Beleza
Halos liparin ko na ang daan patungo sa building ng VS. Paano ba naman kasi, naparami ang nainom ko kagabi. Kaya naman hindi tuloy ako nagising nang maaga.
Napatingin ako sa aking wristwatch at halos mapa-iyak ako nang malamang 7:54 na pala. Ipagtitimpla ko pa ng kape si Sir Buendavid. Tinignan ko ang aking repleksiyon sa wall ng elevator. Inayos ko ang aking buhok dahil medyo nagulo ito. Hindi na kasi ako nakapag-ayos kanina dahil sa pagmamadali. Maging ang paglagay ng kaunting lipstick ay hindi ko na nagawa.
Nang bumukas na ang elevator ay mabilis akong lumabas at diretsong tinungo ang opisina ni Sir Buendavid. Nadaanan ko pa si Secretary Alexa na abala sa kanyang desktop pero hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin.
"You're 1 hour and 5 minutes late, Ms. Quirino." Napapikit ako nang boses agad ni Sir Buendavid ang sumalubong sa aking pagpasok.
"I'm s-sorry, sir. This will never happen again."
"Tsk. Ano pang tinatayu-tayo mo diyan? Ipagtimpla mo na ako ng kape."
Napatango lang ako at agad na tinungo ang pantry ng opisina niya. Kompleto na kasi rito ang mga basic na kagamitan. Mabuti na rin lang ay natutunan kong kalikutin ang coffeemaker dito kahit medyo high-tech ito. Napatigil ako saglit, at napangiti nang bahagya nang makita kong may stock na ng gatas. Kailan niya kaya ito ipinalagay dito? Hindi ko kasi napansin.
Nang matapos na ako ay marahan kong inilapag sa mesa ni Sir Buendavid ang kanyang kape. Mukhang hindi maayos ang gising niya ngayong umaga. Salubong ang kanyang kilay at lukot ang kanyang noo. Medyo magulo rin ang kanyang buhok at damit.
"Done checking how handsome I am this early in the morning?"
Napangiti ako sa kanya ng alanganin. Hindi ko inaakalang mahuhuli niya ako dahil abala siya ngayon sa pagbabasa ng dokumento. Inirapan niya lang ako at tuluyan nang sumipsip ng kape.
"Ayusin mo ang mga librong nakalagay sa shelf. Arrange them according to their sections."
"Yes, sir."
Agad kong sinunod ang kanyang utos. Tahimik akong pumunta sa wall-built na bookshelf na nasa likuran lang niya. Halos isang metro lang ang distansiya namin. Medyo malawak ito kaya maramirami rin ang mga librong nakalagay.
Masuri kong inalam ang bawat seksiyon upang hindi ako magkamali sa pag-arrange ng libro. Kadalasan sa mga aklat dito ay tungkol sa business at engineering. Hindi na ako nagtaka dahil licensed engineer naman si sir.
Isang libro ang nakuha ko na walang specific na title o kahit pagkakakilanlan man lang. Mukhang confidential ang laman nito kaya mas maigi sigurong itanong ko muna kay sir ang tungkol dito.
"Sir- - - "
"What the!? - -"
Dahil sa gulat ay nawalan ako ng balanse. Huli na nang mapigilan ko ang pangayayari.
Eksakto kasing paglingon ko sa kanya ay siyang pag-rotate niya naman ng swivel chair sa aking direksiyon at akmang tatayo na rin sana, pero kung minamalas nga naman, nagkabunggoan kami ng hindi inaasahan.
Napasinghap ako nang mapagtanto ko ang posisyon namin ngayon. Nakasandal ako ngayon kay Sir Buendavid habang naka-upo siya swivel chair. Sinalo niya ako bago pa ako tumama sa sahig.
"S-ir-"
Akmang aalis na sana ako pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Napatingin ako sa kanya nang diretso at doon ko pa lang nalaman na nakatitig na pala siya nang taimtim sa akin.
"Are you wearing a lipstick right now, Ms.Quirino?" Tanong niya sa akin ng hindi kumukurap.
Napakagat-labi ako.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast Boss : Bitter Sweet and Strange
Romance"Birds with broken wings still sing." Ms. Beleza Quirino becomes the personal assistant of the beast boss, CEO Buendavid Montefuerte Villasuarez IV. With so many disappointments and failure in life, Beleza became a bird with broken wings. And so, sh...