Chapter 11

41 3 5
                                    

Brook's POV

"There are 3 kinds of fart class

First is Silent but deadly

Second is Loud and proud

And lastly, Wet and wild" eto nanaman  ang isa sa prof ko. Joke siya nang joke ang corny naman. It didn't even made me laugh,not a bit.

"HAHAHAHAHA!"  tapos yung mga corny ko rin na classmates, nakitawa rin naman. Tsk. One thing i am sure about my prof, He's an attention seeker -______-

"pst, huy! Ang seryoso mo diyan? Tawa ka rin pag may time ha? Uso yun!" kalabit sakin ni Ivan.

Paano naman kasi eh ako lang ang hindi natawa sa joke ng prof namin :3 Sorry siya coz i dont find any of his jokes funny.

"pake mo? Eh hindi ako natawa. Ano gusto mo gawin ko? Mag fake ng tawa?"

" Hmmm.. Maybe?"

"Aha-aha-aha" i fakely laugh with a poker face. Kahit kailan naman di ko trip tumawa. Bakit? Kailan pa ba niya ako nakitang tumawa? Never. I stopped doing things I usually do 10 years ago.

"maybe you could do it more lively next time"

Tch. Ano ba kasing nakakatawa diyan sa prof namin? I dont see any humor on his jokes. Kahit katiting lang di talaga ako natatawa sa kanya.

Di ko na ma take ang ka kornihan ng prof namin kaya lalabas nalang ako. Ayokong mamatay sa kakornihan niya. I dont want it to be the reason of my death.

Dahil wala naman akong pakialam sa prof namin ay dire-diretso akong tumayo dala ang bag ko at naglakad papunta sa pinto. And when i was about to step outside our prof asked me.

"At saan ka pupunta Ms.Foster? Di pa tapos ang klase ko!"

" Lalayas.Ayoko kasing mamatay nang dahil sa kakornihan mo "

And that caught our prof off guard. Edi natameme siya? Tsk. Mabuti na yun para naman manahimik na siya at tigilan na niya ang kakajoke pag klase niya samin.

"Now that's a joke!" rinig ko pang sigaw ng isa sa kaklase ko sabay tawa ng iba. Pahiya ka ngayon,ano prof?

Naglakad-lakad lang ako sa campus. Pang palipas ng oras. 3 hours pa naman ang klase ng korni kong prof samin. Tapos kaka simula pa lang niya. Matagal-tagal din akong maghihintay nito ah? What to do?

Butasin ang gulong ng mga sasakyan sa parking lot? Nahh. Done that last week.

Basagin ang mga gamit sa science lab? Yoko na. Nakakasawa eh. Nung isang araw ko lang ginawa yun. Pero grabe ha? Napalitan agad nila lahat yun? Yaman talaga ng school na to!

Ah yes! Lagyan ng food coloring ang swimming pool! Masaya yun!  May practice pa naman mamaya ang mga athlete para sa University Meet.

Ano kayang ilalagay kong color? Blue kaya? Para magmukha silang avatar! Yung parang aliens ba yun?

Sige yun nalang.

Nagpunta ako sa parang bilihan ng kung anu-ano dito sa school. Buti na nga lang may food coloring na binebenta rito. Minsan kasi ginagamit ng students ito para sa mga experiments.

Bumili nga ako ng maraming-marami. Nagtaka pa yung nagbebenta buti nalang at di nalang nagtanong.

Naglakad na ako papunta sa swimming pool ng school. May kalakihan din ito kaya marami-raming food coloring ang binili ko.

I don't mind wasting my money on useless things. I earn my own money anyway. Pero secret ko nalang yun kung paano ako kumikita ng pera.

I started pouring the food coloring sa pool. Kinuha ko yung parang stick na pang linis ng pool. Yung parang pang kuha ng mga dahon or anything. Ginamit ko iyon para haluin ang tubig sa pool. Buti na nga lang at blue rin ang tiles ng swimming pool at hindi mahahalata na may food coloring.

Nang mahalo ko na mabuti ang tubig ay ibinalik ko na yung parang stick kung saan ko ito kinuha.

Aalis na ko bago pa dumating ang mga swimmers. Malamang ilang araw silang kulay blue.

Naglakad-lakad na ulit ako sa campus. May nakikita rin akong students na walang klase. Maybe vaccant or break time nila siguro. Di naman pare-pareho ang schedule rito eh.

Dahil di ko feel makisalamuha sa kanila ay nagpunta nalang ako sa hiningi kong  bakanteng classroom sa ninong ni Ivan. Di na rin naman daw nagagamit kaya okay lang . Hindi ito alam ni Ivan dahil di ko sinabi sa kanya.

Nilapag ko ang bag ko sa sahig at nagsimulang magpatug-tog. Pumwesto ako sa harap ng malaking salamin dito. I started dancing and dancing.

Puro salamin lang  ang dingding dito. Ako nagpalagay niyan dito sa room. Pinaayos ko talaga to para dito nalang ako tatambay pag mag cu-cut ako. Di na kasi ako makatakas sa gate or makaakyat sa ding-ding ng school dahil bantay sarado ako ng mga guards. Pinababantayan ako ni Ivan para raw di na ako mag puntang bar kag may pasok kami.

Bukod sa salamin ay pinaayos ko rin ang sahig ng room na to. Pinalagyan ko na rin ng aircon para di mainit. Pinapinturahan ko ulit sa color na gusto ko. Pero ang labas ng room ay hindi ko pinaayos. Para magmukha siyang abandonado at wala nang magpunta pa talaga. Pero sa kasamaang palad, abot langit ata ang curiousity ni Denzel at nagpunta pa talaga siya rito.

Sumayaw lang ako ng sumayaw. Alam kong hindi ako dapat masyadong nagpapagod dahil baka atakihin ako ng sakit sa puso but i dont care. Kaya ko namang magbayad sa hospital kahit ilang beses pa akong maadmit. 

Pinipilit ako ni Ivan na magpa opera pero ayaw ko. Saka nalang, kapag malala na.

Sumayaw lang ako ng sumayaw. Namiss ko to! Sobra! It's been a long time since i last danced. Nakakaramdam na ako ng pagod pero binaliwala ko lang .

Lumalalim na rin ang paghinga ko pero di parin ako tumitigil. Until i felt a pain in my chest. That made me stop. Napahawak ako sa dibdib ko . Unti-unti na rin lumalabo ang paningin ko hanggang sa napaluhod na ako.

I tried to catch ny breath and keep myself calm but its too late. I'm already having a heart attack. Di nagtagal ay tuluyan nang nandilim ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko nalang ang sarili kong napahiga.

Eto na nga ba sinasabi ko eh. Tsk. Kakasabi ko lang tungkol sa sakit ko,umayon naman ang tadhana at inatake ako.

Not another heart attack. Not again.
Mananaginip nanaman ako nito eh.

Hinayaan ko nalang ang sarili kong himatayin. Paano na kayo ako neto? May klase pa sila Ivan at hindi niya rin alam ang lugar na to. Dito na ba ako mamamatay? Is this the end of my journey? Di pa ko nakaka hingi ng patawad sa diyos! But I guess i'll rot in hell forever...

Ms.Rebel meets Mr.Nice GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon