Chapter 13

31 1 0
                                    

Ivan's POV

Saturday ngayon.Mabuti nalang at nakalabas na si Brook sa hospital. Ganito naman palagi eh. Kapag sinusugod siya kadalasan hindi tumatagal ng apat na araw.

Tatlong araw lang siya sa hospital dahil na rin sa kailangan daw muna niya ng pahinga at lalo na dahil napakarami niyang pasa.

Nung tinanong ko siya ang sabi niya na disgrasya lang daw siya sa motor. Pero bakit pasa lang? Bakit walang galos o sugat?

Isa pang ipinagtataka ko ay kung sinong poncio pilato ang nag dala sa kanya sa hospital. Bwisit. Ilang araw ko nang pinagiisipan iyon eh!

"Huy, pare lutang ata tayo ngayon ah?" tawag sakin ni Vince. Team mate ko sa basket ball. Nagpapractice kami ngayon para sa university meet.

Umiling nalang ako bilang sagot. Kasalukuyan kasi kami ngayon naglalaro.

Nakaka banas talaga! Sino bang lintik na lalaki ang nagdala kay Brook sa hospital?! Dapat ako yun eh! Ako dapat ang Hero niya! Ako ang guardian angel niya! Pero amp*ta! Bakit wala ako sa panahong kinailangan niya ko.

"Ivan pare! Kanina ka pa tulala? May problema ba?" nilapitan na ako ni Denzel. Nakatayo lang kasi ako sa court habang yung mga kasamahan ko naglalaro na kanina pa.

"Wala pare" sagot ko lang. Nag patime-out muna ako kay coach at naupo sa bench. Di naman siya umangal. Syempre! Sibakin ko siya mamaya eh!

Sumunod pala sakin si Denzel kaya naupo rin siya sa tabi ko.

"Pare, halata ka na eh. Ang lalim ng iniisip mo kanina pa. C'mon tell me. Ano ba iyon at baka sakaling may maitulong ako sa iyo" 

" Naadmit nanaman si Brook sa hospital "

" Nakalabas na ba siya?  " i can see in his face na mukha talaga siyang nag-aalala.

" Oo kanina lang umaga "

"Mabuti naman kung ganoon. Dapat kasi di siya nagpapagod lalo na't may sakit siya sa puso"

"Oo nga- Teka! Paano mo nalaman na may sakit siya sa puso? Di ko naman sina-" and then it hit me.

Noong time na lumabas si Brook sa classroom,nagpaalam din si Denzel na mag c-cr lang daw siya. Di kaya sinundan niya si Brook?

Yung araw na iyon ay naka black t-shirt din siya just like the nurses at the hospital described. Tapos matangkad? Gwapo?

Hindi kaya? No wait. I should not jump into conclusions. At saka why would he even follow Brook? They merely even talk! Di sila close!

"pare? Bakit?" pag tawag ni Denzel ng atensyon ko.

"Paano mo nalaman na may sakit si Brook sa puso?"

"Ka-" bago pa siya makasagot, tinawag na kami ni coach para mag practice na ulit.

Di na niya nasagot ang tanong ko dahil naglaro na siya kasama ang iba kong ka team.

Si Denzel kaya ang nagdala kay Brook sa ospital? Pero bakit? Saka di lang naman siya siguro ang lalaking matangkad, gwapo at naka black tshirt noong araw na iyon diba?

In fact, marami nga akong nakitang naka black noong araw na iyon. Ewan ba? Color of the day ata ng mga studyante?

Pero who would actually do that? Isa pa, walang kaibigan si Brook no othe than me. Kahit na sabihing concern lang eh kilala si Brook sa pagiging Snob at walang pake sa iba. And that's one of the reasons why she doesnt have a friend except me.

But who the hell brought Brook to the hospital?! Arrrggghhh! Nakaka sakit na sa ulo ang pag-iisip!

Ms.Rebel meets Mr.Nice GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon