Senaya's POV
"Aya gising ka na ba?" Katok ni mama sa kwarto ko. Napa gising ako sa katok ni mama sabay ng pag tunog ng alarm ko. Agad ko itong pinatay at bumangon na
"Opo ma maliligo na!" Sagot ko kay mama, nilakasan ko din ito ng onti sakaling hindi niya marinig, minsan kasi nabibingi si mama pag nasa kabilang side ng pinto hehe.
Agad akong naligo at nag ayos bago lumabas ng kwarto. Pag bukas ko ng pinto ay sinalubong na agad ako ng masarap na amoy ng niluluto ni mama.
Amoy adobo, mukhang marami nanaman akong makakain nito.
Pinulot ko ang sapatos ko bago tuluyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa lamesa.
"Good morning" bati ko sakanila habang nag sosuot ng sapatos
"anjan na ba mga gamit mo? Mga libro mo dala mo na ba?" Tanong ni mama habang nag lalakad siya papunta sa lamesa, dala dala ang pagkain at mga plato. Tinanguan ko nalamang siya bilang sagot at mabilis na kumain.
6:30am na noong lumabas ako ng bahay at nag lakad na papunta sa school. Malapit lang naman ito sa bahay namin, sa labas lang to ng subdivision namin. 6:45am ay natatanaw ko na ang school, binilisan ko na ang lakad ko ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Hoy panget! Hintayin mo ko!" Sigaw ni Anya, kaibigan ko.
"Oh, di ka sumabay sa kuya mo?" Tanong ko sakanya, medyo binagalan ko ang pag lalakad para makahabol siya sakin.
"Nako! Tinotopak nanaman yon! Di ako ginising e quarter to 6 na! Alam niya naman na isang oras ako maligo di pa ko ginising ng maaga e di naman siya natutulog!" May galit na sabi ni anya kaya naman natawa ako sakanya.
"Hilig mo kasi mag puyat sinisi mo pa si Alex sa pag ka late mo" sabi ko sakanya, agad naman niya kong tiningnan na para bang gumawa ako ng malaking kasalanan sakanya.
"Hala siya sige kampihan mo si kuya!" May pag tatampo na sabi niya at natawa naman ako sa itsura niya. Nakahawak pa siya sa dibdib niya at pinan didilatan ako ng mata. Galit na galit ka Ghorl.
Binilisan na rin namin ang lakad at saktong 7am ay nasa loob na kami ng school namin. Agad kaming umakyat sa floor namin at kumuha ng gamit sa locker.
"Aya bilisan mo aba ma llate nanaman tayo kay Ma'am Valencia! May galit pa naman yung sa grades ko!" Reklamo ni anya kaya naman binilisan ko na rin at nag lakad sa room namin.
Saktong pag pasok namin sa room ay kasunod lang din namin si Maam Valencia kaya agad naman naming itinago ang mga gamit namin at binati si maam.
"Good morning class!"
"Goooddd MorrniIingg maaaaaam Valenciaaa" bati namin.
"Kay aga aga para kayong mga zombie! Siya siya mag si upo!" Agad naman kaming nag si upuan. Nag labas na kami ng mga libro at saka nag patuloy sa pag llesson.
~Lunch break~
"Sabi ko na eh! Sabi ko na talaga!" Nag rereklamo na sabi ni Anya. Lagi naman to nag rereklamo tsk.
Napa irap nalang ako sa hangin habang nakikinig sa nirereklamo niya.
"Sabi ko na nga ba! Letter C ang sagot eh! Aya naman kasi bakit mali pinakopya mo sakin!" Naka kunot pa ang noo na sabi niya sakin.
"Wala naman ako sinabi na tama sagot ko ah! Kopya ka kasi ng kopya!" Natatawang abi ko sakanya habang nag babalik ng gamit sa locker.
"Basta! May pakiramdam na ko e!" Nag liligpit din na sabi niya. "San pala tayo kakain?" Tanong niya habang naka sandal sa locker na katabi ng akin.
"Diba wala nang sunod na classes? Punta tayo sa mall dun tayo kain tas tambay after. Sama din kaya natin sila Nina?" Sagot ko sakanya habang inaayos ang strap ng bag ko. Nasa tapat na kami ng office ng biglang may nakabangga sakin! Napapikit ako at inabangan ang pag bagsak ko pero may naramdaman akong humawak sa braso ko kaya napahawak din ako sa braso niya.
Dahan dahan akong dumilat at napatulala sa nakita ko.
Ang gwapo! is this a sign?!
Napaka gandang lalaki nito! Nakatayo siya sa harapan ko habang nakahawak sa braso ko, ang posisyon ko naman ay yung parang mahuhulog pero dahil nakakapit ako sakanya, yung kaliwang braso ko lang ang nadikit sa sahig. Nahulog din ang shoulder bag na hawak ko kanina.
"Are you okay? Im sorry i didn't see you eh" sabi niya sabay ng pag hatak niya sakin patayo na siyang naging dahilan para mapalapit ang mukha ko sa kanya.
Kung araw araw akong may makakasalubong na gwapo sa school aba dito nalang ko titira!
Nag kalapit ang mukha namin pero nakayuko siya sakin at ako naman ay nakatingala dahil sa tangkad niya.
Natulala ako ako mukha niya.
Matangos na ilong, moreno, manipis na labi, makapal na kilay at pilik mata pero ang pinaka nangibabaw sa lahat ay ang mata niya... kulay brown ito na may ginto? Ang ganda ng mata niya.
"AYA! OKAY KA LANG BA?!" nangingibabaw ang boses ni Anya sa ingay ng hallway.
"O-oo, p-pasensya na" dahan dahan akong lumayo sakanya at pinulot na ang mga gamit ko na nahulog mula sa bag ko.
Pupulutin ko na sana ang pouch ko ng meron ding kamay ng pumulot nito, dahilan para mag ka dikit ang kamay namin. Napatingin ako sakanya at nakita ko nanaman siya.
Sabay kaming tumayo habang hawak padin ang pouch.
"I'm Aaron" sabi niya habang nakangiti. "A-ako si-" naputol ang sasabihin ko ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Senaya!" Napalingon ako sa likod ko at andun na nga si Alex na nakikiraan sa gitna ng mga tao na nakiki osyoso sa nangyayari.
"A-alex, may klase ka pa diba?" Pinag masdan ko ang suot niya. Naka black na slacks siya at white polo shirt with school ID. Maayos din ang pag kakaayos ng buhok niya, malinis tingnan.
"Inutusan ako ng Prof. Mendez na sunduin yung bisita niya" napalingon siya sa likod ko kaya pati ako ay napalingon din ako kay Aaron.
Ngumiti siya kay Alex at nilahad ang kamay niya "I believe you're looking for me, Aaron Velasquez" pag papakilala niya, nakipag kamay naman sakanya si Alex.
"Im Alex Marquez, please follow me" tiningnan muna ako ni Alex bago siya tumalikod at nanguna sa pag lalakad, nag si gilid naman ang mga estudyante na nakatambay sa hallway.
Nginitian ako ni Aaron at iniabot ang pouch ko. "Nice to meet you, Miss Senaya. Hope to see you again soon" tinanguan ko na lamang siya at sinundan siya ng tingin hanggang sa umakyat sila ni Alex sa sunod na floor.
Inlove na ata ako.
--------------

BINABASA MO ANG
His Wings
FantasiIf you were to meet with someone with wings, how would you react? Would you be scared? Shocked? Or.... Attracted to it?