenna at sabay sabing.

"OMG Mau parang mabibilaukan ako sayo!" ngumiti naman ako sakanya.

*Afternoon*

"bye!"

"bye!"

"Bye, Maurine mauuna nako! nandyan na sundo ko!" paalam ni Jenna.

Nagligpit ako ng gamit at paalis na sana ako ng classroom ng may nabangga ako, hindi naman ako masyadong napalayo at natumba dahil nakaalalay agad ang binti ko

"Ang laki ng daan kuya, bat sa harapan ko pa?" tanong ko habang hinihimas ko ang noo ko.

"I'm sorry" at lumipat sya sa kaliwa ko at umalis ng di ko pa nakita ang mukha nya.

*Bahay*

"Hi! Mom!" bati ko sa Mommy ko at humalik sa pisngi niya.

"Hay naku ang dungis dungis mo! maligo ka at bumalik ka dito para kumain haa" I roll my eyes and I nod.

Naabutan ko si Cevin, my little brother.

"oh?? why did you came late?" ang batang to! parang ako pa ang bunso dito!

"None of your business, Hot-headed" I call him Hot-headed kase ang liit ng pisi niya! di mahaba ang pasensya at pikon pa!

"MOMMY!! ATE JUST CALL ME HOT HEADED DAW!"

"SHHH! maligo kana Maurine Eleiza Persly!" ayan napo galit naman po sya.

"pfft. Fine!" at dumeretso ako sa kwarto ko at nag shower.

Habang kumakain kami ay bigla nalang pumasok si dad dala ang brief case niya. Tumayo si mom at humalik kay dad. Pumunta si Dad sa mesa at hinalikan kami sa pisngi ni Cevin.

"So, how was work?" tanong ni mom.

"it's fine" pormal na sagot ni daddy, hinubad niya ang coat nya at nakisali na samin kumain.

"So? about your school Mau, how was it?" asked dad.

"It's fine, dad, first day of school pa naman" dad always asked me to transfer another school. Pero ayaw ko, nandun si Jenna, my Best friend so ayaw kong umalis dun. Kontento na ako.

We Exchanged (On-going)Where stories live. Discover now