PART 7

85 2 0
                                    

" babae? " Napamulagat ako ng biglang magsalita si dad sa likod ko.

Nakita ko ang malawak na pagkakangiti nito na talagang nakakapagpa irita sakin. Ayoko kasi kapag si dad ang nangangantyaw sakin.

"phhhhhssss" sabi ko na lang para makita nito na naiirita ako sa tingin at ngiti nyang iyon.

Tumikhim ito saka sumiryoso. Hays salamat naman.

" Kamusta ang pagtatrabaho? " sabi nito at dahan dahang umupo sa tabi ko.

"Ayos naman." malamig na tugon ko dito.

" kailan ka naman babalik sa kumpanya? ijo, hindi habang buhay hahayaan kitang makipagsiksikan sa ibang kumpanya gayong may sarili kang kumpanya. Ikaw na lang ang hinihintay ng ng mga pinsan mo. "  sabi nito habang nakatingin sa malayo. Ewan ko ba.. Napakalaki ng insecurities ko sa sarili ko. Pakiramdam ko, ako ang sisira ng lahat ng pinaghirapan ng pamilya namin kapag ako ang humawak nito. Ang kumpanyang pinaggugulan ng panahon, oras at grabeng atensyon ni dad.

" Sorry dad... Hindi pa talaga ako handa. And besides nandun naman sila claro at clarisse. Mas nagagampanan nila ng maayos ang pagpapatakbo ng GALVEZ INTERNATIONAL HOTELS AND RESORT INC." seryosong sabi ko.

Napahinga ng malalim si dad. Nararamdaman na siguro nito na magtatalo nanaman kami sa ganitong bagay.

" zion, Ang mga pinsan mo ay parte lamang ng kumpanya. Nandoon sila para alalayan ka. Ikaw ang nakatakdang maging susunod  na president ng GIHAR INC. Ikaw ang nag iisang anak ko at tagapag mana ng mga maiiwan ko. Huwag mo akong bibiguin ijo." sabi nito at saka tumayo. " Huwag kang mangamba. Kaya mong ilagay ang kahat sa mga palad mo anak. Hindi masasayang ang lahat ng pagod ko kapag ikaw ang pumalit sa posisyong aalisan ko." ngumiti na ito at saka tinapik tapik ang balikat ko bago tuluyang umalis. May naramdaman akong lungkot sa mga iniwang salita sakin nito.Iwinaksi ko naman ang mga damdaming iyon. tumayo na rin ako at saka nagmadaling umalis na sa mansyon..

Mabilis kong binagtas ang kalsada pauwi sa bahay ko.
Pagkadating na pagkadating sa loob ng kwarto ay agad kong naamoy ang mabangong samyo na naroroon.
napapikit ako at inenjoy ang halimuyak na naiwan doon. Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng lungkot na wala akong mayakap na katawan. Ang bango bango ni alexis. Nakakawala sa sarili ang hatid nito saakin.
Napailing na lamang ako sa sariling isipin. Wala ako sa mood magsarili ngayon kahit nararamdaman ko ang kakaibang init na nabubuo sakin. Pumasok ako agad sa  banyo at nagtanggal ng init sa bathtub. Matagal tagal bago bumalik sa normal ng aking pakiramdam kaya naman nag shower na ako.

Lumabas na ako ng banyo.
Dala dala ang isang bote ng brandy at nagtungo sa terrace para makapag relax.

Napaka simple ng pangarap kong buhay. Hindi ko kailangan ng bahay na kasing laki ng mansyon na meron kami. Hindi ko rin gustong hawakan ang kompanyang napaka laki.
Mas gusto kong maging impleyado lang. Kumita ng sapat lang.

Lumagok ako ng tatlong lagok ng alak na nasa baso ko. At ayoko ng babae sa buhay ko. Wala akong tiwala sa kanila dahil sa ginawa na rin ni mom-... ni anita kay dad. Dahil sa kanya kaya wala akong kinagisnan na masayang pamilya!
Kinasusuklam ko siya at ang pamilyang binuo nya para lang balewalain kaming tunay niyang pamilya!
Dahil sa pagbabalik ng galit saakin naubos ko ng mabilis ang isang bote ng alak na iyon. Dahilan para malasing ako ng husto at makatulog kaagad.

Nagising ako ng 5:15 Am ng umaga. Sapo Sapo ang ulo at lulugo lugong nagtungo sa banyo ang nagtanggal ng matinding hang over.

6:28 Am ng ganap akong makapaghanda. Mag dadrive thru na lang ako sa higanteng bubuyog para makapagkape. masakit parin ang ulo ko pero hindi na kagaya kanina.

Nadala ko ang negative vibe sa trabahong pinapasukan ko. hindi ako naging aware sa itsura ko ng umagang iyon. Tila ba lahat ng makakasalubong ko ay agad hahawi at kita ang pagkakaba sa mga itsura nito. Dahil alam kong wala ako sa mood dahil sa hang over ko ay diretso ako sa lamesa ko para magsimulang magtrabaho kahit maaga pa.
Hindi ko pinansin ang mahihinang bulungan sa paligid. kumalma lang ang sakit ng ulo ko ng biglang pumasok sa ilong ko ang pamilyar na amoy. ang bango...Hindi nga ako nagkakamali dahil si alexis ay nasa tabi ko na ngayon. Pinagmamasdan ako nito ng mata sa mata. Nakita ko sa ekspresyon nito na tila kinabahan ng bahagya saka nagsalita.
" annex? may problema kaba? bakit parang ibang tao ka ngayon." sabi nito sa mahinang tinig. hina na sapat lang para maintindihan ko. " anong ibig mong sabihin? " sabi ko. normal lang naman iyon pero lalong nakapaglagay ng tensyon sa mga mata ng babaeng nasa harapan ko ngayon. " Iba ka talaga ngayon.. Hindi naman ganyan ang annex na nakasama ko ng mga nagdaang araw.. " mas mahinang tinig na sabi nito. agad akong napatayo at dali daling nagpunta sa restroom. Parang gusto kong mainis sa sarili ko.
kaya pala iniilagan ako ng mga nakakasalubong ko dahil lumabas ang pagiging zion ko. Marahil siguro nakatulog akong grabe ang galit na nararamdaman ko.Maninibago talaga ang mga tao sa paligid ko ngayon lalo na't Iba ang pagkataong kilala nila bilang annex. Magiliw ang annex na nakilala ng mga ito samantalang ang tunay na ako ay may kakaibang ugali dahil sa malamig na pakikitungo,pananalita at walang inaatrasan na totoong pagkatao na nakatago lang sa loob ko.Inayos ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at saka pilit na ibinalik ang sigla ko.

Pagkabalik ko ay wala na si alexis sa lamesa ko. Marahil ay nagtatrabaho na.

Nag umpisa na rin ako magtrabaho. At pilit na iwinaksi ang poot na dala dala ko.

Mabilis natapos ang araw na iyon. Nagtungo muna ako sa rest room para magbawas ng tubig sa katawan. Pagkalabas ko ay agad bumungad sakin ang mabangong samyo-

"Kamusta ka na? Masama yata gising mo ah?" si alexis.

"Ah.. hehe oo nga eh. Pasensya kana kanina" kakamot kamot ko sa ulo ko. Napapaisip tuloy ako bakit kailangan kong magpaliwanag dito, eh hindi ko naman iyon gawain at hindi ko iyon ginagawa.

"Ganoon ba? pauwi kana? may alam akong lugar para mawala yang badvibes mo. game? this time treat ko naman. sakin kana sumakay" ani niya at kumindat pa. parang gusto ko yun ah? yung sakyan siya.

"sige" maikling tugon ko sa kanya.

************#######***********

A/N : May POV din po ako kay alexis abang abang lang 😅
Busy kasi ako sa iba pang story
medyo mahirap gumawa ng spg lalo na't yung source ko ng spg sa xxx lang galing😂😂😂🤣😅

SO INTO YOU (ON GOING)Where stories live. Discover now