(Unedited. This is not a fantasy story.)
"Be, sama ka?"
Nilingon ko si Kyla.
"Saan?", nagtataka kong tanong.
Inirapan niya ako. "Duh. Edi sa Hibryd University.", sagot niya na parang obvious na obvious kahit wala naman akong alam kung anong meron dun.
"Anong gagawin natin don?", tanong ko.
Nanlaki ang mga mata niya. "Be! Hindi ka updated?!", nahiya ako dahil madaming estudyante dito sa canteen ang napalingon sa amin.
"Wag ka ngang sumigaw.", bulong ko sa kanya. Binalewala niya ang sinabi ko.
"May banda daw na darating sa Hibryd. And guess what?.....", tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti siya ng malawak. "Gwapo daw ang mga members!"
Kinunotan ko siya ng noo. "Gwapo lang?"
Diba dapat magaling rin sa musika, bakit gwapo lang?
"Of course, magaling rin sila magpa-tugtog.", ani niya na parang nabasa ang iniisip ko.
"Kailan naman yan?", tanong ko kahit hindi ako interesado.
"Bukas ng gabi" sagot niya.
"Puwede pumasok sa Hybrid kahit hindi estudyante roon?", takang tanong ko na tinanguan niya. "Okay, sasama na ako."
Ngumiti siya na parang miregaluhan siya ng bagay na gusto niya. "Yes!", niyakap niya ako na hindi ko na ikinagulat.
Clingy na siya dati pa.
Tumawa na lang ako.
Nandito na ako ngayon sa bahay at kumakain kasama ng pamilya ko.
"Violet, how's your day?", agad akong siniklaban ng kaba ng marinig ang tanong ni dad kay ate. Dito talaga ako natatakot. Sa part na tatanungin ka ng magulang mo kung kamusta ang araw mo. Wala naman akong problema sa pangangamusta ni dad. Ayaw ko lang na kinukimpara niya ang mga nangyari sa araw ni ate sa akin.
"Fine as always.", kapanteng sagot ni ate.
Bumaling naman sa akin si dad.
"Scarlet, how's your day?", tanong ni dad sa akin.
Huminga muna ako ng malalim.
"Good.", sagot ko.
Nagtaka ako ng hindi inalis ni dad ang tingin sa akin.
"Good?", mas lalong nadagdagan ang kaba ko nang mas nag seryoso ang mukha ni dad. "Then why Georgina told me that you didn't past the test?", kalmadong tanong niya.
Si tita Georgina ay kapatid ni dad na isa sa prof ko.
"But I have the highest score.", nakayukong sagot ko.
"But still, you didn't past the test. Bakit hindi ka gumaya sa ate mong laging pumapasa?", yan ang ayaw ko. Okay lang naman sa akin na pagalitan nila ako kaso ayaw ko na cinocompare ako sa iba.
"I'm always trying my best, dad.", sagot ko sa kanya.
Nagulat ako nang padabog na tumayo si dad. "Try harder.", ani niya at umalis na.
Lagi na lang ganito pero bakit hindi ako nasasanay?
Tiningnan ko si ate na hindi nag tatapon ng tingin sa akin na parang hangin lang ako. Pagkatapos niyang kumain ay tumayo na siya at umalis na din.
Half sister ko lang siya kay dad at galit na galit siya sa amin ni mommy dahil nasira ang pamilya nila dahil sa amin.
May humawak sa kamay ko at nang tingnan ko ito ay nakita ko ang nag aalalang mukha ni mommy.
BINABASA MO ANG
Carnation
Teen FictionSelene Scarlet Diore is a simple girl who admire a man from the band 'A-5' named Adrex Kian Veñor. Light red carnations represent admiration Start: September 15, 2020 End:____________________