Chapter 40- Kiss Again!

896 40 1
                                    

------------
Eliana Skylar POV





Andito kami ngayon sa batangas. Nakapag pasya kasi ang barkada mag bakasyon kahit isang linggo lang kaya naisipan ng mga to napumunta dito.









Balak ko sana umuwi sa amin kaso sobrang kulit lang talaga ni ellie. At si ako naman hindi ko kayang humindi sa kanya. Mag tampo pa yun sa akin eh.









Hirap pa naman suyuin. Pero syempre minsan di talaga naiiwasan na hindi mag katampohan and hindi naman ako tulad ng iba na hahayaan na lang. Kahit naman walang meron sa amin ni ellie hindi ko kayang hayaan na lang sya.










Ngayon pang hinahayaan ko na sya sa mga ginagawa niya sa akin. My pagka naughty din si ellie lalo na pag nakayakap. Kung saan saan na lang pumupunta yung kamay.









Ewan bigla na lang nagbago lahat. Kung noon lang hindi ko hinahayaan na makayakap siya kasi alam kong may gusto siya sa akin pero ngayon parang nasanay na ako.








May mga time din na nag dadalawang isip ako kung ipag lalaban ko ba yung nararamdaman ko o itatago na lang. Pero syempre mas nanaig yung takot kaya hinahayaan ko na lang na ganto kami.








Ok naman kami dito sa batangas sobra kaming nag eenjoy lalo na sa pag kain HEHE. Hilig din pala ni ellie ang adventure kaya yun na lang ata yung mga ginawa namin pero ako naman minsan lang ako. Wala naman akong hilig sa ganun ehh. Pag kain lang talaga ang hilig ko.









Pero nadisappoint ako kay ellie kasi hinayaan lang niya na sumama yung ex niya. Palusot niya naman na kaya niya daw pinayagan kasi bestfriend daw ni sophia. Susss sabihin niya lang na gusto niya talaga makasama yun.








And sobrang WEIRD lang ni mia. Halos araw araw ko na atang nakikita lagi syang nakatingin sa akin. Di ko alam kung may galit ba sya sa akin kasi lagi kong kasama si ellie. Pero baka nga kasi diba mag ex sila ni ellie. Ganyan din kasi sya sa school. Minsan ko lang naman syang nahuhuling nakatingin sa akin sa school pero napapadalas na simula nung nasa van kami papunta dito sa bantangas.







Haysttt bahala na sya wala akong pake sa kanya. Ay wow tapang HAHAHA.









Ngayon naman feeling ko tinataguan ako ni ellie. Ewan ko ba dun. Sabi ni noah kasama daw yung magaling na ex niya. Bahala sya.








Nag antay naman ako dito sa bar ng 5min pero hanggang ngayon wala pa rin kaya nag pasya na akong mauna sa room.








Bahala na si ellie, hindi ko talaga sya papansinin bukas.

----------------
Aaliyah Ellie POV




Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Babangon na sana ako pero bigla akong napahiga ng biglang sumakit ang ulo ko.










Huh? Uminom ba ako ng alak kagabi? Teka? Bat andito ako sa room namin ni sky?









Ang huling tanda ko kasi kasama ko si mia pero bat andito ako sa room namin ni sky? Agad ko namang hinanap si sky sa tabi ko pero wala na ito. Di man lang ako ginising ah.








Pumunta naman ako sa cr para mag ayus na at makapunta na sa kanila, paniguradong nag breabreakfast na sila.








And tama nga ako nag breabreakfast na nga sila nung madatnan ko sila dito pero ang weird lang ng mga tingin nila. Si sky at mia naman di makatingin sa akin.









Shadow (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon