Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas sa parking lot ay may biglaang pumara sa amin. Napakunot ang noo ko nang sa wakas ay mamukhaan ko s'ya sa napakadilim na lugar.Kinatok pa ni Eleazar ang bintana ng kotse sa gawi ko kaya mabilis ko 'yung binuksan.
"Kuya? What are you doing here?" bungad ko pagkababa na pagkababa ng bintana. Dumungaw s'ya at saglit na tinanguan si Gabi atsaka inilipat na ang mga mata sa akin.
"I was calling you." ngiwi n'ya.
"Bakit?"
Hinalughog ko ang dalang bag atsaka binuksan ang telepono nang makita ko ito. I bit my lip when I saw few missed calls from him. Ano nanaman ang gusto nito ngayon?
"May inasikaso lang ako sa Verona. Dinaanan na kita dito."
Hindi ko na tinanong kung paano n'ya nalamang nandito ako. Kahit saang lupalop pa yata ako magsusuot ay talagang mahahanap n'ya ako.
"Let's go out." ani Gabi sa akin para siguro makausap namin s'ya nang maayos.
"Hindi na, p're." mabilis na pigil ni kuya nang akmang papatayin na ni Gabriel ang makina ng sasakyan. "Si Eleanor na lang dahil sadya ko talaga s'ya dito para sunduin. Kailangan n'yang umuwi sa bahay."
Bigla akong napaayos nang upo at agad na dinalaw ng kaba dahil sa sinabi n'ya.
"Did something happen?" tanong ko agad.
"Wala naman. Mom and dad are just asking for you."
"Ha? Bakit?"
"Anong bakit? Siguro anak ka nila kaya ka nila hinahanap?" sarkastiko n'yang bato sa akin.
"Bakit ngayon? Are they still awake?"
"Papauwiin ba kita ngayon kung hindi sila gising?"
"Ang pilosopo mo!" singhal ko sa kanya. "Bukas nalang ako uuwi."
Inirapan n'ya ako atsaka s'ya dumiretso ulit ng tayo na parang nawawalan na s'ya ng pasensya sa akin.
"Hindi ka uuwi bukas." sigurado n'yang tugon sa akin na parang kilalang-kilala n'ya ako. Totoo naman.
"Bakit ba atat na atat ka ngayon? Madaling-araw na!"
"Kahit anong oras pa 'yan, Eleanor. Minsan nga lang kita mahuli. Bumaba ka nalang d'yan, p'wede ba?"
"Ano bang ginawa mo d'yan sa Verona nang ganitong oras?" inis kong bulong sarili ko pero sigurado akong narinig n'ya. Napakarami naman kasing papel ni Eleazar sa buhay.
"I can drive her to your parents' house." presinta ni Gabi. Dumungaw pa s'ya sa pwesto ko para lang makita nang maayos si Eleazar.
"No. Sa akin nalang s'ya sasabay dahil doon rin naman ako uuwi."
Napaka-pilosopo. Sa boses ni Eleazar ay mukhang hindi s'ya tatanggap ng ibang sagot at mukhang aawayin pa n'ya si Gabi kapag nagpumilit s'ya.
"Bakit ba kasi gising pa sila?"
"Kasi nga sabi ko dadaanan kita."
"Ano naman ngayon?"
"Hinihintay ka nila."
"Para saan nga?"
"Bakit hindi ka nalang sumama sa akin at ikaw ang magtanong sa kanila?" walang pasensyang saad n'ya pa ako muling inirapan.
Pagkalabas na pagkalabas ko dito sa kotse ay tatamaan sa akin si Eleazar. Sasagot sana ulit ako pero natigil lang nang maramdaman ko ang kamay ni Gabriel sa tuhod ko. I sighed. Unti-unting nawala ang pagkakakunot ng kilay ko dahil sa namumuong inis sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Eleanor Mendrez
RomanceEleanor Mendrez-- the sister of La Brion's pride and SC President Eleazar Mendrez, didn't like the idea of people approaching her just so they could have a bit of power from his brother. It was also the reason why she detaches herself from any guy s...