Chapter 29

562 25 1
                                    

(Warning: This chapter contains explicit themes. You must not read this if you're below 18.)

Beleza

Buendavid already told me their plan beforehand, but seeing how the actual plan went out earlier is another definition of thrill and excitement. Hanggang ngayon at nakikita ko pa rin ang dismayadong mukha ni Director Albert McCarter matapos maranasan ang kanyang pagkatalo.

I finally see the main reason why nobody can destroy the Villasuarez. It is because they have each other's back. Kung kakalabanin mo ang isang Villasuarez, makakaharap mo ang buong Villasuarez. It's like stepping a stone and facing a mountain afterwards.

"Kuya Leonard, pakibilisan naman ng kotse. Gusto ko ng makita si Davin," utos ni Maria Artemis na katabi ko ngayon sa backseat, agad namang sinunod ng driver. Muli niyang isinuot ang earphones niya at alam kong mga kanta ni Davin ang naka-play.

Sa mga lumipas na araw ay naging malapit ako sa kanya. I still remember that she was the one who happened to pick my ID when I first set foot on the Golden Zenith. At hindi ko inaasahan na ang tagpong iyon pala ang simula ng aming pagkakaibigan.

Maria Artemis is a unique woman. She possesses most of the qualities that I wish to have. She's strong, bold, and unbothered. She can speak her words with braveness.

Ilang minuto lang ay huminto na ang kotse sa harap ng magarang manor ng pamilyang Villasuarez. Lumabas na kami at pumasok sa loob. Kahit tatlong beses na akong nakapasok dito ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa ganda at gara ng paligid. Walang katulad.

Nadatnan namin si Davin na masayang nakikipaglaro kay Allerick. Agad itong niyakap ni Maria Artemis at kina-usap namana ang anak ko.

"Hindi ba siya naging makulit?" tanong ko kay Davin. Siya kasi ang nagpaiwan dito upang bantayan sina Allerick at Daine.

"Makulit pa rin, pero ayos lang dahil napaka-cute niya."

"Kailan ba kasi kayo magkaka-anak?" Napalingon kami sa nagsalita na si Buendavid. Kinarga niya si Allerick at hinalikan sa pisngi.

"I miss you, baby."

"Hoy, Buendavid! Huwag mo muna kaming i-pressure na magka-anak. Hindi pa ako ready, marami pa akong dapat gawin," singhal ni Maria Artemis.

Nasabi na rin sa akin ni Buendavid na minsan na siyang nagka-crush kay Maria Artemis. And I fully know why. She's beautiful in any sense, but she's also more than that. She's like a lady boss, the ideal woman for Bunedavid.

"Basta ninang ako, Maria Artemis." Napangisi ako sa kanya nang mamula siya.

"Marami pang taon ang bibilangin mo. And, I told you to drop the 'Maria', grrrr, you sound like my nagging dad."

Napatawa si Davin at hinila na si Artemis palayo. Nang kami na lang ang natira ay kinabig ako ni Buendavid at hinalikan sa labi.

"You know what? Kanina ko pa gustong sirain ang magandang dress na suot mo," diretso niyang mungkahe.

"Papa? Bakit niyo naman sisirain ang damit ni mama? Hindi mo ba nagustuhan? Mama is so beautiful in that red dress."

Nakalimutan ni Buendavid na karga niya pala ang batang may maraming tanong sa buhay.

"Tignan mo! Wala kasing preno ang dila mo." Kinurot ko si Buendavid pero napahalakhak lang siya.

"I'm sorry. What I mean is..." For the first time, Buendavid lost his reasoning skill.

"What do you mean, papa?"

"Hey, patulong naman sa pag-explain."

"Bahala ka." Napatawa ako at kinindatan si Allerick. "Huwag mong tantanan ang papa mo kung bakit ba kasi gusto niyang sirain ang suot ni mama."

Bitter Sweet and StrangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon