"𝘿𝘼𝙒𝙉 𝙊𝙁 𝙏𝙃𝙀 𝙋𝙎𝙔𝘾𝙃𝙊 : 𝐻𝑒𝑟 𝐶𝑜𝑛𝑓𝑒𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛"Dumating ako sa tamang oras at sa tamang lugar kung saan gaganapin ang Prom Night ng school namin. Sumalubong agad sa akin si Kent kasama ang girlfriend niyang si Anastacia. Tinanguan ko sila at ngumiti naman sila habang ako ay dirediretchong pumunta sa bev cell ng lugar. Kumuha agad ako ng isang baso ng tubig dahil pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko.
Umikot ang paningin ko at nakita ko ang taong gusto kong makita. She's wearing a white elegant dress that fit her body. Hindi lang ako ang nakatingin sa kanya madami pang iba. Looks like she's enjoying the attention she's receiving from others. A sudden memory flashed inside my mind..
-flashback-
"Kell, pwede ba tayo mag-usap?" tanong niya sakin. I just nodded and followed her, realizing that we are heading to our school's open field."So what?" malamig kong sabi sa kanya. Nagkatampuhan kasi kami nung nakaraan dahil lang sa hindi ko siya naintay umuwi. Madalas kasi kaming sabay na umuuwi dahil kapitbahay ko lamang siya. Umabot sa puntong hindi niya ako pinapansin kaya ako na din ang di namansin. Valid naman yung reason ko sadyang pinagtampuhan niya lang ng sobra.
"I like you." she said then grabs my hand to intertwined on her.
"I like you. I want you to be mine. I want to be your girlfriend. I want you to be my boyfriend. Court me and I'll say yes. Please, I like you Kell." dirediretcho niyang sabi sakin.Nagulat ako sa mga salitang binitawan niya. Babawiin ko na sana ang pagkakahawak niya sa aking kamay pero mas hinigpitan niya lamang ito.
"Look, I like you too Lucy. I like you as my younger sister. Alam kong alam mo yun. Madalas kong banggitin sayo yun na masuwerte ako dahil dumating ka sa buhay ko. Mas suwerte ako na sana naging tunay nakapatid na lang kita. Madalas kong sabihin yan sayo. I'm sorry, Lucy" pagkatapos ng litanya ko ay pilit ko ng hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Tinapunan ko siya ng tingin at walang mababakas na emosyon sa mukha niya. Nagtaka ako at kumunot ang noo dahil sa ipinapakita niya."There's something wrong" sigaw ng isip ko.
Nagulat nalang ako at napaatras ng bahagya ng bigla siyang tumawa ng malakas. Sa sobrang lakas ay nakuha namin ang atensyon ng ibang estudyanteng nakatambay medyo malayo sa lugar na kinatatayuan naming dalawa.
"Tell me that you're joking, Kell" seryoso niyang sabi.
"I'm not. So if you don't mind. I excuse myself." naglakad na ako paalis para talikuran siya at ipagsawalang bahala ang sinabi niya ngunit may pahabol na salita siyang binitawan dahilan para ako'y bahagyang kabahan."I'll make you mine, Kell. No matter what. 'Til death do us apart." she said emotionless.
-end of flashback-
Bumalik ako sa kasalukuyan ng biglang magtama ang mata namin ni Lucy. Lumakad siya palapit sa akin. Elegante siyang naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Malapit na siya sa akin kaya napagdesisyunan kong umalis doon at puntahan ang lamesa ng aking mga kaibigan pero bigla niyang hinablot ang braso ko at isang malakas na sampal ang natanggap ko."What the fuck is your problem, Lucy!!?" Bulyaw ko.