PART 13

28 2 0
                                    

UMABOT  sa labing siyam
na oras ang naging byahe
nila ni annex.

Madaling araw na ng marating
nila ang malaking bahay nito
Namangha siya sa laki niyon.

Halata na ni alexis ang pagod
sa mga mata ni annex kaya naman ng makarating sila
sa bahay nito na mala mansiyon
ay hinayaan na niya itong magpahinga.

Katapat lang ng silid na tutulugan
niya ang silid na kinaroroonan ngayon ni annex.

Nagpaikot ikot si alexis sa silid na tila higit pa sa doble ng laki
ng kanyang silid.

Hindi rin basta basta ang mga gamit na nakapalibot sa buong bahay kahit hindi niya pa naman nalilibot ang kabuuhan niyon.
alam niyang mamahalin dahil sa itsura ng mga iyon.

May nakita siyang malaking
painting ng may katikisang lalaki
sa pagpasok pa lamang nila kanina sa malaking pinto.
Siguro'y iyon ang kanyang ama
at yung mag asawang may edad naman iyon ay ang kanyang lolo at lola. Halata naman kahit hindi niya itanong dahil hindi nalalayo ang itsura ng mga ito sa itsura ni annex.

Pero bakit hindi niya napansin ang larawan ng ina nito?
Ah siguro'y hindi niya lamang talaga napansin iyon.

Malamang naman kasi na maganda rin ito dahil sa gwapo nga si annex at magmamana ito sa kanyang mama at papa syempre.

Nasa malalim na isipin si alexis
mapaiktad siya ng may marinig
na katok sa labas ng silid na
kinaroroonan niya ngayon.

"a-ah s-sino iyan?" Tanong niya habang papalapit sa pinto para
pagbuksan kung sino man iyon.

"Sorry, Nagising ba kita?" bumungad sa kanya ang hapong
itsura ni annex at tila antok na antok na.

"Ay hindi naman..Akala ko tulog kana? Magpahinga kana ann--" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bigla itong pumasok sa silid at binuhat siya.

Sa gulat ay napatili siya dahil hindi naman niya inaasahan ang
ginawa nitong pagbuhat sa kanya.

"I want to sleep here, beside you"
iyon lamang ang sinabi nito ng ibaba siya sa kama at tumabi ito sa kanya.

Magpoprotesta pa sana siya
ngunit napansin na niya na nakapikit na ito at lumalalim na
ang paghinga, Tanda na nakatulog na agad ito.

Napakurap kurap na lamang
siya ng mapagtanto ang pwesto nilang dalawa .

Magkaharap at nakayapos ito sa kanya. Langhap langhap niya rin
ang mabangong hininga nito na
tila inaakit siyang dampian ng halik ang ilong na matangos ng kaharap.

TUG-TUG..

ito nanaman yung pakiramdam na hindi niya maintindihan.
Natetense siya ng wala namang dahilan. Naiisip niya tuloy na baka may sakit na siya sa puso dahil lately nagiging abnormal ito na hindi naman nangyayari sa kanya dati.

Minabuti na lamang ni alexis na
pumikit. Kahit puro tulog siya sa biyahe napagod parin siya at ito ang tamang oras para bawiin niya ang pahinga na kailangan niya.

NAALIMPUNGTAN si alexis ng
may kumatok sa labas ng silid.
Unti-unting nag mulat siya ng
mata.

SO INTO YOU (ON GOING)Where stories live. Discover now