"𝘿𝘼𝙒𝙉 𝙊𝙁 𝙏𝙃𝙀 𝙋𝙎𝙔𝘾𝙃𝙊 : 𝐻𝑒𝑟 𝑊𝑟𝑎𝑡ℎ"
Binasa ko ang nakaukit sa dibdib ko at pabulong kong binigkas ito.
"K-kell loves L-lucy..." halos wala ng hangin ang namumutawi sa mga salitang binigkas ko.
"Ngayon markado na kita mahal kong Kell. Wala ng aagaw sayo. Haha" masigla niyang usal.
Pinanghinaan na ako ng loob dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ito na ang katapusan ko, pakiramdam ko di na ako makakatakas sa isang kahibangan na to. Hindi na ako makakatakas sa mundong gawa ng isang akala ko kaibigan ko. Pumikit ako at nagdasal na sana walang mangyaring masa sa pamilya ko, kina mama at sa kapatid ko.
"Kell ano ba. Magsalita ka nga jan. Kinakausap kita." putol sakin ni Lucy. Hindi ako nagsalita, wala ng tinig ang namutawi sa bibig ko. Pagod na ako. Biglang sumilay sa isip ko ang alaala noong binigyan ako ni mama ng isang bracelet. Kulay itim iyon at may maliit na bakal na palawit ito. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ko na nakakadena ang kamay ko sa likod at mayroong maliit na kandado.
"Tama.." bulong ko sa sarili.
"Ano kamo Kell? May sinasabi ka ba?" tanong ni Lucy.
Sinuri ko ang buong paligid at hindi ko nakita ang kuya niya. Agad kong kinapa ang kamay ko mula sa likod. Pinakikiramdaman ko ang bracelet at ang maliit na kandado sa likod ko. Nang mahawakan ko ito, pilit kong inabot ang kandado para sundutin ito gamit ang maliit na bakal sa bracelet ko."Oh sige magpahinga ka na muna jan. Gabi na rin baka pagod ka na mahal ko." hinalikan ako sa noo ni Lucy at tuluyan ng umalis sa loob ng kuwarto. Kasabay nun ay ang pagkarinig ko sa mahinang pilantik ng kandado. Bukas na.
"Damn!" sobrang saya kong sabi ngunit kontrolado ko parin ang boses ko mahirap na baka marinig ako. Isang bote ng alak ang nakita ko. Kinuha ko yun at agad na sumigaw.
"L-Lucy mahal ko!?" bumukas ang pinto at ang kuya niya ang tumambad sakin. Agad kong sinuntok ito sa mukha, hinampas sa kanya ang bote ng alak at isinaksak ang kapirasong natira sa bote. Wala na ako sa sarili ko kaya paulit ulit ko siyang sinaksak. Nagkalat ang dugo sa buong kuwarto. At ang kamay ko ay puno na rin ng dugo.
"Oh my!! Kell anong ginawa mo sa kuya ko!!!?" sigaw ni Lucy. Binalingan ko ito ng tingin at kitang kita ko ang galit sa mukha niya.
"Si kuya na lang ang meron ako!! Siya lang ang nakakaintindi sakin. Bakit mo pa pinatay!!!?" at nagsimula na siyang magwala. Ginulo niya ang buhok niya at nagsususuntok sa hangin. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin ng may dalang kutsilyo. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yun pero isa lang ang alam ko, galit siya. Galit na galit ang emosyong makikita sa mata niya.
"Mamamatay tao ka Kell!!" sigaw niya sa akin bago niya isaksak ang kutsilyo sa tagiliran ko. Nakaiwas ako pero sadyang mabagal ang nagawa kong kilos kaya nadaplisan ako.
"Fuck!" daing ko dahil sa sakit. Agad kong sinapo ang sugat ko. Umatras ako ngunit sinundan na naman niya ng panibagong saksak.
"Hindi kita mapapatawad Kell!!" sabi niya habang mulat na mulat ang mata niya sa galit. Tinamaan ako sa braso. Ramdam ko ang sakit. Tumakbo ako para kunin ang upuan na kinauupuan ko kanina at ihinampas ko sa kanya yun kahit na iniinda ko ang sakit ng aking braso. Bumagsak siya sa sahig. At kumuha na ako ng tyempo para lumabas ng kuwarto. Sa kamamadali ko ay nadapa ako at ang tagiliran ko na may sugat ang unang bamagsak.
"Shiiit!"
"Hahaha. Buti nga sayo. Huwag ka na kasing tumakas. Dahil ito na ang katapusan mo!" natatawang sabi ni Lucy sabay saksak sa kaliwang binti ko. Sumigaw ako ng malakas. Bumaon ang kutsilyo sa binti ko. Sinipa ko siya sa mukha gamit ang kanan kong paa. Duguan na ang mukha ni Lucy pero tawa parin siya ng tawa.
Binunot ko ang kutsilyo at pinursiging tumayo para lang makatakas mula kay Lucy. Iika-ika akong lumabas ng bahay at para akong nawalan ng sigla dahil sa nakita ko. Lahat sila, lahat sila nandito.