CHAPTER 2;

5 0 0
                                    

*kriiiiiiiing!!!*

Inaantok pako, pero dahil naalala ko si Mr. Guzman, char. Bumangon ako at naligo na. Naabutan ko pang nagluluto si Manang Tilda. Tuwing gabi lang nagluluto si mommy dahil maaga sya sa work.

"good morning manang" lumingon sya sakin

"oh? wala na si Cevin dito, hinatid na nila, ipinagluto na kita ng baon hija." malambing na boses ni manang, when I was six, si manang  na ang nagbabantay sakin, that's why close kami, si manang na ang pangalawang ina ko kase kapag pinagsasabihan ako ni mommy, nandun si manang na nagpoprotect sakin.

"Okay manang, mag totoast bread nalang ako."

"P-pero pano kung magkasakit ka nak? ay hindeee! kain ka" manang naman.

Wala akong nagawa kundi kumain, pagkatapos kong kumain ay inihatid na ako ni Mang Tebo, asawa ni Manang Tilda na driver ko. Mabagal lang ang pag maneho ni Mang Tebo dahil narin sa katandaan. 52 years old na sya at 50 years old naman si Manang Tilda. Malinaw pa naman ang kanyang mata pero pinasigurado narin ay pinabagal niya, di naman ako nagreklamo e nakikisakay na nga lang ako.

"Salamat Mang Tebo! Ingat kayo!" Kumaway pa ako at kumaway naman sya sakin.

"Pag butihin mo hija ah!" pagkasabi niya ay pinaharurot na nya ang sasakyan.

Papasok palang ako ng gate ay nakita ko na ang matangkad na mala Zack Efron ang peg

Tapos ako si Vanessa Hudgens, char!

At dahil makapal ang mukha ko ay nilapitan ko siya.

"Mr. Guzman!" sigaw ko at lumingon naman sya sakin habang nakakunot ang noo.

"Hi!" bati ko sakanya, tumingin lang sya sakin at walang ganang tumango. Pero di ako nagpa apekto sa cold aura niya. Sinabayan ko syang lumakad.

"Uhm... I'm Maurine Eleiza Presly! remember? magka kaklase tayo" ngiting todo ko pero di niya ako sinuklian. Tumango lang sya.

"Louis" ikli niyang sagot. Napasimangot naman ako, parang wala syang pake e.

"Mau!" Lumingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Jenna.

"Jenna!" lumapit si Jenna at nagtaka. Tumaas ang kilay niya.

"Uhm..Louis, this is Jenna, my best friend. Jenna, Louis,kaklase natin"

Napatingin ako kay Louis, ganun nalang ang ipinagtaka ko ng ngumingiti sya ngayon, habang nakatingin kay Jenna.

"Ayy naku! Late na tayo Mau para kang pagong!.." binalingan niya si Louis at sabay sabing"...una na kami ah? syensya na sa kaibigan ko hehe Hindi to nakainom ng vitamins" at binira ako ni Jenna.

Binalingan ko muna si Louis na nakatingin parin sakin--este samin.
Ngumiti ako at nag sorry.

***

"waaaaah amg daya ni maam huhuhu ngayon pa sya nagpa quiz na di ako nakapag study huhuhu" reklamo ni Jenna na nasa tabi ko.

Nilingon ko si Louis at lumaki ang mata ko ng nakatingin sya samin ni Jenna. Nang magtama ang mga mata namin ay tumibok ang puso ko at ngumiti sakanya,ngumiti namam  sya pero tipid.

"Uy ano yan pre ah? demedemeves kana ah! HAHAHAHA" Sabi ng kaibigan nya. Pero binalewala ko kase parang wala sya sa mood. But I feel something weird, someone is staring at me. Lumingon ako sa likod at ganun nalang ang gulat ko ng makilala ko ang babaeng titig na titig sakin. Si Elaine.

Nakapoker face lang sya kaya sa tingin ko di sya galit sakin. Nandun parin ang hawak nyang libro. Nang magtama ang mata namin ay ako ang unang umiwas, humarap ako at itinuon ang atensyon sa pisara.

*Lunch*

Habang bumibili ng pagkain si Jenna ay dun ako sa gilid, nag hihintay. Bigla lang ako nagulat nang lumapit sakin si....Louis?

Natulala ako nang ngumiti sya sakin at palapit na sya ngayon!

"Hi" simpleng bati niya sakin

"H-hello"

"Kasama mo si Jenna?" tanong niya.

"Uh, Oo" sagot ko at nagpaningning sa mga mata niya. Di na sya nakapagsalita ng hilahin sya ng kaibigan niya, napatitig ako sakanya, matangkad, maputi, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata. Nang magtama ang mga mata namin ay ako ang una na umiwas at sing bilis racer car ang tibok ng puso ko.

Nang lingon ako ulit sakanya ay natalikod at lumbas na sila ng cafeteria.

We Exchanged (On-going)Where stories live. Discover now