PROLOGUE

5.9K 110 1
                                    

Matapos mamatay ng kanyang kaibigan ay pinagsisihan ni Rare ang mga desisyong kanyang nagawa. Nagkatinginan naman sina Hier, U,  End at King... Kung hindi lang sana naapektuhan ng sobra si Johan hindi hahantong sa ganito ang lahat.

Tikom ang kanilang bibig at kahit gusto man nilang sabihin ang katotohanan kay Rare ay hindi nila magawa dahil nangako silang tatlo na walang makakaalam ng katotohanan.

"Rare, ito na ang tiyansa mo. Ngayon mo patunayan na mahal mo talaga si Shannon."

"U, sa tingin mo ba magagawa naming mahalin ng isa't-isa? Namatay si Johan dahil sa kagagawan ko. Matatanggap ba ako ni Shannon kapag nalaman niya na dahil sinabi ko kay Johan ang katotohanang ako ang ama ni Troy ang naging mitsa kung bakit siya nagpakamatay?

"Huwag mong sisihin ang sarili mo,  aksidente ang lahat."

"End, hindi aksidente eh. Nag-imbestiga ako. Sinadyang pasabugin ang eroplano at alam 'yon ni Johan."

Nagkatinginan naman sina U at End. 

"May iba ka pa bang nalaman?"

"Hier, wala. Kahit anong imbestiga ko hindi ako makakuha ng 'lead' kung sino ang nagpasabog.'

"Sige, ako na bahala dito. Pero baka wala tayong makuha na kahit ano. Sinubukan kong tingnan lahat ng CCTV at inalam ang mga may posibilidad na may galit kay Johan kaso wala naman."

"Salamat King"

Wala silang kaalam-alam na pinasira na lahat ni Hier ang mga ebidensya. Tahimik lang siya sa gilid ngunit siya ang may pakana ng pagsabog ng eroplanong sinakyan ni Johan noon. Bukod sa kanya, King, End at U walang sinuman ang nakaaalam sa plano nila. Tumingin si Yller kay Hier at ngumiti si Hier sa kanya. Matapos ang gabing iyon ay hindi na muling nakatulog ng maayos si Rare at lalong lumala ang kanyang sakit.

Paano pa kaya siya mapapalapit kay Shannon at sa kanyang anak?

Gayong hindi na niya alam kung paano kontrolin ang kanyang sarili.

Ano ang kanyang magiging desisyon?

Magkakamali kaya siyang muli o sa pagkakataong iyon... Maitatama na niya ang lahat.

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon