Chapter 2

19 8 0
                                    

"Be, huy gising na!"

Naalimpungatan ako sa pagpitik ni Kyla sa noo ko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Inilibot ko ang tingin sa paligid.

Bakit nasa Hybrid pa rin kami?

Shit! nakatulog pala ako kagabi.

Tumayo na ako para makauwi na kami pero pagkatayo ko ay may nalaglag sa paa ko at nang tingnan ko ito ay...kumot?

Sinimot ko ito.

"Kanino ito?", takang tanong ko kay Kyla.

Tingnan naman ni Kyla ang hawak ko at kumunot din ang noo niya.

"Akala ko ay iyo yan.", sagot niya sa akin.

"Gaga ka. Sabay tayong dumating dito. Wala naman akong dalang kumot diba.", sabi ko sa kanya. "At tsaka bakit ngayon mo lang ako ginising at hindi kagabi?"

Kinamot niya ang batok niya. "Hehe, akala ko ay nakauwi ka na kagabi kaya umuwi na rin ako. Kanina ay tinawagan kita kaso hindi ka sumasagot kaya pumunta ako sa bahay niyo. Sabi ng mga maids don ay hindi ka pa raw dumadating kaya naisipan kong bumalik dito at yun na nga."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo man lang ako hinanap kagabi."

"Andami kayang tao dito.", katwiran niya. Inirapan ko na lang siya.

Tiningnan ko uli ang kumot.

Kanino kaya ito?

***

"Diana, answer number one.", utos ni ms. Sierra sa kaklase ko.

Tumayo naman si Diana at sinabi ang sagot.

Umupo na siya pagkatapos.

"Scarlet, answer number 2."

Tumayo ako at sumagot.

"Nickel and iron.", umupo ako pagkatapos.

Biglang umulan sa labas kaya napalingon ako dito.

Pinanood ko ang pagpatak ng mga tubig galing sa ulan.

Katabi ko ang bintana kaya malaya ko itong nahahawakan.

Pinag-race ko ang mga patak kung sino ang unang babagsak.

Nabo-boring ako sa lecture kaya kung ano ano ang pinaga gagawa ko.

Tumama ang mata ko sa isang grupo ng kalalakihan ang nagkakantahan sa labas.

Diba yon yung A-5? Bakit sila nandito?

Hinanap ko agad ang taong gusto kong makita.

Bumagsak ang balikat ko nang hindi ko siya nakita.

Saan kaya yon?

Nagulat ako nang tawagin ako bigla ni mam.

"Ms. Diore!"

Napatayo ako bigla kaya biglang tumama ang paa ko sa paa ng table.

"Ouch.", napayuko ako at hinawakan ang sapatos ko.

Narinig ko ang tawanan ng mga dimunyu kong kaklase.

Tinagkal ko ang sapatos ko at hinilot ko ang paa kong nakasuot ng medyas. Wala akong pakialam kung makita man nila ang ginawa ko. Hindi naman mabaho ang paa ko.

"Ms. Diore.", inangat ko ang tingin ko kay miss ng tawagin niya ako muli at nagulat ako nang makita kung sino ang lalaking katabi niya.

Pero mas nagulat ako nang makita ang lihim niyang tawa.

CarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon