PART 14

26 2 0
                                    

Kasalukuyan kaming naghuhugas ni nanay belen ng mga pinagkainan ng maisipan kong magtanong.

"Nay, Sobrang close niyo po kay annex no? Bakit ho hindi na lamang kayo sumama sa kanila
pa maynila?" May pagka mausisa din ako eh no?

"Mahabang kwento iha. Gustuhin man namin na saman si zion doon, Hindi naman pupwede na palagi kaming nasa likod niya.
Ayaw ng daddy niya na ganoon siya. Kaya isinama siya sa siyudad." Malungkot na sabi nito.

" Napaka lungkot ng buhay niyang batang iyan alexis. Ngayon ko lamang nakitang nagka interes iyan sa ibang tao. Lalo na sa isang babae" Pabulong lamang na sinabi iyon sakin ni nanay belen pero sapat upang marinig ko ng klaro. Lumingon ako sa gawi nila annex mukhang namiss talaga nito ang tatay fidel niya.

"Ano po bang meron kay annex.
Mukha naman siyang normal.
Pero bakit parang ang misteryoso niya. Iba ang nakilala kong annex sa zion na sinasabi niyo" Naguluhan na kasi ako. Hindi
ko na maiwasan na maging usisera. May mga bagay kasi talaga na gusto kong malaman
tungkol kay annex. Gusto ko siyang hanapan ng butas, Yung alam kong hindi ako makokonsensya na masaktan ko siya.

"Hay nako iha. Basta.. si zion yung klase ng bata na hindi naranasang maging masaya. Hindi niya naranasan na maging normal siya.
Wag ka na lamang maingay ha.
Baka magalit saakin. Basta ayaw niya sa mga babae. Kaya nga nakakagulat na may kasama siyang magandang babae dito eh. Akala ko talaga nobya kana niya.
Akala ko magiging masaya na siya sa dami ng sakit na pinagdaanan niya noong bata pa siya." Iyon lamang ang sinabi nito at nagpaalam na saakin.

Napapaisip ako sa mga sinabi ni nanay belen. Hindi ako makapaniwala. ginugoodtime yata ako ni nanay eh. Pero mukha namang seryoso yung sinasabi niya.

Mas kailangan kong kilalanin
si annex. Hindi ko alam pero may nag uutos sa akin na gawan iyon.

"NAKATULOG kaba ng maayos? tanong ni annex. kasalukuyang naka upo kami sa bench na napapalibutan ng ng iba't ibang bulaklak. Ang ganda naman ng mga iyon. Halatang alagang alaga.

"Oo naman. Nakakarelax pala dito sa inyo. Ang swerte mo naman.
Dito ka ipinanganak tapos may nanay belen at tatay fidel kapa." naiinggit kong sabi sa kanya.

Nakakainggit talaga. Kasi kami
hindi ganon kaalwan noon ang buhay. Naranasan namin ni kuya ang hirap ng buhay kaya nga sinikap nila mama at papa na
magpakakuba para makapag aral kami ng maayos eh. Pero sabay silang nawala dahil sa car accident. Kakaisangbtaon pa lamang ng kambal noon. Simula ng araw na iyon kami na lamang ni kuya ang nag asikaso sa dalawang bata. At nung nagkatrabaho si kuya nagsimula na rin kaming umangat kahit papaano. Hindi naranasan ng kambal ang naranasan namin ni kuya. Nakakalungkot lang dahil
kailangan naming magkalayo
layong magkakapatid.

" Hindi ka sigurado diyan." Seryosong tugon sakin ni annex.

Napatingin ako sa kanya. Tila hinahanap sa mga mata nito ang sagot na gusto kong malaman sa kanya.

"Hindi ako kasing swerte ng inaakala mo alexis. Mas gugustuhin ko pa nga siguro kung totoong naging anak na lang ako ni nanay belen at tatay fidel eh" sabi niya. Naramdaman ko anh bigat sa mga salitang iyon.

Tumayo bigla si annex
" Wag na nga natin pag usapan iyan. Nandito tayo para magrelax.  Bukas pupunta tayo sa mayon. mga ttalong oras ang byahe magmula dito pero maganda iyon. tiyak na magugustuhan mo din don." Sabi nito saka hinila ang kamay ko papasok muli sa bahay.

Namalayan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa kama nito habang siya ay nakaupo sa tapat ng piano. malapit lang din naman iyon sa kama mismo kaya kitang kita ko ang mukha nito mula sa kinauupuan ko.

Sinimulan niyang pindutin iyon
Marunong pala siya mag piano.

Pagtipa pa lamang ay agad
kong nalaman ang tinutugtog
nito. Hindi ko namalayan na sinasabayan ko na pala iyon..




Can I call you baby?
Can you be my friend?
Can you be my lover up until the very end?
Let me show you love, oh, no pretend
Stick by my side even when the world is caving in (yeah)

Oh, oh, oh, don't
Don't you worry
I'll be there, whenever you want me

I need somebody who can love me at my worst
Know I'm not perfect but I hope you see my worth
'Cause it's only you, nobody new, I put you first
And for you, girl, I swear I'd do the worst

Ooh, ooh-ooh
Ooh, ooh, ooh, ooh-ooh-ooh

If you stay forever, let me hold your hand
I can fill those places in your heart no else can
Let me show you love, oh, not pretend (yeah)
I'll be right here, baby, you know it's sink or swim

Oh, oh, oh, don't
Don't you worry
I'll be there, whenever you want me

I need somebody who can love me
at my worst
Know I'm not perfect but I hope you see my worth
'Cause it's only you, nobody new, I put you first
And for you, girl, I swear I'd do the worst


Napaka gandang kanta.
Nakatingin lang ako kay
annext the whole time
na tumutugtog siya.
Binabasa ang emosyon na
nakapaloob sa mga mata nito.

Pero wala.. wala akong mabasa
sa mga iyon. Ganon kaba talaga
ka misteryoso? Lalo akong
napapaisip sayo annex galvez.

" You have a wonderful voice alexis. Parang kahit simpleng kanta lang nabibigyang buhay
ng boses mo." komento nito.

Nakatingin siya ngayon sa mga
mata ko na sa pakiramdam ko
ay pinapasok din ng tingin na iyon ang pagkatao ko.

Wala sa sariling dumukwang
ako papalapit sa mga labi ni annex.

"TUG-TUG"
"TUG-TUG"


N/ ITO YUNG KANTA 😍
TITLE: AT MY WORST
COVER : GAIL LABASAN 😍

Pakinggan nyo po para mas dama 😉

SO INTO YOU (ON GOING)Where stories live. Discover now