Senaya's POV
"Hoy gaga! Ano yun?!" Sigaw ni Anya na may kasamang malakas na kalabit sa braso ko. "Ang gwapo niya Anya..." tulalang sabi ko, nakatigin padin sa hagdan na dinaanan nila.
"Oo nga te kaya naman damang dama mo yung pag bagsak mo aba! Tara na nagugutom na ko!" Sigaw niya kaya naman nabalik din ako sa katotohanan na GUTOM NA KO! Mabilis kong tiningnan kung kumpleto na ang mga gamit ko ng may mapansin akong kulang sa gamit ko.
"T-teka lang Anya, may nawawala ata sa gamit ko" kinalkal ko pa ito at nasiguradong may nawawala nga. "Anong nawawala sayo?" Tanong ni Anya sakin habang nag lalakad papunta sa harapan ko.
"Y-yung bracelet na binigay ni mama sakin, yung may pangalan ko nawawala" yumuko ako sa sahig at sinilip ang mga ilalim ng upuan na malapit sa pinag bagsakan ng bag ko kanina.
"Ha? Eh teka hanapin natin saglit" nag yuko yuko din si Anya sa mga table at malalapit na upuan pero wala ito don.
"H-hayaan mo na, baka may makakita non ibabalik naman din nila s-siguro" kabado na sabi ko.
"Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh! Nabangga ka tuloy! Tara na, ireport nalang din natin sa Lost and Found" tumango ako at nag lakad na kami papunta sa Lost and Found para mag report.
~Mall~
"Hala Aya oh ang ganda!" Turo ni Anya sa Dress na naka display sa labas ng isang store.
"Oo nga, how much kaya?" Tanong ko habang kagat kagat ang straw ng iniinom ko. Kakatapos lang namin kumain ni Anya sa Kentuckin.
Matapos naming kumain ni Anya ay napag isip isip naming mag lakad lakad sa mall para bumaba ang kinain namin. Habang nag lalakad kami ay may napansin akong pink na cropped polo sa isang shop. Agad ko namang sinama si Anya doon.
"Anya look, ang ganda. Sa tingin mo bagay ba sakin to?" Sabi ko sakanya habang hawak hawak ang damit at tinapat ko pa ito sa katawan ko para makita kung kakasya ba ito.
"Lahat naman bagay sayo! Kahit siguro pag suotin kita ng pinag tagpi tagping basahan eh maganda parin sayo!" Sabi niya habang tumitingin tingin din ng mga damit. Napangiti naman ako kaya binayaran ko na din ito at umuwi na kami.
~Bahay~
Pag ka dating ko sa bahay ay pinatong ko ang tinake out kong pagkain sa lamesa at pumasok na sa kwarto ko. Nag palit ako ng damit at itinabi ang bagong bili kong damit.
Naupo ako sa study table ko at nag labas ng mga libro ko at inayos ito sa table. Bago ako magsimulang gumawa ng assignments ay nag bukas muna ako ng phone ko at nag check ng notifications. Nag scroll muna ako sa Instagram ng may notification na nag pop up sa screen ko.
Aaronvelasquez started following you.
Diba eto yung nakabangga ko kanina?
Pinindot ko yung profile niya at nag stalk sa feed niya. Nag scroll ako at kadalasan sa mga post niya ay clouds, mukhang kuha ito sa eroplano dahil sa taas ng clouds ito kinunan. Ang gaganda ng mga pictures kasi lahat sila ay nakuhanan sa pag lubog ng araw, kaya naman ang iba dito ay may magagandang kulay na nagreflect.
Nag scroll pa ko at may nakita akong picture niya. Pinindot ko ito at agad ko namang inilapag ang phone ko ng nakabaligtad sa table ko.
Jusko, ano ba yung nakita ko!
Mukhang kuha ito sa isang studio. Para siya nag lalakad patungo sa camera habang dahan dahang tinatanggal ang botones ng polo niya na brown. Ang kanyang buhok ay tila hinahangin pero maganda padin tingnan, ang mukha niya naman ay seryosong nakatingin sa camera at nag lip bite pa! Sa sumunod naman na litrato ay naka tingin siya onti sa gilid at tila ba nag iisip.
Ang gwapong nilalang. Single ba to char!
Habang nasa gitna ako ng pag mmuni muni ay buglang tumunog nanaman ang phone ko. Binuksan ko ito at nakitang may nag message sa number ko na unknown. Agad ko itong binuksan at tiningnan ang message.
From: 09*********
Psst, enjoying what you see? :)
Sino to?!
From: Senaya
Who you?
From: 09*********
Asawa mo.
Hala, asawa ko daw! Bye mom sakanya na ko titira char!
From: Senaya
Haha, funny.
From: 09*********
Wow you don't remeber me? Im hurt :((
From: Senaya
Show yourself~ char! Maybe if I have your name I'll know you? Duh? How did you get my number?
From: 09*********
Bebe mo to, si Aaron :)) got your number from a Friend, she was nice enough to include your social media accounts, hope you don't mind?
Hala! Si aaron pala! Shet.
From: Senaya
I don't have much choice now do I?
From: Aaron
Yeah I'd have to agree :))
From: Aaron
Hey uhm, I was wondering maybe we could go out sometimes? Like maybe now?
From: Senaya
What? It's already late.
From: Aaron
Oh yeah, I forgot. But I have something to give you :(
Ang cute ng mga smiley amd sad faces niya wth pacute! Wag mag papabigtima!
From: Senaya
Can't it wait?
From: Aaron
I don't know, I think it's important to you.
May sinend siyang picture ng bracelet with carvings on it. It's my bracelet!
From: Senaya
I've been looking for that! Why didn't you told me sooner? Why do you have it?! Are you budol budol? Is that why you bumped into me earlier?!
From: Aaron
Could've told you sooner if I already had your nunber. It was hard finding you kaya. And no, im not budol budol lol. I forgot to give it to you earlier. When you turned around I saw it on the ground so I picked it up. I placed it on my pocket so it won't be lost but I forgot to give to you.
Seems legit naman yung explination. Katiwa tiwala ba to?!
From: Aaron
Or maybe I really took it so I have an excuse to meet you. Is it working?
From: Senaya
Budol! Let's meet tomorrow morning.
From: Aaron
Yehey! There's a park I know, we can meet there. It's not to far away from the school:))
From: Senaya
Just send me the loc, let's meet at 7am.
From: Aaron
See you tomorrow, mi'lady. Goodnight :)
Binaba ko na din ang cellphone ko matapos non. Nag basa na din ako ng libro at gumawa ng assignment bago mahiga sa kama at matulog.
--------------

BINABASA MO ANG
His Wings
FantasyIf you were to meet with someone with wings, how would you react? Would you be scared? Shocked? Or.... Attracted to it?