"W-wag mo kong saktan, parang awa mo na. M-may anak akong nag hihintay s-sakin." bulong niya sa lalaking nasa harap niya. Sa sobrang takot, napaupo siya sa semento at nanginginig na gumapang pa atras."Trabaho lang" sabi ng lalaki na nasa harap nito ngayon. Tinutukan niya ng baril ang babae, tinanggal ang safety lock nito at handa na siyang barilin. Napapikit ng mariin ang babae ng may biglang isang malakas na hangin siyang naramdaman.
Ilang segundo ang lumipas at wala siyang naririnig na kahit anong ingay. Minulat niya unti unti ang kanyang mga mata at nagulat sa kanyang nakita. Wala na ang lalaki sa harap niya. Nasa sahig na ang baril at mag isa na lamang siya roon. Dahan dahan siyang tumayo at pinag masdan ang baril ngunit siya ay nagulat sa kanyang nakita. Maliban sa baril, mayroong malalaking balahibo siyang nakita. Balahibo na tila pang ibon, ngunit doble doble ang laki nito.
Nanginginig siyang tumakbo papalayo sa lugar na iyon, at di na lumingon pa.
BINABASA MO ANG
His Wings
FantasyIf you were to meet with someone with wings, how would you react? Would you be scared? Shocked? Or.... Attracted to it?