Chapter 38- Bar

833 35 2
                                    

------------
Aaliyah POV


Pangalawang araw na namin dito sa batangas. Sobrang dami naming ginawang adventure dito sa resort na ito.




Halata naman sa mga mukha nila ang pag ka enjoyyy. Buti na lang kahit papano napasaya ko sila, masyado na kasing nakakapagod yung school namin. Dami na naming activities and project kaya buti na lang may isang linggo kami para makapag enjoy manlang.






Yung nakalipas na dalwang araw medyo may nararamdaman ako. Di ko alam pero feel ko dahil sa puso ko. Hindi ko naman pinapahalata sa kanila kasi ayaw kong sirain yung mga araw namin dito. Siguro kaya ko pa to. Pag uwi ko na lang uli ako mag papacheck up.





Andito kami ngayon sa tabing dagat. Pinag mamasdan ang napagandang sunset, hapon na kasi ehh.







Ang sarap lang sa feeling na katabi mo yung taong mahal mo habang nanonood ng sunset.



----------
Kinabukasan



Kasama ko naman si mia dito sa bayan para mamili ng kakailanganin namin para sa surprise ko para kay sky.




Alam kong takot si sky sa gantong relasyon or takot sumubok sa gantong relasyon lalong lalo na't takot syang malaman ng magulang nito perooo syempre di ko naman ipapahamak si sky kaya nag plano ako.




Mali, nag plano kami ni mia. Yup si mia.Laking pasasalamat ko kay mia kasi sya ang tumulong sa akin para sa suprise ko kay sky.



And Nakapag usap na kami ni mia. Naexplain na niya sa akin lahat. Nakaya sya umalis ay para sa kanyang magulang. Naawa nga ako ehh. Sya na lang pala ang natitira sa pamilya nila. Only child kasi si mia eh.




Bata palang si mia ay wala na ang kanyang mommy. Tapos ngayon nag kasakit pa yung daddy niya kaya pala siya umalis kasi hiling ng kanyang daddy na siya ang mag aalaga dito.


And kaya niya nagawang mag panggap na may boyfriend kuno para tigilan ko na sya kasi hindi daw niya alam kung hanggang kilan nga sya dun.




Nakwento din niya na pinasusundan pala niya ako para malaman niya kung ano bang nangyayari sa akin at para daw maging ligtas ako.




And dun ko lang na gets na parang may sumusunod sa akin dati dito sa batangas. Tauhan niya pala yun.




Nang matapos na kaming mamili ay dumiretsyo naman kami sa room nila mia kasi duon ko muna itatago ang mga pinamili namin.




Bukas pa naman gaganapin yun suprise masyado lang talaga ako na excite kaya namili na ako, free time ko din kasi baka kasi bukas hindi na ako maka pag tago eh.






"El okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni mia sa akin.





"Oo naman, bakit?"





"namumutla ka kasi eh. Sure ka ba okay ka lang? Kung masama pakiramdam mo sabihin mo agad ha" bilin nito sa akin.





Tumango naman ako dito.



Sa totoo lang lalong lumalala yung pag sakit ng dibdib ko. Medyo na hihirapan akong huminga. Tapos kunting lakad lang hingal na ako.




Pero dinadaan ko na lang sa gamot at pag tulog. Nag tataka na nga si sky eh, bat daw bigla akong naging antukin.




Minsan natatakot na ako kasi baka sa harap niya pa ako atakihin or kaya pag tulog ako.

------------

Andito kami ngayon sa bar, nag kayayain pero syempre bawal ako.



Tas may nakabantay pa sa akin. Sino pa nga ba edi si sky. Hindi na umalis sa tabi ko kasi baka daw mandaya ako. Grabe naman.




Pero syempre kinikilig ako kasii kahit papano concern sya sa akin. Natakot daw kasi siya nung last time na uminom ako ng alak. Akala niya daw matutuluyan na ako kasi grabe daw yung itsura ko dun sobrang putla.





And speaking of putla medyo namumutla pa rin ako pero nag lagay ako ng liptint para di nila mahalata. Kinapalan ko na nga ehh.




Sa ilang araw na mag kasama kami sa iisang kwarto dun ko lang napatunayan na kahit hindi sabihin ni sky sa akin yung nararamdaman niya ay pinaparamdam naman niya sa akin na mahalaga ako sa kanya, kaya umaasa talaga ako na magiging successful yung surprise ko para sa kanyan.







Pero nang taka naman ako dahil may nag bigay ng juice sa akin. Wala kasi si sky sa tabi ko nasa cr sya. Ang tagal nga eh medyo naiinip na ako.




Bigla naman lumapit si mia sa akin hudyat na kailagan na naming umalis para masimulan na ang plano bukas.





Binilin ko naman kay noah na aalis muna kami ni mia kasi may importante lang akong gagawin.





Medyo kinakabahan nga ako eh kung pwede lang talaga na uminom ako kahit isang baso ng alak nagawa ko na para naman mawala yung kaba ko. So kinuha ko na lang yung juice na binigay sa akin nung waiter.





Andito kami ngayon sa tabing dagat. Dun sa parteng sobrang ganda ng view. Kailangan talaga maging perfect yung suprise ko.




"Oh bakit may dala kang juice?" takang tanong nito.





"Pinag bawalan ako mag beer ehh. Wala tuloy akong lakas ng loob kaya itong juice na lang nabigay nung kung sino ba yun."




"Naku, dilikado yan baka mamaya may kung ano pa yan di mo pala alam kung sino ang nag bigay." - mia





Sinuri ko naman ang juice na yun. Mukha namang ok eh




"Di naman siguro. Mukhang mabait naman yung waiter na nag bigay." sagot ko dito






"Tskkk kahit pa. Malay mo hindi din alam ng waiter na may nakalagay diyan?!Akin na nga yan" kukuhanin na sana nito ang juice ng bigla ko namang inumin.




Kalahati lang nainom ko kasi inagaw na nito.





"Masyado kang praning no. Tskkk" kaasar naman.






" ok na yung sigurado ano. Kung gusto mo bilhan pa kita ng madaming juice ehh. Wag lang itong juice na bigay nung kung sino man. Mapahamak ka pa eh. " natatawang sagot nito.




Sinimulan na naman naming ayusin ang dapat ayusin ng may nararamdaman ako init. Ewan ko ba ang lakas lakas naman ng hangin dito pero naiinitan ako.

--------------
Vote! 💕





Shadow (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon