📃 𝘾 𝙃 𝘼 𝙋 𝙏 𝙀 𝙍 𝙎 𝙄 𝙓

1 0 0
                                    

"𝘿𝘼𝙒𝙉 𝙊𝙁 𝙏𝙃𝙀 𝙋𝙎𝙔𝘾𝙃𝙊 : 𝐻𝑒𝑟 𝐿𝑎𝑠𝑡"

Iika-ika akong lumabas ng bahay at para akong nawalan ng sigla dahil sa nakita ko. Lahat sila, lahat sila nandito.

Yung mga taong nasa litrato na nakalagay sa photo album ni Lucy lahat sila nandito. Yung katawan nila naaagnas na sa sobrang tagal. Umaalingasaw na din ang masangsang na amoy ng kani-kanilang katawan. Ininda ko ang nakita ko at nilampasan ang mga iro ng nagpipigil na huwag masuka. Buong lakas kong tinahak ang madilim na gubat, umaasang makhanap ng simentadong daanan ng mga sasakyan.

"At saan ka pupunta Kell?" malakas na sigaw ni Lucy mula sa likod ko. Mas binilisan ko ang pagtakbo ko kahit na masakit ang kaliwang binti ko dahil sa natamo kong sugat.

Magbubukang liwayliway na ngunit sige parin ako sa takbo habang si Lucy naman ay nakasunod sa akin. Aambahan niya na sana muli ako ng saksak ngunit nadapa siya dahil sa ugat ng punong nakaharang sa daan. Kaya imbis na ako ang masaksak niya, sarili niya ang nasaksak niya. Tumama ang kutsilyo diretcho sa mata niya.

"Ahhh!!" sigaw niya na pumailang lang sa tahimik na kagubatan. Tumakbo ako palayo sa kanya. Akala ko tapos na ang lahat pero buhay parin siya. Bigla siyang sumulpot sa harapan ko.

"Akala mo ba malaya ka na?" tanong niya sa akin. Nagulat ako kaya napaupo ako sa damuhan at dahan dahang umaatras.

"Stop this nonsense play, Lucy!" sigaw ko pabalik sa kanya pero para siyang binging walang naririnig. Muli niyang sinaksak ang kaliwa kong binti. Tatlong beses niyang ginawa yun habang tumatawa. Nanghina ako kaya hindi ko na nagawnag pumalag. Umaagos na ang dugo mula sa binti ko. Nang may makapa akong malaking bato sa likuran ko. Kinuha ko agad yun at ihinampas sa ulo ni Lucy. Binunot ko ang kutsilyong nakabaon sa aking hita at isinaksak naman yung diretcho sa puso ni Lucy. Walang awa ang namutawi sa aking damdamin. Puros inis, galit at pagkamuhi ang naramdaman ko ng tuluyang mawalan ng malay si Lucy. Wala na si Lucy, wala na ang kaibigan ko, wala na ang dati kong kinagigiliwang kapatid-kapatiran.

Dahan dahan akong tumayo at umalis sa lugar na iyon. Naaninag ko ang mga sasakyang dumadaan dahil narin sa liwanag na panaka-nakang sumisilip sa madilim na lugar. Pumara ako ng mga sasakyan ngunit mukhang walang gustong magpasakay sa akin dahil narin siguro sa aking itsura at kalagayan. Maya maya lamang ay may huminto na sa aking harapan at ako'y tinulungan.

--- (One year after)
Naka-upo ako sa loob ng aking kuwarto hawak ang isang aparato. Isa itong camera na ginagamit ko sa pagkuha ng litrato.
"Iyan. Napakaganda ng kuha mo. Pero siguro mas maganda kung dagdagan pa natin nito" kinuha ko ang kutsilyong nasa aking gilid at walang habas na pinagsasasaksak ang babaeng nakasabit sa aking kisame.

"Hmmn.. mukhang mas maganda ka ngayon ah." ilang ulit kong pinindot ang button ng camera ko para lang makakuha ng litrato.

[Third Person's POV]
Isang taon ang lumipas ng dahil sa karanasan ni Kell Sciamachy. Sa lahat ng mga bagay na kanyang dinanas sa kamay ni Lucy ay nanatili itong mapait na memorya sa kanya. Hindi niya naialis ang takot sa kaniyang isipan kaya lahat ay kinatakutan niya. Miski ang pamilya niya'y inakala niyang pamilya ni Lucy kaya pinatay niya. Lahat ng naging malapit sa kanya ay inuunti-unti niya na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dawn of the pyscho (completed)Where stories live. Discover now