Chapter 5

11 0 0
                                    

The session ended smoothly. Hindi ko namalayan na nasagutan ko lahat ng equations na  binigay niya sakin kanina.

I was busy cleaning the salas where we stayed kasi nagkalat sa scrap papers at mga pinagbalatan ng snacks namin habang tinuturuan niya ako

To my surprise, may nakita akong phone sa couch ng bahay. I'm sure hindi sakin to dahil masyadong outdated itong phone na to para sakin!

"Maybe it's his?" tanong ko sa sarili ko kahit alam ko naman walang sasagot sakin

When I opened the phone, nakita ko lockscreen niya mukha ng babae. Namumukhaan ko yung babaeng wallpaper niya

It was a stolen pic of Shin, yung babaeng kasama niyang barista sa cafe. She was smiling to an old lady customer taking her order. She looks like so cute in this picture and I hate it.

I mean bakit kailangan niya pa mag bait-baitan? It's impossible she's that kind! But what if she is that kind?

Tyaka bakit lockscreen siya ni Mr. Scaredy Pants? Crush niya ba to?

Ugh whatever why do I care anyway?

Yan nalang nasa isip ko kahit nag ddrive nako papuntang school ngayon. Ano nga ba pake ko kung crush niya yun?

And also I can't contact him kasi nasa akin ang phone niya. So ano sagutin ko mga text ko sa phone niya? Psh corny Chloe.

Masyado ako busy sa pag iisip ng picture na yun sa phone niya kahit nasa loob nako ng room namin. Bakit ba kasi niya lockscreen yun? Ang ineexpect kong wallpaper niya si L from deathnote or si Naruto.

Pero kailangan ganung aesthetic pa talaga?

"Psh mas maganda pa ako dun eh" bulong ko

"kanino?" tanong ni Kara sa tabi ko

Hindi ko rin namalayan na katabi ko na pala siya nag reretouch ng make-up

"Sayo duh" sabi ko sabay irap

"Atleast ako may jowa no!" banat niya sakin

"Niloloko ka naman ulol" sabi ko. Akala niya mananalo siya sakin ha.

Well sana all nga naman may jowa pero hindi ko kailangan ng lolokohin lang ako no!

"Hey girls!" sigaw ni Audrey habang nasa pinto pa lang siya ng room. Excited siyang tumakbo palapit sa'min ni Kara "Girls alam niyo ba! I have chika! "

"What's your chika girl? Spill the tea now please!" si Kara na oa

sakit talaga sa tenga pag nagsama ang dalawang to. Tumingin ako kay Audrey, curious din sa chika niya

"Have you heard na ba? Si Nick baby ko at si Drake nag rambulan daw sa party ni Nick!"

Napairap ako at nadismaya sa chika niya. Hindi talaga ako mawawala sa balita kasi nasa gitna nila ako nang maganap ang rambulan nung gabi na yun

"Grabe kawawa si Nick napuruhan siya ni Drake!" dugtong ni Audrey

Napatingin ako kay Audrey habang kinukwento niya yun. nagkibit-balikat nalang. I guess Drake performed well. I smirked.

"What's the reason daw ba? Why sila nag suntukan?"

"I think it's Prim--"

"Manahimik na kayo diyan na yung prof" putol ko kay Audrey

Umayos na sila ng pagkakaupo at tinigil na ang pagchichismisan kasi dumating na nga prof namin.

And I really don't like it when they talk about Primrose. She's my bestfriend and she's not used to all the gossips about her.

Beneath the City Lights [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon