Chapter 48- Who Are You?!?

830 39 0
                                    

------------
Aaliyah POV

Kakatapos ko lang trabahuhin lahat. As in lahat para sa suprisa ko. Medyo kinakabahan at natatakot kasi diba, yung huling suprise ko hindi maganda ang kinalabasan.




Handa na naman ako eh. I know na may magagalit sa kanila dahil sa ginawa ko. And handa akong suyuin sila kahit napaka rami pa nila HAHAHA.




Andito nga pala ako sa kotse ni ate avery, ito yung ginamit ko para puntahan yung importanteng tao sa buhay ko. Teklet na lang kung sino yun HAHAHA



Bukas graduation na nila. I'm happy for them. Deserve nila kung anong nakakamit nila ngayon.




May nadaanan naman akong jollibee kaya nag park muna ako saka pumasok. Tagal ko ng hindi naka kakain ng jollibee eh. At syempre madami kami sa bahay kaya madami din ang binili ko. Thanks sa atm ni ate averyyy.




Nag makuha ko na lahat ay agad na din akong lumabas pero biglang may napansin akong nakatingin sa akin. Naglinga linga naman ako para hanapin yun. Laking gulat ko na lang ng makita ko si ate emma. Di ko alam kung nakita niya ba talaga ako.





I don't know if she recognise me cuz naka jacket naman ako saka mask. Hope she didn't see me.




Kaya medyo hindi ako nag pahalata na natataranta. Nag lakad ako na parang walang nangyari.




Shittt




Lumingon naman uli ako upang tingnan kung nakatingin pa rin siya, haystt buti na lang hindi niya binigyan pansin.




Kaya nag madali akong pumasok sa kotse saka umalis na agad.



Pftt muntik na yun ahh.

------------
Eliana Skylar POV

Andito na kami ngayon sa school. Sa wakas gragraduate na din.




Madaming tao ngayon kaya minsan hindi ko alam kung asan ba yung iba kong kaklase. Hinanap ko naman sina ava at sophia ng makita ko sila ay agad akong lumapit sa kanila.




Maya maya pa naman ang simula ng ceremony kaya andito muna kami sa may tabihan, inaantay din naming dumating si na ate emma at yung ibang barkada.





Nag kwekwentohan at nag tatawanan kami nina sophia ng may napapansin ako. Pero pilit ko namang winawaksi kung ano yun. Masyado lang talagang madaming tao, siguro hindi lang ako sanay. Pati may mga kumukuha sa amin ng picture, member ata sila ng school. Para ilalagay din daw nila sa board kung saan andun ang mga picture ng nagtapos dito sa school. Kaya hinayaan ko na lang kung ano man yung nararamdaman kong kakaiba.





At ngayon nga nag sisimula na, kaya pumila na kami saka isa isang nag lakad papunta sa upuan namin.




Pero yung feeling na may nakasunod sa akin ay hindi pa rin nawawala.




Winaksi ko muna yun saka nag focus sa pag lalakad, ng makarating ako sa may upuan ay tumayo muna ako upang hintayin matapos lahat. Kaya naman agad kung hinanap kung sino o ano yung parang may sumusunod sa akin. Pero wala naman akong nakikita maliban sa mga photographer. At isa dito ang kahina hinala. Isang taong nakajacket na may hawak na camera. Hindi ko makita yung mukha niya kasi naka mask ito, hindi ko naman nakikita ang mata kasi duon nakalagay yung camera nitong gamit.



Tila kumukuha ito ng larawan ngunit hindi sa akin nakatutok. Kaya humarap na ako at nag focus.




Pero heto na naman po yung pakiramdam na may nakatingin. Ewan ko ba, pwede ko namang hindi pansinin pero hindi talaga ako mapakali kasi feel na feel ko na sa akin mismo ito nakatingin kaya tumingin naman ako sa tayo niya nakita ko naman na umiwas agad ito.




Who are you??




Well maya maya ka lang, kasi hindi rin kita tatantanan.



Kaya hinayaan ko na lang muna kasi may plano ako. Pero parang may kakaiba sa kanya. Familiar kasi sa akin yung katawan niya yung kamay niya. Pero imposible naman mangyari yun eh. Well kung siya nga yun may plano ako para siya mismo yung lumapit. Pero pag hindi ako na mismo ang lalapit sa kanya mamaya.





Maya maya lang ay nag umpisa na mag salita ang guro.




Ng biglang narining kong tinawag nito ang pangalan ng ate ni ellie.





"Let's give her around applause AVERY LUKE"




Napatingin naman ako sa gawi ni ate emma. Tila nagulat din ito sa pag dating ni ate avery. So ano? Totoo ba yung sinasabi ni ate emma? Buhay ka ba talaga ellie? Kung buhay ka bakit hindi ka nag papakita sa amin?



Tumingin naman ako sa gawi nung photographer na kanina ko pang pinag hihinalaan.



Unti unti naman ako nakaramdam ng galit dito ng isipin ko na all this time buhay si ellie? Umiyak kami sa wala?
------------

Just a short ud HAHAHAHA



Ginabi na ng gawa kaya kakaunti eh. Kunti na lang patapos na hayysstt.




Stay safe senyoooo. Votee! 💜

Shadow (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon