(Dedicated to peyt_jade24 and MIKAYYYSPNT! Thank you for supporting!)
Napatigil ang lahat.
Nawala ang sigawan.
Paano ba naman sila hindi titigil eh naito nga ako at nakadapa sa mismong harap ng A-5?
Tulala akong nakatingin sa kanila.
Bahala na kung ano ang itsura ko.
Nasa gitna si Adrex at siya mismo ang nasa harap ko.
May tumikhim sa likod ni Adrex kaya ako natauhan. Si Ash ang tumikhim.
Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at nilahad ang kamay niya.
Napasinghap ang ibang babae sa nakita.
"Omaygi! Dapat ako na lang ang nadapa para mahawakan ko ang kamay ni Ash!"
"Sige! Itutulak kita!"
"Joke lang."
Hindi ko pinansin ang bulungan ng iba.
Ako?
Tutulongan niyang makatayo?
Tingnan ko lang siya.
Ngumuso ako nang makitang nakatingin lang si Adrex sa akin na para bang ako ang pinaka tangang tao sa mundo.
"Miss. Nangangalay na ako.", nagulat ako nang magsalita si Ash kaya dali dali kong hinawakan ang kamay niya para makatayo.
Naibigay ko ata lahat ng bigat ko sa kanya kaya pagkatapos kong tumayo ay hinilot niya ang braso niya.
"Ang bigat mo.", sabi niya.
Hindi ko siya pinansin at tiningnan ng masama si Adrex na hindi man lang ako tinulungan, eh siya yung malapit sa akin kanina! Dapat siya ang tumulong! Para mahawakan ko ang kamay niya!
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Tara na.", boses ng isang lalaki sa kaliwa ni Adrex na si Gino ang pumutol sa pagtitigan namin.
Sayang!
****
Sumisipsip ako ng chuckie habang nakatingin kay Kyla na kanina pa ako sinesermonan.
"Naku! Baka magka-haters ka dito sa school! Madami pa namang fans si Ash. Wag ka kasing clumsy!", sermon niya.
"Tumigil ka na nga. Nabibingi na ako.", sabi ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya nang may maalala ako. "Anong oras nga pala ang contest?", tanong ko sa kanya.
Umirap siya. "Nakalagay kaya yon sa papel na binibigay ni ateng manglilista ng pangalan.", mataray na sabi niya sa akin pero sumagot rin agad. "Mamayang 5:00 ang start."
"Huh? Diba madami ang sumali? Edi bukas ng madaling araw ang tapos?", tanong ko.
Umiling siya. "Mag tataas ng kamay ang leader nila na si Adrex pag pangit ang pag kanta. You know, hindi naman lahat ng sumali ay magaling kumanta. Tsaka strikto kaya iyon si Adrex kaya kaunting mali mo lang ay taas agad ng kamay.", sabi niya sa akin.
Tumango ako.
"Oh pakitapon.", utos niya sa akin habang inilalahad ang basura niya.
Kinuha ko ito at pumunta sa malapit na basurahan.
Nasa garden kami ngayon at sa gilid ng isang building ang malapit na basurahan dito.
Nang mailagay ko na ang basura sa basuran ay akmang aalis na ako nang may marinig akong boses.
BINABASA MO ANG
Carnation
Teen FictionSelene Scarlet Diore is a simple girl who admire a man from the band 'A-5' named Adrex Kian Veñor. Light red carnations represent admiration Start: September 15, 2020 End:____________________