Chapter 3

16 7 0
                                    

Biglang nalaglag ang kumot na nasa tabi ko dahil nadanggil ko ito kaya sinimot ko ito.

Kumunot ang noo ko nang makita ang nakasulat sa dulo nito.

AKV

Inisip ko agad kung ano ang meaning nito at nanlaki ang mata ko sa pumasok sa isip ko.

Adrex Kian Veñor!

Teka! Teka! Wag kang assuming selp.

Baka nagkataon lang.

Naalala ko tuloy yung kahapon.

In-accept na niya ako at napatalon ako dahil doon kaya sumakit uli ang paa ko.

Hindi ko siya ni-replyan at sineen lang ang message niya.

Bakit kaya ako ganito?

Hindi ako interesado sa music at musician o artist dati.

Crush ko noon ay basketball player na si Marky. Sa basketball player lang talaga ako interesado.

Naalala ko kung ano ano ang pinagagawa ko para lang mapansin niya ako.

Sinampal ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko.

Gosh! Nakakahiya!

Nag kunyari akong nadapa sa harap niya noon eh.

Kaso hindi niya ako tinulungan.

Nung umamin ako sa kanya na gusto ko siya ay binusted niya ako.

:-(

"Scarlet!", nagulat ako nang padabog na binuksan ni ate ang pintuan ng kwarto ko.

Galit na galit ang mukha niya.

"Ikaw nanaman ang may gawa nito!", itinaas niya ang damit niyang gupit gupit.

Yumuko na lang ako at hindi na nag salita.

"Perwisyo ka talaga!", sinampal niya ako.

Hinayaan ko siya sa pananakit sa an hanggang sa mag sawa siya.

Tingnan muna niya ako ng masama bago lumabas ng kwarto ko.

Hindi ako ang mag sira non. Sarili niya ang sumira sa damit niya.

May sakit si ate na multiple personality disorder simula nang mamatay ang mommy niya.

Nakita niya kung paano namatay ang mommy niya kaya natrauma siya.

That time ay may nang pasok sa bahay nila. Nakita niya kung paano pinahirapan ng mga lalaki doon ang nanay niya. Wala si daddy doon dahil kasama niya si mommy.

Hindi ko siya masisi kung bakit ganyan siya.

****

Kanina ko pa pinapanood si Kyla na kanina pa make up ng make up.

"Kanino ka ba nagpa paganda?", tanong ko sa kanya.

Itinigil niya ang pagme-make up. "Kay Gino malabs.", sagot niya at pinagpatuloy ang pagme-make up.

Ayon sa pangi-istalk ko kay Adrex kagabi. Si Gino ay isa member ng A-5.

"Pupunta raw sila dito.", dugtong niya.

Taka ko siyang tingnan. "Bakit?"

Inikutan niya ako ng mata. "Duh. Sila ang judges sa contest mamaya.", mataray na sagot niya sa akin.

"Contest?", wala naman akong narinig na contest ah.

"Ay oo nga pala, hindi ka nakinig kay mam. Hindi ko ito sinabi sa iyo noon dahil alam ko naman na hindi ka interesado sa music. May contest na pagalingan sa pag kanta at ang price ay 20 000 at libreng pa-picture sa A-5.", maarteng saad niya.

CarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon